Chapter Nineteen

4.4K 83 6
                                    


"VERON?" she muttered the name with venom. "Paano nalaman ni Veron ang numerong iyan at ako ay hindi?"

"I must have given Veron this number inadvertently. I don't know, for heaven's sake! Telepono lang ay issue na sa iyo."

He took a calming breath. "Yes, Veron..."

"It's off office hour, Nick. So hindi nasasagot ni Sheila ang private line mo. Walang sumasagot sa bahay mo at sa penthouse. You've changed cp number again at hindi iyon alam ni Don Franco. Tinawagan niya ako."

"May emergency ba sa Alta Tierra?" he asked, a little bit worried. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya ang ginagawang pagpaparoo't parito ni Bettina. Lumakad ito patungo sa tray at muling nagsalin ng alak at muli ring inisang-lagok iyon.

"Walang sinabi si Don Franco, just to return his call."

"All right, I will call my father," aniya. Pinutol ang pag-uusap nila ni Veron at hinanap ang incoming call kanina sa cell phone niya at tinawagan ang numerong nakarehistro doon.

Kaninong telepono ang gamit ng papa niya? Kailan pa gumamit ng cell phone ang mga magulang niya habang nasa Alta Tierra? This call must be very important. Tumahip ang dibdib niya. Baka may nangyaring hindi maganda kay Franco.

"Papa? Yes..." Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang tinig ng ama.

"Nick, nais kong magtungo ka ngayon din dito—"

"Why? May nangyari ba sa Tita Bea?" Ang naglahong kaba ay muling nanahan sa dibdibniya. Beatriz was like a second mother to him. At mahal niya ang stepmother. Tulad din ng pagmamahal niya sa sariling ina, kay Monica, noong ito'y nabubuhay pa.

Si Bettina ay napahinto sa ginagawa at tinitigan siya.

"Beatriz is fine. Never have been fine. Pumunta ka rito, Nick. Mahalagang bagay. Gamitin mo ang chopper."

"Papa, three days on leave ang standby pilot. Bukas pa ang balik."

"Don't be an ass, son. I know you can fly that piece of steel!"

Napabuntong-hininga siya. Another of the old man's caprices? "All right, Papa. Nariyan ako first hour in the morning."

"No, Nick. Hindi ko kailangang maghintay ng bukas. Be here in an hour or so. Inaasahan kong bago mag-alas-nueve ay narito ka na."

There was something in his father's voice he couldn't place. Well, maliban sa commanding tone. At ang paggamit ng ama ng cell phone. This was a first. Kunsabagay ay may-edad na si Franco Navarro. May apo na sa tuhod kung tutuusin.

"I'll be there." He pressed the disonnect button at nilingon si Bettina. "Si Papa," he informed her unnecessarily. "Kailangan kong umalis at magtungo sa Alta Tierra ngayon din."

"May nangyari ba?" she asked, her voice sharp.

Nagkibit siya ng mga balikat. Tinungo niya ang pinto. "Wala akong ideya. But I don't think there's an emergency." He paused, then looked at her. Nahuli niya ang pananalim ng mga mata nito. "Bettina..." He cleared his throat. "I am serious about what I said earlier."

"Get out, Nick!" she almost screamed. At napahugot ng hininga si Nick sa nakita niyang poot sa mga mata nito. "Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi mo. Hindi ako papayag!"

"Hindi punto rito kung papayag ka o hindi. I am giving you the dignity of knowing that I am ending the affair."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Nick. Sino ang nag-udyok sa iyong gawin ito?"

"Sarili kong desisyon, Bettina. Na dapat ay noon ko pa ginawa." Tuluyan na siyang lumabas ng apartment nito. How he wished he had ended the relationship years ago.

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My Heartحيث تعيش القصص. اكتشف الآن