CHAPTER 160

279 8 3
                                    

"Good morning mother fucker!Good morning earth!, good morning section A, maliban kay nine na Mukhang tocinong sabog!"

Napaka ganda ng araw ko, pero mas maganda si ate zen ko, oo, akin lang, ate ko lang, naiintindihan nyo? Ko, akin lang, ateng ate ko lang, wala kayong karapatang maki ate dahil hindi nyo sya ate.


Ok?, Kahit mag ka asawa ako, ate ko pa din yan! Kahit ikasal na sila ni kole ate ko padin yan! Kahit maging lima na anak ni Benick at lara, ate ko pa din yan!, kahit mabaog si nine at nicko wala akong pakealam sa kanila, basta ate ko yun.

ATE KO. LANG.!


Nasisira lang araw ko, kailangan ko ng yakap ni crush sa section D.

0_0. Hala!





^_^. HEHEHE. pereng tenge ang gaga!


Pumasok ako sa room namin at deretsong pumunta sa pwesto ko, nakangiti ako at iniimagine na kasama si crush sa dagat tapos mag ka holding hands kami, tapos susubuan ko sya ng pagkain, tapos mag popoprose ako sa kanya, tapos papakilala ko sya sa magulang ko tapos ikakasal kami!.

"Tanginang batang to, aga aga kita na naman gilagid mo, nakikita ko pa ang bakas ng hotdog at karne sa ngipin mong hinayupak ka!" napatingin ako kay nine ng sermunan na naman nya ako.


Lagi itong galit sakin.... Crush siguro ako nito. Hater to lover, mas ok pa kung si crushie cake cake pa eh, kaso kapag nasasagi sa isip ko mukha ni nine, gumuguho agad mundo ko, parang end of the world na, mas pipiliin ko pang umasawa ng aso kesa kay nine...



Sumimangot naman ako. "Nine" tawag ko sa kanya. "Alam ko namang may crush ka sakin, huwag ka ng magalit, kahit ayoko sayo pipilitin ko" pag kumbinsi ko sa kanya at tinanguan sya.


Nakita ko naman ang pag taas ng kilay nya at mahinang napamura. "Gago! Anong sinasabi m---"


"ano kaba? Ok lang talaga nine, kahit mabaho yang hininga mo, tanggap pa din kita, kahit lagi kang may regla ok lang din, bibilhan pa kita ng napkin with wings, para lumipad kana sa langit" pag putol ko sa kanya. Totoo naman, love ko yan! Kahit kampon ni lupa yan at amoy lupa araw araw ok lang!!.



"Nang gagago ka ba?!" naiinis na tanong na nya sakin.

0_0? Luh! Pinag pawisan naman agad ako,napahimas ako ng batok at kinakabahaang tumawa.


"Hehe... H-hindi, nang gagago lang"
Mahinang sabi ko sa kanya. Nakita ko naman napahilamos sya ng mukha at tumalikod sakin, Napasimangot naman ako at tumingin nalang sa kisame namin.



Malapit na pasko, regaluhan ko kaya si crush ng lollipop? Potchi? Mahilig din ba sya sa libro katulad ni zen? Bibilhan ko sya ng isang bookshelves sagutin nya lang ako!, kaya kong ibigay sa kanya ang minudo samin, pati yaya naming maalat nag luto!.

"wala pa si zen?"

"Tawagan mo kaya?"

"baka traffic? Baka nag babasa pa sa bus ng libro yun"

"Papasok na ba si boss?"

"malapit na mag first class, kole tawagan mo si zen"

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now