Chapter Twenty-three

5.1K 90 3
                                    


NICK had cleared his throat. "Sometimes in the mornin' when shadows are deep. I lie here beside you just watching you sleep..."

It was off-key and Alaina had smiled against his chest.

"And sometimes I whisper what I'm thinking of. My cup runneth over with love... hmm... hmm..."

"Ano ang iniisip mo ngayon?" she had whispered suggestively. Agad niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi niya. Sa liwanag ng ilaw mula sa lampshade ay umaasa siyang hindi iyon mapupuna ni Nick.

She had never been this bold. With Philip, she had been the one to offer that they had sex out of obligation in the later months after Zach was born. Subalit si Philip ang kusang tumanggi.

Noong una'y hindi niya alam kung bakit tumanggi ito gayong mag-asawa sila. Hanggang sa minabuti nitong ipagtapat sa kanya ang sexual dysfunction nito. Dahilan upang minabuti nitong magpaka-tandang binata at magtrabaho sa ibang bansa.

Si Emmy, isang Phil-American na nakilala ni Philip sa America ay hindi binigyang-halaga ang kapansanan nito. Emmy and Philip had found each other; natutuhang mahalin ang isa't isa. Nagkasundong magpakasal sa kabila ng lahat.

They needed each other. Ang pag-ibig ay hindi lang dahil sa sex. It could be respect and love and companionship. Again, fate had dealt them another blow that took Emmy's life.

"Alam ko kung bakit bukod-tanging ako ang nakaligtas sa banggaang iyon ng bus at ng pickup, Emmy..." ang sabi nito sa kanya nang umagang iyon sa loob ng ICU, ilang oras bago ito tuluyang binawian ng buhay. He was lucid and was talking clearly.

"Why?" she asked softly, indulging him, while holding his hand. Nagsisikip ang dibdib niya sa pagpipigil na umiyak.

"I lived because of you and Zach," he said. And somehow it rang true to Emmy's ears. "You needed me then."

She sobbed. "I still need you, Philip. We need you." Puno ng katotohanan ang deklarasyon niyang iyon.

Isang payak na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Alam mong darating ang sandaling ito, Emmy. Maging matatag ka sana para kay Mama. Take care of my son. Tell him I love him. And tell him to take care of you and his lola..."

"Hey..." untag ni Nick at itinaas ang mukha niya. "You're crying? You were just suggestively asking me what I was thinking now..."

Suminghot siya at pinahid ng kamay ang mga luha.

Agad ang pagguhit ng pag-aalala sa tinig ni Nick. "Why, darling?"

Hindi agad siya makasagot. Hindi pa nila napag-uusapan ni Nick si Philip at ang naging buhay niya... nila ni Zach sa piling nito at ni Leoncia. Hindi niya tiyak kung iyon ang tamang panahong pag-usapan nila iyon.

"Maligaya lang ako, Nick... dito sa bisig mo. If I'd die today, I'd be happy. Zach had found hisfather. I've found you even if I have no memory of you."

At iyon ang totoo. Sa kabila ng mga nangyari sa kanya, nang mahiwalay siya kay Nick at mawalan ng alaala, sa isang mabuting tao nasangkot sa buhay niya.

Hinagkan ni Nick ang ibabaw ng ulo niya at mahigpit siyang niyakap. "I could never thank God enough when you came back to my life, Laney." His voice choked with emotion. "Hanggang ngayon ay nahihirapan akong tanggapin ang labis-labis na pagpapalang ito."

Iyon din ang nadarama niya. She had so many things to thank for. At hindi niya pinag-aalinlanganan ang damdamin niya kay Nick.

"Doon sa tanong mo kanina kung ano ang iniisip ko ngayon?"

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now