Chapter Six

3.5K 78 7
                                    


BINASAG ni Philip ang katahimikan sa pagitan nila.

"Sa loob ng mahigit na labing-apat na taon ay hindi ka umaalis sa bayang ito, Emmy. Ikinulong mo ang sarili mo sa niyugan. Sa sulok na bahagi ng puso ko ay ikinagagalak ko iyon dahil natatakot akong makaalala ka. Na bakamakakita ka ng mga bagay na magpapaalala sa iyo. Na baka isang araw paggising ko ay wala ka na."

"Subalit ang kabilang bahagi ng puso ko'y nag-uudyok na hanapin mo ang iyong nakaraan. Dahil alam kong hindi ka maligaya sa kalagayan mo. Lalo na nang maramdaman kong unti-unti na akong iginugupo ng aking sakit..."

Emmy bit her lip to keep from crying.

"Kapag wala na ako ay nais kong bumiyahe ka. Baka sakaling may makakilala sa iyo... baka sakaling may mga bagay na magpapaalala sa iyo ng nakaraan mo..."

Hindi siya sumagot. Hindi niya gustong tanggaping mawawala sa kanila si Philip. Noong hindi pa ito iginugupo ng sakit ay hindi miminsang sinabi nito sa kanya na mamasyal naman sila. Magtungo sa kalapit-bayan at siyudad. Sa Quezon halimbawa kung hindi man sa Legaspi o kahit sa Maynila.

Pero siya ang tumatanggi. Parang may kinatatakutan siyang hindi niya mawari. Na para bang kapag umalis siya sa niyugan ng mga Javier ay mapapahamak siya. The fear that she felt was unexplainable.

At nitong nakalipas na dalawang linggo, magmula nang ipagtapat sa kanya ni Philip ang totoong ugnayan nila ay isinuhestiyon nito na ipalathala niya ang larawan niya sa mgaperyodiko. Muli, ay mariin siyang tumanggi. Tuwina, naroroon ang hindi mawaring takot sa dibdib niya.

"Hindi tayo nakatitiyak na may pamilya pa ako, Philip," aniya at humilig sa braso nito. "Natitiyak kong naging laman ng peryodiko ang nangyaring aksidenteng kinasangkutan ko pero bakit wala man lang naghanap sa akin?"

"Dahil pangalan ko ang taglay mo, Emmy, bilang aking asawa. Emmy Javier. Iyon marahil ang dahilan."

"Hindi ko nauunawaan. Kung sakay ako ng bus na iyon, may mga kamag-anak sana akong naghanap sa akin, hindi ba?"

"Naisip ko na rin iyan. Pero ano ang malay natin kung mayroon ngang naghahanap pero hindi lang natin nalaman."

Nahihimigan ni Emmy sa tinig ni Philip ang mabuway na pangangatwirang iyon. Hanggang ngayon ay nalilito at naguguluhan pa rin siya kapag napag-uusapan nila ang bagay na may kinalaman sa kanya.

Sa nakalipas na mga taon, sa bawat araw ng buhay niya, she could feel this certain longing in her heart. May hungkag sa puso niya na hindi nagawang punan ni Philip. It was as if she was missing someone.

But who could be that someone? Bakit hindi siyahinanap? Bakit walang nalamang taong naghanap sa kanya mula sa mga pasahero ng bus? O baka naman wala na siyang pamilya at nag-iisa na lang siyang talaga nang sumakay siya sa bus.

And it had been fourteen years and seven months. Maliban sa panlulumo kung bakit hindi siya makaalala ay tahimik at payapa ang buhay niya sa piling ni Philip, ng mama nito, at ni Zach. Hindi man naging totoong asawa niya si Philip sa tunay na kahulugan ng salita ay kontento siya bilang "Emmy Javier."

Sa paglipas ng mga taon ay umaasa siyang paggising niya ay maalala niya kung sino siya at paano siya natagpuan sa ibaba ng bangin.

Subalit nanatiling pag-asam na lamang ang bagay na iyon. Mas na naalala niya ang makaramdam ng takot. Matinding takot. Kung saan o kanino ay hindi niya alam.

"Bakit hindi mo dalhin sa Maynila ang iyong mga photography, Emmy? Sasabihin ko kay Mama na suportahan ang photo exhibits mo. Makipag-usap ka sa tamang mga tao. Baka sa pamamagitan niyan ay may makakilala sa iyo? Ayon kay Mama ay napakahusay mo sa pagkuha ng mga larawan. Nasasayang ang iyong talino."

Kristine Series 53: Magic Moment, Book 2: I Have Kept You In My HeartWhere stories live. Discover now