CHAPTER 111

383 15 2
                                    

-CHAPTER 111-

***

ZENDAYA

NAKATULALA Ako habang nakatingin sa unahan.  Laruan, palaro, puno nang tao, Madaming nakapila at higit sa lahat, Ang daming pagkain!. Hindi ko alam ang gagawin ko sa dami kong nakikita. Pero wag kayo.......

Tom's world lang to!!.

"Sure ka?Akala ko ba sa lugar kung saan mawawala problema ko?... Eh bakit parang gagawing pambata utak ko dito?" Tanong ko kay clark habang nakapila kami dito sa kuhanan nang token dito sa gilid. Ang daming tao eh!! Nakikisiksik pako.

"Easy zen, masaya dito" natutuwang sabi nya, kanina pa sya natatawa sa mukha ko, Naguguluhan kasi ako eh. Akala ko dadalhin ako sa mga national bookstore.

Nandito kami ngayon sa MOA, Dito nya ako hinila sa Tom's world. Pumayag kasi ako dahil wala naman ng mga loko sa room, nakakalungkot din at baka mag isip ko dun dahil mag isa ako. Kaya heto, Nag pa hila ako sa Lalaking tong tuwang tuwa ngayon sakin.

Nang kami na ang sunod sa kukuha nang token. Nag labas nang 100 pesos si Clark para makakuha doon sa machine. "100 lang, Gawin mo nang 500 para Matagal, Mahirap mag balik balik dito, Tutal libre mo naman yan eh" Sabi ko sa kanya kaya napatingin sya sakin.

"Libre ko ba?akala ko 50,50?" Painosenteng tanong nya kaya inirapan ko sya.

"Hoy!wala akong dalang pera!Anong 50,50? Ikaw nag yaya tapos hihilahin mo ko dito!" Kalma! Matapos kasing sabihin kong oo, Hinila nya agad ako at naiwan pa gamit ko sa room, Pati kami notebook kong gulong gulo sa upuan hindi kopa inayos. Tapos hihingi sya sakin nang libre? Aba!.

"Hey, easy, wag galit" natatawa na naman sya. "Ako na, Just don't shout zen" dagdag pa nya at nag labas nang 500 sa wallet. Nang makakuha nang token ay Naglaro kaagad kami sa Hablutan nang manika. Meron kasing larong nasa two token ang kailangan tapos madaya. Baka masira kopa yan.

"Hindi ba ako hahanapin dito?" Tanong ko sa kanya. "Baka kasi mag-alala sila sakin, Hindi ako nag paalam eh" Dagdag kopa. Susko!.

"Adi tawagan mo sila, tapos mag paalam ka, Simple as that zen" kalmadong sabi ni clark habang nag-iikot sa paligid para mag hanap nang lalaruin namin.

Masama ko naman syang tiningnan. "Paano ako makakapag paalam eh naiwan ko cellphone at wallet ko sa room, Ikaw ba naman hilahin,Diba?" Sarkastiko kong sabi sa kanya. Minsan talaga iisipin ko nalang syang kidnapper sa skills na meron sya eh.


"Ikaw ba naman hilahin" pang-gagaya nya pa bago malakas na tumawa. Mabilis na hinabol ko sya dahil sa sinabi nya. Gagong to!! Akala ko naman kakaiba sa loko, akala ko lang din pala.

"Hoy!Ikaw! Bumalik ka dito!Kingina mo ha!" Sigaw ko habang hinahabol sya.

"Kingina mo ha!, Hahaha!" Sigaw pa nya. Abat! Pag talaga ito nahabol ko, bibili kaagad akong kabaong tapos Ibabaon ko kahit walang basbas nang pari. Anong santo ba lumapit dito at Naging mala haluparot to!.

Nang mapagod kami ay sinabunutan ko lang sya pero natatawa naman itong si Clark. Pumunta agad kami sa larong Mag da-drive nang kotse. Mabilis na umupo kaming dalawa doon para mag kalaban kami. Buti nalang at nasa pinaka dulo para hindi marinig ang sigawan naming dalawa.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now