Chapter Twenty-two

5.4K 93 3
                                    


"NARITO ka na pala, Zach. May bisita tayo, Emmy?"

"Magandang umaga sa inyo. Ako po si Nick—"

"He's my dad, Lola. Ang totoong daddy ko!"

Ang pagkamangha ay agad lumatay sa mukha ng matandang babae. "Nagbalik na ang memorya mo, Emmy?"

"H-hindi pa, Mama..."

"Kung ganoon ay paano ninyo nalamang siya ang daddy ni Zach?" Pilit nitong pinagtatakpan ang takot sa pagsisikap na maging kalmante. Inilapag nito sa sahig ang dalawang supot ng groserya na pinamili sa bayan.

"Ako ang magpapaliwanag sa inyo, Lola," Zach said eagerly. Sinimulang ikuwento ni Zach sa abuela ang unang pagtatagpo nito at ng mga Navarro hanggang sa kahapong makita nito ang wedding picture ng mga magulang sa family room sa mansion sa Alta Tierra.

Nanatiling tahimik ang matandang babae lalo na nang ipakita ni Zach ang album at ikompara iyon sa mga larawang nasa ibabaw ng television. Leoncia sighed in resignation. Napuno ng lungkot ang mukha. Nilapitan ito ni Zach at niyakap.

"Lola, hindi kita iiwan. Alam mo iyan."

May sumilip na mga luha sa mga mata ng matanda pero ibinalik iyong pilit. Nang magtanong si Nick kung paano napunta sa baryo ng Isidro si Alaina/Emmy ay muling narinig ni Emmy ang kuwento sa ikatlong pagkakataon.

"Nais kong iuwi ang aking mag-ina, Mrs. Javier," deklara ni Nick sa tinig na hindi nangangailangan ng pasubali o pagtutol mula sa kanino man. May palagay si Emmy na haranganman ito ng isang batalyong sundalo ay hindi ito maaawat.

Zach was only too excited. Subalit si Emmy ay naroon pa rin ang takot sa kabila ng lahat. This place had been her home for the last fifteen years. Kinatatakutan niyang harapin ang ano mang bagay sa labas ng bahay at lugar na kinasanayan niya.

"Si... si Emmy ang magpapasya niyan, Mr. Navarro." Gumagaralgal ang tinig nito.

"Dad, isama natin si Lola Leoncia."

"Apo—"

"Lola, kailangan mong sumama. Hindi ako papayag na maiiwan ka rito."

"Wala akong tutol na sumama kayo, Mrs. Javier. Kayo ang nakikilala ng asawa ko at anak sa nakalipas na labinlimang taon. Hindi ko nais na biglain silang alisin sa buhay ninyo. O kayo sa kanila."

"Talaga bang nakatitiyak kayong si Emmy ay inyong asawa, Mr. Navarro? Ang sabi ninyo ay namatay sa plane crash ang inyong asawa."

"That's what we thought. Dahilan upang hindi namin maisip na ipahanap siya," he said grimly. Napuno ng galit ang dibdib niya. "May gumamit sa pasaporte ni Alaina at bumiyahe bilang siya. Hanggang ngayon ay walang DNA sa mga pasaherong nangamatay sa plane crash na tumugma sa asawa ko.

"At nariyan ang mga larawan bilang ebidensiya, Mrs. Javier. Ang photography bilang hobby ni Alaina. We still have the pictures she took in her studio in my house. We can easily compare the style. And I would always know my wife even forty years from now. Even with that ugly scar on her forehead and arm.

"Nagdadalang-tao marahil ang aking asawa nang panahong iyon na hindi niya nalaman. And I know she had a caesarean scar from our first child. Zach is a spitting image of my father when Franco was Zach's age. And her Tiya Andrea would recognize her, too.

"Just as our mayor doma would. Si Nana Tonia ang halos nagpalaki sa aking asawa. And if those weren't enough, I can request a DNA. Kung ikapapanatag ng dibdib ninyo."

Huminga nang malalim si Leoncia. "Hangga't hindi nagbabalik ang memorya ni Emmy ay mananatiling misteryo ang nangyari sa kanya. Kung paanong natagpuan siya hindi malayo sa accident site sa ibaba ng bangin..." Tumingin ito kay Nick. "At ipinaaalala ko sa inyo, Mr. Navarro, na dalawang doktor ang nagsabing maaaring hindi na magbalik ang memorya ni Emmy."

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now