Chapter Twelve

3.4K 79 0
                                    


DAHAN-DAHANG itinulak pabukas ni Emmy ang pinto ng study ni Philip pagkatapos ng isang mahinang warning knock. Naroon ang anak sa tabi ng bintana at nakatanaw sa kadiliman sa labas. Nakaakbay ito kay Leoncia na sa wari ay inaalo ang abuela.

Binawian ng buhay si Philip nang araw ding iyon na ipinasok nila ito sa ospital. Kahapon ng hapon ay inihatid nila ito sa huling hantungan. Sa pagkakatitig niya kay Leoncia, tila ito kumukuha ng lakas mula kay Zach. Sa memorial park kahapon ay hinayaan niya si Leoncia na halos ayaw bumitiw kay Zach.

"Mama..."

Parehong lumingon sa kanya ang dalawa. Her eyes met Leoncia's. "Nais kitang makausap, Zach," she told her son.

Nakikiusap ang tingin ni Leoncia sa kanya.

Natitiyak ni Emmy na kung mapipigilan siya nito ay gagawin ni Leoncia. Subalit hindi niya gustong ipagpaliban ang nais na gawin.

"Dapat bang ngayon mo gawin ang binabalak mo?"

Leoncia was seventy-five years old. Wala itong sakit, kahit rayuma na karaniwan sa mga matatanda. Malakas pa ito at katunayan ay aktibo pa sa gawain sa bahay na hindi nito ipinapaubaya sa katulong, lalo na ang pagluluto. Sa niyugan din ito naglalagi kapag nagbabagsak na ng mganiyog.

Today, it was as if she aged twenty years. Ilang beses nitong sinabi sa kanya na hindi tamang mas nauunang pumaparoon sa huling hantungan ang mga anak kaysa sa magulang. And Leoncia had outlived his two sons. Natitiyak niyang hindi nito gugustuhing ipagtapat kay Zach ang katotohanan ng pagkatao ng anak niya.

"Hindi pa man lang natutuyo ang semento sa libingan ni Philip, Emmy. Hindi ba maaaring magpaliban nang ilang araw?"

"Ayokong patagalin ang lahat, Mama. Dahil baka hindi ko kayang sabihin. And it would be unfair to Zach." Sinulyapan nito si Zach na nagsalubong ang mga kilay habang nakikinig sa kanilang dalawa. "Isa pa'y ito ang gustong mangyari ni Philip..."

Nanlumong humakbang patungo sa isa sa mga upuang naroroon si Leoncia. Her frail shoulders sagged. Na tila ba may mabigat na mga bagay na nakapatong doon. Napuno ng insekyuridad ang mga mata nito.

"'Ma..." Emmy said softly. Nagsisikap na ipanatag ang damdamin ng matandang babae. "Hanggang kailangan ninyo ako...kami ni Zach, ay mananatili kaming nasa piling ninyo. Saan ba naman kami pupunta? This is our home. At mananatili kami rito hanggang nais ninyo."

"Mommy... Lola... ano ba ang pinag-uusapan ninyo?"

Tumingin si Leoncia sa kanya at pagkatapos ay tumango. Defeat on her face. "Zach, may gusto akong ipagtapat sa iyo. Kami ng lola mo. Please sit down..." Itinuro niya ang isa pang silya sa harap ng study table ni Philip.

Zach frowned. Gayunma'y lumakad hindi sa silyang itinuro niya kundi patungo sa swivel chair ni Philip. Na para bang sa pag-upo nito roon ay naroroon ang proteksiyon ng ama sa ano mang ipagtatapat niya.

Si Emmy ay hinalinhan ang lugar ni Zach sa tabi ng bintana. Hindi niya kayang maupo. "H-hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa iyo ito, Zach. Gusto kong malaman mong hindi pa rin natatagalan magmula nang sabihin sa akin ni Philip ang ipagtatapat ko..."

"Mommy, please, ano ang sasabihin mo?"

"Ako ang magsisimula ng sasabihin ngmommy mo, hijo," ani Leoncia sa nanginginig na tinig. "Subalit gusto kong malaman mong mahal kita... minahal ka ni Philip. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala sa akin..." Then the old woman sobbed.

Agad na tumayo ang binatilyo. Umikot patungo sa kinauupuan ni Leoncia at hinawakan sa magkabilang balikat ang abuela, puno ng pag-aalala. "Lola, ano ba ang sinasabi ninyo? Bakit pati ako mawawala?"

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now