Chapter Fifteen

3.7K 75 3
                                    


IBINALIK ni Nick ang isip dito. Veron had always been polite and friendly and very efficient. Hindi nito tinawid ang linya sa pagitan ng isang empleyado at kaibigan.

Kaibigan, sa diwang si Veron ay kaibigan ni Alaina noong ito'y nabubuhay pa bago pa man ito naging empleyado ng FNC. Si Veron din angtumayong maid of honor sa kasal nila ni Alaina.

Si Veron din ang huling nakakita kay Alaina nang ihatid nito ang huli sa airport. Dapat ay kasama ni Alaina si Veron patungong Rome nang araw na iyon. Isa o dalawa sa mga biyahe nina Alaina at Drew sa ibang bansa—for shopping—ay kasama si Veron.

Katunayan, nagpahiwatig si Alaina na nais nitong isama sa Rome si Veron. Tutal naman daw ay birthday ni Veron ang susunod na buwan at regalo na ng asawa ang biyaheng iyon sa Rome. Bagaman sa Rome lang makakasama ni Alaina ang kaibigan dahil si Alaina ay tutuloy sa America habang babalik naman sa Pilipinas si Veron. But Veron had declined. Something about family matters.

Since Alaina's death/disappearance, naging kakaiba na ang mga ikinilos ni Veron. Aloof. Grieving. Parang mas ito ang nawalan kaysa kay Nick. Hindi rin miminsang napuna ni Nick na sa unang mga taon mula nang mangyari ang aksidente sa Rome, na tuwing nag-iisa siya sa opisina ay naroon ito lagi at nakatitig sa kanya. Veron's face mirrored his own.

There was even a time when Veron cried in his arms. Feeling guilty of what had happened to Alaina. Na dahil hindi ito sumama ay nakaligtas ito sa kamatayan at si Alaina ay hindi. Hindi lang miminsang inalo ni Nick si Veron sa nakalipas na mga taon.

Para silang iisang tao na nawalan ng minamahal. Ang nagpabago lang sa bagay na iyon ay nang magkaroon sila ng relasyon ni Bettina, years later. And Nick had this feeling that Veron hated Bettina for it. It was as if Veron had hated him, too.

Nagseselos ba ito kay Bettina? Nagagalit ba ito kay Bettina dahil sa halip na dito siya bumaling ay kay Bettina? But Veron vehemently denied that many times.

"Hindi mo na ako sinagot..." untag niya rito.

May ilang beses na humugot at naglabas ng hininga si Veron. Sa wari ay nag-iipon ng lakas ng loob. Ilang beses ding nagtagis ang mga bagang.

"Minsan man ay hindi ako nag-loan sa kompanya, Nick. Wala akong dahilan para mag-loan. Ang kompanyang ito ay itinuring ko nang pamilya at..." she trailed off.

Nick smiled. He even thought na nakabanggaan na naman nito si Bettina. Hindi niya gugustuhing ilipat ng ibang kompanya si Veron.

"How much?"

Nanlaki ang mga mata nito. "Nang hindi man lang itinatanong sa akin kung saan ko gagamitin?"

"Hindi ka maglo-loan kung hindi mahalaga. So, how much."

"Half a million, Nick," nahihiyang sabi nito kasabay ng pagtiim ng mga bagang. "Nakasanla ang bukirin ng tiya ko sa probinsiya. Maiilit kapag hindi ko ginawan ng paraan."

Kumunot ang noo niya. "Ang akala ko'y wala ka nang kamag-anak nang mamatay ang tatay mo?"

"Tiyahin as in stepmother," she said quickly. "My father's second wife. Naisanla niya ang bukirin nang magkasakit ang itay ko..." She pursed her lips grimly. Kapagkuwa'y may lungkot na nakiraan sa mga mata nito na sinikap supilin.

"I am sorry, Veron." Inabot niya ang kamay nito at pinisil.

She shrugged. Umilap ang mga mata. "I-I wasn't even there when he died three months ago. May... pinagkasamaan kami ng loob. M-matagal na niya akong itinakwil. Nang mamatay siya ay saka pa lang nakipagkita sa akin ang stepmother ko. The bank will foreclose the orchard, kung hindi ko gagawan ng paraan."

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now