Chapter Twenty-one

5.2K 99 3
                                    


KANINA pa nag-aabang si Emmy sa clearing, ang bahagi ng lupain ni Leoncia na nilapagan din ng helicopter noong unang ihatid si Zach. Tumawag ang anak at sinabing pauwi na at na ihahatid ito ng chopper.

Nakalilito sa kanya ang ikalawang pagkakataong inihahatid ang anak niya ng helicopter. Anguna'y may dahilan at napakabait ng mga Navarro upang ihatid si Zach nang nasa ospital si Philip.

Subalit sa ikalawang pagkakataon?

Hindi niya maunawaan kung bakit, pero hindi niya maiwasan ang kabahan. Kanina pa parang binabayo ang dibdib niya na hindi mawari.

Nang matuon ang pansin niya sa ere. whack... whack...

Emmy squinted her eyes, tumingala sa kalangitan. She saw the chopper. Nakahinga siya nang maluwag. Umikot ito nang ilang beses sa ere bago unti-unting bumaba. It descended smoothly onto the clearing. Umaalimbukay ang mumunting damo sa malakas na hanging dala ng pag-ikot ng rotors.

Ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan. Hindi naman niya gustong salubungin si Zach na para bang matagal silang hindi nagkikita. Knowing her son, ayaw na nitong ituring na bata.

The pilot cut the engines. Emmy saw Zach unbuckle his seat belt. Inaasahan niyang tatalon ang anak mula roon subalit sa wari ay hinintay nito ang paghina ng ikot ng rotor blade. Then her son jumped onto the ground. Pagkatapos ay nilingon nito ang piloto na nagtanggal ng seat belt at earphones at payokong bumaba rin ng helicopter.

Well, that was good. She could at least thank him for bringing her son home. Aanyayahan niyang magkape ang piloto. She waved to her son. Zach waved back. Nakita niyang inakbayan ng piloto ang anak. Nakakuha ng kaibigan ang anak niya. She smiled inwardly. Hindi siya magtataka kung isa sa mga araw na ito ay sasabihin ni Zach na gusto nitong maging piloto.

Napansin niyang bumagal ang paghakbang ng piloto habang papalapit. Tila napuno ng tensiyon ang anyo nito. Naglaho ang ngiti ni Emmy sa biglang pagbabago ng anyo ng piloto habang ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya.

Emmy stared back. Hindi niya mapigilan ang paghangang bumangon sa kanyang dibdib. The pilot must be in his late forties. On his prime. Tall and muscular. To say that the man was handsome, in a rugged sort of way, was an understatement.

Ang pinaghalong navy at light blue na chequered nitong polo shirt ay nakarolyo ang mga manggas hanggang sa may itaas ng siko nito. Nakapailalim iyon sa pantalong maong. His old faded blue jeans hugged his thighs as if they were a woman's arms.

A few feet from her, the pilot stopped on his tracks. The shock on his face intensified. Nawalan iyon ng kulay. Napahugot ng hininga si Emmy. Hindi niya kayang ipaliwanag ang damdaming nasa anyo ng piloto. Just as muchas she didn't understand the sudden beating of her heart.

And there was something very familiar about the man though Emmy couldn't place it. Gusto niyang umatras sa nakikita niya sa mukha ng piloto. Subalit tila ipinako siya sa kinatatayuan.

"Alaina..." the pilot whispered a certain name she didn't quite catch.

Emmy couldn't take her eyes off of him. Had she known this attractive man? Should she be scared of him? Kinapa niya ang damdamin. Kasabay niyon ay ang unti-unting panlalabo ng paningin niya. Pamilyar siya sa takot na lagi nang nasa dibdib niya sa ilang pagkakataon.

At hindi iyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Subalit bakit sa wari ay umiikot ang buong paligid? She couldn't even focus on the man and her son.

Sa nakalipas na mga taon ay iniiwasan niyang makipag-usap sa kahit na sinong estranghero. Umaasa siya sa katutubong damdamin upang kilatisin ang mga bagong kakilala. Hindi niya natitiyak kung bakit ginagawa niya ang ganoon.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now