Epilogue

7.5K 144 36
                                    


PUMARADA ang itim na Hummer sa harap ng isang kubo. Mula roon ay lumabas si Zach. Tinanguan nito ang driver. "Hintayin mo ako..." Lumakad ito patungo sa kubo at kumatok.

Isang babae ang nagbukas ng pinto. Zach smiled at her. Bumati ng magandang hapon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-thirties ang babae. She was undeniably pretty. Iyon ay sa kabila ng lumang kasuotan at buhok na mahigpit na nakatali sa likod. She had dark eyes. Makakapal na pilikmata na nakita niya kay Elisse.

Umangat ang paningin ng babae sa multimillion vehicle. Tiyak na iyon ang unang pagkakataong may nakitang ganoong sasakyan sa lugar na iyon. Zach didn't want to use the Hummer. It's like showing off unnecessarily.

Pero nagpilit si Franco Navarro dahil walang ibang sasakyang naroroon kundi ang sa daddy niya. Ang four-wheel drive ng lolo niya ay gamit ng Lola Bea at Lola Leoncia niya na nagtungo sa kabisera.

The two grandmas hit it off like house on fire. At natutuwa si Zach para sa Lola Leoncia niya lalo ngayong maiiwan niya ito. Ipinangako sa kanya ni Lola Beatriz na hindi nito pababayaan ang bagong kaibigan. Leoncia could stay in the villa in Sto. Cristo. Or in Alta Tierra or in Isidro. Depende sa gusto nito.

"Sino ang kailangan mo?"

"Nariyan po ba si Elisse?"

Sandaling kumunot ang noo ng babae. "Nasa ilog ang anak ko. May... kailangan ka sa kanya? Teka at tatawagin ko."

Inawat niya ang akmang paglabas nito. "Ituro po ninyo sa akin ang daan at ako na lang angtutungo."

Sandaling nag-atubili ang babae bago nilingon ang likuran ng kubo. "Ilang metro mula rito ay ang ilog. Malamang naroon si Elisse. Mula nang mamatay ang ama niya ay lagi na roon ang anak ko."

"Salamat po." Bumalik siya sa Hummer at binuksan ang pinto sa likuran. Mula roon ay isang kahong may nakataling ribbon na pula at ang kahon ay may tatak mula sa isang eksklusibong pastry house. Ibinigay niya iyon sa nanay ni Elisse.

"Para po sa inyo. Ako nga po pala si Zach. Bayaw ko po si Leandro." Sa kanyang palagay ay mas magandang sabihin iyon kaysa kung siya ay apo nina Don Franco at Doña Beatriz. Although every which way, lalabas na siya ang natagpuang tagapagmana ni Nick Navarro.

Sa nakita niyang ekspresyon sa mukha ni Aling Henrietta ay natitiyak niyang nakaabot na rito ang balita tungkol sa pagkakatagpo sa kanya at sa mommy niya.

Hindi agad iyon inabot ng babae. Muling tinitigan si Zach at saka bumulong ng: "Salamat."

Binaybay ni Zach ang landas na itinuro ng nanay ni Elisse. Masukal ang magkabilang bahagi ng munting landas. Puno ng vegetation ang paligid. Hinahawi niya ang ilang mgapumupunong damo. Ilang sandali pa'y naririnig na niya ang banayad na lagaslas ng tubig sa ilog.

This must be the other side of the river. Ayon kay Elisse ay pag-aari na ng mga del Mare ang lupaing ito.

Then he saw her. Nakaupo sa malaking bato at may hawak na mahabang patpat. Nakasuot ito ng lumang pedal pusher na dilaw. Ang blusa ay kamisetang hilaw na berde at luma na rin. Ang tsinelas de-goma ay luma rin at pudpod na.

Ang buhok nito ay tulad ng dati, naka-clamp sa gitna ng ulo. Nilalaro nito ang damuhan sa paanan. She must have heard him because she turned. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. Napatayo itong bigla.

"Hey."

"Ano ang... ginagawa mo rito?"

"Magpapaalam sa isang kaibigan."

"A-akala ko'y nakabalik ka na sa Maynila. Iyon ang sabi ni Caleb."

"Totoo. Pero nagbalik ako para magpaalam."

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartOnde as histórias ganham vida. Descobre agora