CHAPTER 159

355 14 5
                                    


Kasunod nang pag bunggo namin ay kasunod din nang malakas na ingay. Napasigaw ako nang tumama ang ulo ko sa kung anong matigas na bagay sa loob nang kotse.

Mahigpit na nakahawak ako kay nicholas. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako sa takot.

Shet... Buhay pa ba ako?.

Unti unti kong minulat ang mata ko,Nakita ko na nakaharang sa harap ko si nicholas habang yakap nya ako. Nasa balikat ko ang ulo nya habang kinulong ako sa braso nya. Nakita ko ang malaking puno sa gilid at doon kami tumama, nakupi ang unahan ng kotse at tanging maliit na space nalang ang nag bibigay samin.

Nanginginig ako sa takot. Alam kong naramdaman ni nicholas yun nung lalong lumakas ang pag iyak ko. Mabilis syang humarap sakin at tiningnan ang kabuuan ko.

"Zen..Hey, I'm here, Don't be afraid...." nag aalalang sabi ni nicholas bago hinawakan ang mag kabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "May masakit ba sayo... please speak up zen, You are scaring me.. Please..."

Hindi ako nag salita. Hindi pa nag si sink sakin ang lahat, Nahihilo ako pero yun lang.. Humarap ako kay nicholas kaya nakita ko ang mukha nyang nag aalala...mas naaawa ako sa kanya.


"Ok na... Hindi ka na masasaktan,Nandito ako..." sabi pa nya sakin.

"A-akala ko-" putol ko dahil hindi ko mapigilang mag iyak. Hinagod naman agad ako ni nicholas at inayos ang nagulo kong buhok. "Akala ko... M-mamamatay n-na..tayo..A-ayoko pa.. Natatakot ako---"

"Shh.No.You won't die, I won't let that happen, We still have a long way to go. Ok? Do you understand me zen?... It's ok" tanong pa nya sakin kaya tumango tango ako.

Natahimik ako. Tumingin ulit ako sa kanya at sinuri sya. Wala namang sugat pero nag aalala pa din ako. Malakas ang pag bangga namin at buti nalang hindi ganoon ka lala ang pinag daanan namin.

"May.. masakit ba sayo?Ok ka lang ba?" sya naman ang tinanong ko.

Ngumiti sya sakin bago tumango. Hindi sya sumagot. Tumingin ako sa labas nang sinubukan nyang buksan ang pinto nang kotse para makalabas kami... Sinipa nya pa yun dahil ayaa mabuksan.... Hawak ang kamay ko ay inalalayan nya akong makalabas.

Una syang lumabas bago nya ako inalalayan. Nawalan pa ako nang balanase buti nalang at nahawakan nya agad ako....Akmang lalakad na ako nang mahigpit na hawakan ni nicholas ang kamay ko...

Kumunot ang noo ko na tumingin sa kanya pero nakatingin sya sa harap at seryoso ang mukha nya.... Wala akong magawa kungdi ang sundan ang pinag mamasdan nya hanggang sa.......


"Wow... Ang sweet nyo naman.."

Napaatras ako at mabilis na itinago ako ni nicholas sa likod nya. Nakita ko si Xavier at sky na nakangising nakatingin sakin habang may hawak na baril... Tumingin ako sa paligid at para kaming tayang laro ni nicholas dahil pinalilibutan kami ng itim na mga lalaki.

"N-nicholas..." mahinang tawag ko sa kanya. Ayaw nya akong bitawan at mas lalo akong itinago sa likod nya. Napahawak ako sa damit nya dahil Nakaramdam ako ng takot....pero hindi sya nag salita habang nakatingin pa din sa unahan.

"Tagal din ng buhay mo no?." malakas na tawa ni sky ang narinig ko. "Nabunggo kana hindi ka pa namatay?... Ano ka? Pusa?" dagdag pa nya na akala mo may nakakatawa sa sinabi nya.

Nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni nicholas kaya mabilis kong hinawakan yun.

"Don't you know that demons live long?..." sagot sa kanya ni nicholas,halatang naiinis.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now