CHAPTER 140

252 9 1
                                    

TULALA. Alam kong araw araw akong tulala, Pero lumala naman ata ngayon..Nang mangyari yun, Naging tahimik kami ni kole hanggang sa nahatid nya ako sa bahay namin, Dalawang araw din akong hindi nakapasok dahil sabi ni kuya ay mag pahinga muna ako.

Kaya heto ako ngayon... Naglalakad papasok sa School na parang Zombie,
Para akong suminghot nang katol at rugbee sa sitwasyon ko ngayon, Pinag titinginan pa ako nang mga taong nadadaanan ko, Mukha talaga akong binagsakan nang langit at lupa.


"Good morning Zen!" Bati sakin nang mga loko nang makarating ako sa room namin.

Ngumiti naman ako sa kanila bago tahimik na umupo sa pwesto ko, Wala pa si milan kaya wala akong makausap, Hindi ko naman pinapansin ang tingin nang mga loko dahil medyo tulala pa ang Ate nyo.

"Bakit ganun? Galit pa din pa sya?"

"Kulang sa pagkain si zen, Bumili ka sa canteen!"

"Lapitan nyo, Mag lalaro kamo tayo"

"Arat Chinese garter!"

"Gago, Bakla ka?!"

Naririnig ko pa ang mga bulungan nila pero nakatingin lang ako sa labas.
Kailangan ko nga palang mag sorry sa kanila kasi nung nag walk out ako...Adik kasi Zen, May walk out, Walk out pa akong nalalaman, Ramdam ko tuloy na nag aalala sila.


"Zen?" Napatingin ako sa kanila nang may tumawag sakin. Si blazer. "Gusto mo Pancit canton?, Bigay yan ni mama, Baka gusto mo?" Tanong nya sakin bago nilapag sa harap ko ang isang kulay black na tupperware.

"H-hala.. Salamat" Ngumiti naman ako sa kanya, Sakto Kulang kain ko kanina, Hindi kasi ako makakain sa kakatitig ni Gowon, Ewan ko ba!.

Kukuhanin kona sana yung tupperware nang may mag lapag ulit nang paper bag sa harap ko. "Zen,Wag yang Pancit Canton ni Blazer! Expired na yan eh!..Mas masarap tong Dala mong Spaghetti nang Lola ko,merong meatballs!"
Sabi naman ni nine bago nilapag pa ang dalawang paper bag sa desk ko.

"Ang kakapal! Mas makapal pa ang mukha nyo sa mga Bulok nyong pagkain!....Wag yan zen, Tikman mo yung dala ko, Luto ko yan na puno nang pag mamahal!, Sinamahan ko pa nang Secret ingredients ang mama ko!....Ang Hotdog!" Sabat naman ni terry sabay lapag sa desk ko nang tupperware na puno nang hotdog.

"Gago, Ang dami mong sinabi hotdog lang pala dala mo!" Sigaw sa kanya ni Tristan sabay malakas na binatukan ang loko. "Eto nalang zen oh!Sopas tsaka Lomi.. Ayieee alam kong favorite mo yan, Yiee, Kakain nya yan, Kakain na ang bebe Zen namin!" Lintik, Ginawa ba naman akong sanggol.

"Eto nalang zen oh, Luto sakin ni Bebe jane ko yan pero sayo na" sabi naman ni Nicko bago nag lapag nang tupperware na May lamang chicken nuggets at kare-kare.

Sana all may Bebe. (--__--)

"Eto nalang, pang koreano! Sushi at kimchi!,Mas masarap yan zen, Made in korea pa yan" Si jacob bago nilapag sa desk ko ang baon nya.

"Mga yuck!! Baon nyo yan?!Hindi kakainin ni zen yan, Mas masarap ang Luto nang asawa ko! Sinigang na bangus Saka lumpia!" Sabat naman ni benick bago nag lapag din.

"Mga gago, Mas masarap akin!"

"Hindi kumakain si zen nang expired!"

"Hotdog? Pero hindi pa luto?gago kaba?"

"Baka walang lasa yan ah!"

Natulala ako sa mga ginawa nila, Puno nang pagkain ang desk ko habang sila nag aaway pa sa harap ko, Nang tingnan ko sila ay hindi ko mapigilang ngumiti,Nag aalala na siguro sila sakin kaya ganan ang inaasta nila. Dapat nga ako ang gagawa nang ganto pero heto sila sa harap ko.....Nag aawayan.



Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now