Chapter Five

3.7K 78 1
                                    


Present 


"KINUKULAYAN na ba ng araw ang dagat, Emmy?"

Emmy's smile was poignant. Pinisil niya ang kamay ni Philip na nakahawak sa kamay niya. Nitong nakalipas na tatlong buwan ay walangdapit-hapong hindi sila naroroon sa baybayin kahit napakalayo ng dagat mula sa bahay nila. Kahit sampung minutong biyahe iyon mula sa kanila.

Nais ni Philip na naririnig ang mga along humahalik sa baybayin. Nais nitong sabihin niya ang kulay ng dagat tuwing dapit-hapon.

"Kahel, pula, ginto..." sagot niya sa nagsisikip na dibdib. Hindi niya mapigil ang pagkawala ng mga luha.

"Umiiyak ka..." anito na narinig ang paghikbi niya. Itinaas ang kabilang kamay at pinahid ang mga luhang naglandas sa mga pisngi niya. "Dapat ko bang isiping mahal mo na rin ako sa dulong bahagi ng aking buhay?"

"Mahal kita, Philip," aniya. "Alam kong alam mo iyan. At sana'y hindi mo laging binabanggit sa akin ang tungkol sa—"

"Sa buhay kong malapit nang magwakas?" dugtong nito. Wala sa tinig nito ang pait. O takot sa kamatayan. Ang naroon ay pagtanggap sa katotohanang hindi kayang iwasan.

Iginugupo si Philip ng sakit nito sa puso. Dalawa sa mga ugat nito ay nagbabara. Ilang beses na itong nagpatingin at ang payo ng mga doktor ay magpaopera ito. Subalit tumanggi ito. Ayon dito ay pahahabain lang ng mga doktor nang ilang buwan ang buhay nito. Then he would dieeventually. Habang lumilipas ang mga taon ay wala nang silbi ang mga gamot nitong iniinom.

Ngayon ay marami nang komplikasyon. Tinapat na sila ng doktor nito. Na ano mang sandali ay maaari itong bawian ng buhay. Katunayan ay labas-pasok na ito sa ospital sa bayan. He had lost so much weight. Ang komplikasyon nito ay umabot na sa mga internal organ nito na ayon sa mga doktor ay nababalot na ng tubig. Marami na ring sakit ang idinadaing ni Philip na halos hindi nito kayanin.

Idagdag pa ang katotohanang mula nang maaksidente ito mahigit labing-apat na taon na ang nakararaan ay maraming bahagi ng katawan nito ang nasalanta na bagaman naghilom at gumaling ay hindi na muling nagbalik sa dati.

Itinaas nito ang kamay niya at dinala sa bibig. "Mahal kita, Emmy..."

"Alam ko," bulong niya. "At mahal din kita."

Payak itong ngumiti. Ang mga mata nito ay nakatuon sa karagatan kahit hindi nito nakikita ang gandang isinasabog ng araw sa ibabaw ng tubig pagdating ng dapit-hapon. Kasama sa mga napinsala rito sa nangyaring aksidente ay ang pagkawala ng mga paningin nito at ang pagkaputol ng kanang binti.

"Alam kong mahal mo ako subalit alam ko ring sa kabila ng lahat ay may malaking bahagi ngpuso mo na hanggang ngayon ay nananatiling hindi akin. Kay palad ng lalaking pinag-ukulan mo ng matinding pagmamahal sa kabila ng lahat..." Binuntutan nito ang sinabi ng isang buntong-hininga.

Wala siyang sagot doon. Maraming beses na nilang napag-usapan iyon nitong nakalipas na mga araw. Nitong ipinagtapat sa kanya ni Philip ang katotohanan ng relasyon nila.

"Kapag wala na ako'y hanapin mo siya, Emmy..."

"Paano, Philip? Paano ko gagawin iyon? At sino ang hahanapin ko?" Puno ng pighati ang tinig niya. "Kung totoong may asawa ako, sa nakalipas na mga taon ay hindi malayo ang posibilidad na may iba na siyang pamilya."

Hindi pa rin niya maiwasan ang paninikip ng dibdib tuwing nababanggit ang nakaraang buhay niya kung saan wala siyang maalala.

"Hindi ko rin alam." Pinuno nito ng hanging-dagat ang dibdib. "Noong unang mga taon na dumating ka sa buhay ko ay nagpadaya ako kay Mama. I was enchanted by your voice. Or perhaps took pity in you. Tulad ko'y nanganib din ang buhay mo at ng batang dinadala mo sa iyong sinapupunan. Na sa kung anong himala ay nabuhay.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin