CHAPTER 145

258 10 0
                                    

Kole
Message: nicholas already told me where you went that's why you didn't come back to the room, I also told the others because they were worried about you earlier.

Clark
Message: Rest for now zen, I'm here when you need to talk or help.


Gabi na ngayon at nandito ako ngayon sa room ko, Kumain na kami nina kuya at nahatid na ako kanina ni nicholas pauwi, hindi na ako nakapag salita kanina tapos hindi kopa nakain lahat nang in-order ko!, Hindi naman ako napansin ata ni Nicholas dahil ang sobrang saya nya kanina, Sayang naman, Baka makasira pa ako sa mood nya.

Minsan sa isang buwan ko lang makita ngumiti yun...

Nag pagulong gulong ako sa kama ko habang binabasa ang mga chat sakin nang mga loko, isama mopa sina clark at kole na nag chachat sakin kanina pa, buti nalang daw at pinaliwanag na sakanila ni nicholas kung saan kami nag punta.

Sino ba kasi tanga?

Ako.

Sino bobo?

Ako din

Sino mahiling maniwala?

Akong ako yan!.

So kasalanan ko? Kasalanan kong gantong sitwasyon meron kami? Anong gusto nilang gawin ko? Mag roller coaster sa amusement park tapos makipag barilan kay Mario?.
Aba't, Kung pwede lang adi sana nagawa kona noon pa!.

Hanggang sa Ice cream lang kasi bagsak ko.


Nagutom ata ako nang maalala ko yung Ice cream, Ngumuso ako at tumayo sa kama para mag suot nang swear at pajamas para lumabas, saan ako pupunta?, Syempre sa Seven Eleven!! Bibili nang Ice cream!, pinaalala nyo kasi eh!.

Kinuha ko ang wallet at Cellphone ko bago lumabas sa kwarto.

"Where are you going at this hour?"

Napahinto ako sa pag lalakad nang marinig ko ang seryosong boses ni Gowon mula sa Sala. Nang tingnan ko sya ay matamis akong ngumiti, Nag kakape naman sya habang nakatingin sakin, Naka dekwatro pa sa sofa.

"Hehe....Bibili lang nang Ice cream sa Seven Eleven" Pag amin ko bago nag himas nang batok.

"I will come with you" Sabi nya bago tumayo at kinuha ang Jacket nya sa Gilid.

Nagulat naman ako. "W-wag na!, Babalik din ako gowon, Ibibili nalang kita" Sabi ko sa kanya. At pinag krus pa ang daliri.

Tumaas naman ang kilay nya sakin kaya natahimik ako. "I'll go with you, It's dark outside and it's late at night, what will happen to you there?, ...Hindi mo masasabi ang tao ngayon Zen"

Wala naman akong magawa sa sinabi nya kaya tumango nalang Ngumuso naman ako bago tumingin kay chuchu na nasa gilid ko din, Same kami, Takot kami kay Amo Huhuhu!.

"Let's go" utos nya kaya sumama nalang ako habang nakanguso. Susko, para namang bata ako dito. "Nasa kwarto na si kuya Ace..... May inaasikaso lang" sabi pa nya habang nag lalakad na kami palabas.


"Lagi namang busy si kuya" bored na sabi ko. "Ano bang nag bago?" Dagdag kopa.

Sa sobrang busy nyo....Naiiwan na ako.

"Ginagawa naman nya yun para sayo" Pag dadahilan pa nya, Pero hindi sapat na rason sa utak na makulit ko yan."He is doing a lot because he is the CEO of your company, he has a lot of responsibility Zen"



Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now