CHAPTER 164

257 11 5
                                    

AUTHOR'S NOTE :Hello everyone, sorry for late update, malapit na kasing mag graduate si author kaya nagiging busy. I hope you enjoy reading QUEEN OF SECTION A kahit late mag update.

-Sunshineweb 🌻.

**********




Hindi ko alam na kay loki at zero ko lang pala malalaman ang ilang gusto kong malaman. Nakaupo pa rin kami sa gilid ng kama habang nag kukwento sila tungkol doon sa 'Karzen third' ang pangalan.







Katulad ng narinig ko dati sa kay veronica o kay klayklay, mag kakaibigan nga sila, kasama si karzen,
Pero dahil sa ginawa ni dita na pag patay dito na hanggang ngayon ay hindi kopa alam ang dahilan ay nasira ang pag kakaibigan nila.








Lahat ata ng kamag anak ni dita ay pinatay ng mga inutusan daw ng pinag samang grupo ni kole at nicholas, pero may natitira pang kapatid si dita na hanggang ngayon ay hindi daw nila mahawakan. Hindi ko kilala dahil ayaw naman sabihin sakin nina loki at zero.









Sa sobrang yaman at lakas nina nicholas at kole, isama pa ang buong section A na malaki talaga ang galit ka dita ay nagawa nilang pumatay ng ilang taong kamag anak nito.








Sinabi ko sa sarili ko na tanggap ko parin sila, kaya nilang mag bago, humiling sila sakin na mag babago sila at nakikita ko iyun. Mga inosenste kong mga kapatid, hindi naman nila ginusto yon, alam na alam ko.







"He's the youngest CEO in the Philippines, like Sir Kole and Sir Nicholas, mga bata pa pero may sarili ng mga kompanya sa iba't ibang bansa, Balitang balita nga sila dati ng mag sosyo silang tatlo" pag kukwento ni loki sakin. Ako naman itong seryosong nakikinig.








"Walang kahit anong Company ang  mapapayag sa isa sa kanilang tatlo para makipag kasosyo sa kanila dahil sa sobra taas at yaman nila, kahit ibang bansa ay hindi matanggapsabi ni zero habang nilalagyan ako ng tubig sa baso.









"Ganon sila kalakas?" tanong ko sa kanila, nakatuon talaga ako sa mga sinasabi nila.








"Oo, Kaya malaki ang inggit dyan ni cloud---".







Hindi natuloy ni loki ang sasabihin nya ng biglang bumukas ang pinto, pareho kaming napatingin doon pero pare pareho kaming natigilan ng makita ang pumasok sa loob ng kwarto.



"S-sir Martinez.."





Mabilis na tumayo ng maayos sina loki at zero ng makita si dita, hindi ako umalis sa pwesto ko at medyo gulat na tumingin sa lalaking nasa harap ko, seryoso syang nakatingin sakin na parang may galit sa loob na gustong gusto nyang ilabas.





"D-dita" mahinang sabi ko.








Ang lalaking muntik ng pumatay kay nicholas. Itong lalaking to ang dahilan kung bakit parang medyo-hindi, nag kakagulo na, sya, yung boss nya, yang mag kapatid na Xavier at sky, at iba pa!, Naiinis ako sa pag mumukha nya!.








Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now