Chapter Twenty-six

4.9K 88 5
                                    


"SA MARTES ng umaga ang uwi ni Nick at Alaina sa bahay nila," wika niya sa kausap sa telepono. "Sa hapon ang meeting. Maghanda ka. Pasukin mo ang bahay pagdating ng hatinggabi at patayin si Alaina. Saktan mo si Nick pero huwag mong papatayin. Palabasin mong pagnanakaw ang motibo."

"Linggo na ng gabi ngayon. Masyado naman yatang apurahan iyan."

"May dalawang araw ka, Pancho. Kailangan mong gawin dahil baka wala na tayong pagkakataon. Nick will leave the country with Alaina!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa matinding poot.

"Sa subdivision pa lang ay mahihirapan na ako. Paano pa kaya ang bahay na natitiyak kong may security guard?"

"Sa Neopolitan ang bahay ni Nick. Hindi mahirap pasukin dahil open space at layo-layo ang mga bahay. Iyong security guard sa bahay niya ay madali. Patulugin mo. Isingit mo sa ilalim ng gate. Natitiyak kong may tatlong bodyguards si Nick na parati niyang kasama. Hindi nila aasahan ang pagdating ninyo. You have the element of surprise. Alam mo dapat ang gagawin mo."

"Delikado ang gusto mong mangyari. Hindi basta-basta ang bahay na papasukin ko. Kung may tatlong bodyguards at isang security guard, apat bale ang kakaharapin namin."

She muttered a curse. Alam niya kung ano ang ibig sabihin nito—dagdag-bayad. Kilabot na magnanakaw si Pancho kaya nakatitiyak siyang hindi mahirap dito ang gagawin.

"Kaya naman malaki ang bayad ko sa iyo.

Sayang naman ang paglabas-pasok mo sa Munti kung iyan lang ay hindi mo kayang gawin. Tiyakin mong hindi ka papalpak sa pagkakataong ito! Dahil kapag pumalpak kayo uli ngayon ay kayo ang papatayin ko!"

Ilang sandali ang pinalipas ng nasa kabilang linya bago nagsalita. "Nangangailangan ng dagdag-salapi ang gusto mong mangyari. Kailangan ko ng dalawang tao..."

Sunod-sunod ang murang pinakawalan niya. "Wala kang alam sabihin sa akin kundi salapi. Ilang taon na ninyo akong ginagatasan ni Asuncion!"

"Hindi madali ang mga ipinagagawa mo! At nasa sa iyo naman iyon, eh..."

Nahimigan niya ang banta sa tinig nito. Muli siyang napamura. "Ipakuha mo kay Asuncion bandang hapon bukas, Lunes." Pagkatapos ay nag-disconnect siya.

They had better not fail this time. She would kill them both. Titiyakin niya. At hindi na niya kaya pa ang walang katapusang sustento niya sa tiyahin at kalaguyo nito. 


"IS THIS your house, Dad?" tanong ni Zach nang makapasok na sa loob ng garahe ang sasakyan. Agad na isinara ng security guard ang gate.

"And your house, too, son."

"I can see the swimming pool!" bulalas nito at agad na binuksan ang pinto ng sasakyan sa bahagi nito at tinungo ang pool area.

"Hmm," ani Alaina at nilingon ang dalawang security guard. Ang isa ay agad na isinara ang gate. "Lahat ba ng security guard mo ay pawang magagandang lalaki?"

Kumunot ang noo ni Nick. Hindi niya iyon binigyang-pansin. Ang alam niya ay dalawang tao ni Kurt ang pansamantalang humalili sa security guard niya. Tama si Alaina. Ang dalawang nagpapanggap na mga security guard ay pawang malalaki ang katawan.

Both were pleasant on the eye, in a rugged sort of way. Naka-military cut ang isa habang ang isa naman ay naka-ponytail ang may-kahabaang buhok sa likod. Mga mas mukhang mercenaries kaysa sa security guards.

Nick almost rolled his eyes. Alam niyang karamihan sa mga tao ni Kurt ay mga kakilala na nito noong panahong nasa CIA pa ang huli. Many of them were navy SEALs and Kurt's comrades. Dalawa sa mga iyon ay naging asawa ng kanyang mga pamangkin, sina Ivan at Brad. Both his nieces were happy and so much in love with their husbands.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now