CHAPTER 157

272 7 1
                                    


"Is there anything you want to eat?" tanong sakin ni aliparot nang makabalik sya. Umiling agad ako bago dumeretso sa kanya.

"Tara sa dagat, Mukhang malakas hangin doon" pag yaya ko sa kanya. Wala na namang masyadong araw dahil natatakluban nang ulap, sariwa din ang hangin at hindi ganun kalakas. Sakto lang ba.

"Are you sure? You're still wearing a school uniform, don't you want to change?" tanong nya sakin bago tinuro ang damit ko.

Napanguso naman ako. "Wala naman akong dalang pampalit, saka malay ko bang dito mo ako dadalhin" sumbat ko sa kanya. Totoo naman!.

"You're going to school crying?Akala mo hindi ko nahahalata? Fvck that"  sumbat nya din sakin.
"That's where we sit, let's go" tinuro nya ang isang puno sa hindi kalayuan habang may dalawang duyan doon. Hindi na ako nakapag salita ang hilahin nya ako hanggang makarating doon.

Umupo ako sa duyan at umugoy nang konti. Ganun din ang ginawa ni nicholas.Pansin ko na humahaba na ang buhok nya.Hindi ko alam pero mas lumalaki ang katawan nya, matangkad na din, matangkad ako pero hanggang balikat lang ako pagdating sa aliparot nato.

Naka luwag ang necktie nya habang Naka tingin sakin. Hinahawi din nang hangin ang buhok nya kaya kitang kita ko ang mukha nya.

Sarap sampalin nang sarili ko. Zen! Tumigil ka!.

"You're okay?" panimula nya sa katahimikan.

Peke agad akong natawa. "Anong klaseng tanong yan, Ok ako no!"

Pero seryoso lang ang mukha nya na halatang hindi sang ayon sa sinabi ko.
Mag pipilit na yan, kilala ko yan eh. Para ako yan, hindi titigil hanggang walang chismis na nalalaman.

Napabuntong hininga ako. "Nag kasagutan kasi kami ni gowon" panimula ko bago umiwas nang tingin."Kasalanan ko naman kung bakit sya galit sakin.... Kasi nga diba, nasa hospital ka nun, kailangan nya din ako"

Naalala ko nung nag yaya sya magala tapos nag promise ako. Kasalanan ko nga yung part na hindi ako nakapunta kasi nga nag sisimula ang mga problema namin.

"Simula nun, Hindi na nya ako pinapansin.... Tapos kanina kinagalitan nya ako dahil hindi das ako umuwi, Aminado naman ako kasi hindi ako nakapag paalam sa kanya, pero kung mag paalam man ako, alam kong wala syang pake--"
Nilaro ko ang buhangin sa paa ko bago nag duyan ulit.

"Ayaw nyang nakikita akong kasama ka, hindi ko alam kung bakit nadamay ka kaya sorry....ilang beses ko syang kinakausap pero wala eh, Hanggang sa mapuno ako kanina sa sobrang inis--" Hindi ko mapigilan ang luha ko. Pinunasan ko agad yun.
"Alam ko naman na mali ako pero bakit nasobra sya? Hindi nya ako pinapakinggan, kasi iniisip ko kasalanan ko din sa huli....."

Kaibigan ko si gowon. Childhood friend pa. Kaya kung Magalit man ako, Mag sosorry at mag sosorry pa din ako sa kanya kasi naging parte na sya nang buhay ko, nang buhay namin ni kuya ace.

"Marami talagang taong mas inuuna ang damdamin kesa sa paliwanag nang iba-" napatingin ako kay nicholas nang mag salita sya.
"-pero hindi natin sila masisisi, kasi nag expect din sila, pero mas magandang makinig ka sa dahilan para mag kaintindihan kayo.."

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now