CHAPTER 141

278 10 1
                                    


ZENDAYA POV


"Hi!" Napa angat ang ulo kong nakadukdok sa desk ko nang may naramdaman akong tumabi sakin.
"Bored?" Tanong pa nya sakin.

Clark.

Oras nang klase at Araling panlipunan ang subject namin, Syempre,puro kwento kwento lang naman ang nangyayari dyan, nilalabanan ko ang antok ko para makinig pero Wala eh.

Antok ang kalaban, Kakampihan ko nalang. (--__--).

"Inaantok lang" sagot ko bago umupo nang ayos, Inikot ko ang paningin ko at iilan na ang knockout sa desk nila, Iilan lang ang nakaupo nang maayos lalo na ang dalawang Aliparot sa likod ko. Tumingin naman ako kay clark. "Ngayon lang ulit kita nakita, Dito pa talaga sa Room nato...Hindi ko alam na dito ka din pala nag aaral" panimula ko sa kanya.


Tumawa naman sya nang mahina bago matamis na ngumiti. "Sorry for not telling you, Pero clue na dapat sayo na dito ako nag aaral nang sinabi kong kakilala ko sina nicholas, mga kasamahan ko din sila,Pati ang Section A" pag paliwanag nya sakin. Malay ko ba!! Baka kasi barkada ka eh!! Malay ko bang nag aaral ka din dito!!. Hah!.


Sympre hindi ko sinabi yun, Mabait ako eh."Sinabi na din nila sakin nung Unang araw mo dito, Sympre Mga loko yan eh, Ang dami nilang sinasabi sakin, Para silang batang nag susumbong lalo na si Milan" pag kwento nya sakin bago mahinang tumawa.



"Pero nung nag tagal.." Huminto sya bago tumingin sa mga lokong knockout sa desk nila. "Ang dami nilang sinasabi tungkol sayo,Nakikita ko sa kanila kung paano ka naging importante sa kanila... Sympre nasa ibang bansa ako, Kaya natawag o nag chat sila sakin para sabihin ang lahat, Hindi ko man mareplayan ay nababasa ko naman"

Napatingin ako sa kanya. Ganun pala ang ginagawa nila noon. Pero ok lang kasi nakita ko kung paano sila mag bago ngayon. Napansin ko ngang wala na sa kanilang nakikipag away sa ibang Section, Lagi nalang silang nakatabi sakin.

"Totoo nga ang sabi nila" napatingin ako kay clark nang mag salita sya ulit."Kayang mag bago nang isang tao,Masama at Kung ano ka man, Madaming paraan para mag bago ang isang tao, Lalo na kapag May tyaga ka" paliwanag nya sakin bago ako ngitian.


Ngumiti ako bago ngumisi nang nakakaloko sa kanya."Ikaw ha? Kelan kapa naging teacher? Pag kakaalam ko magaling ka lang magala at kumain ah" pang aasar ko naman sa kanya.


"Gwapo naman" Nag pogi sign pa sya bago lumapit nang konti sa pwesto ko.
"Sinasabi ko lang ang totoo zen..Malaki na naitulong mo samin, sa Section A, lalo na kina nicholas....Hindi mo alam kung gaano kalaki ang pinag bago nila..Nagulat din ako dahil medyo nagiging tino na ang iba sa kanila eh" Mahinang sabi nya sakin, Pumangalumbaba sya sa harap ko bago Tiningnan ako sa mukha.

Ngumiti naman ako bago pinalo sya nang mahina sa balikat, Tumawa naman sya nang mahina, pero nabigla kami nang may humila sakin palayo ganun din kay clark. Huh?.

"Hoy!Ano yan! Walang usapang magaganap!, Hindi pwede mag usap!..." Sigaw ni Milan na nakayakap sa likod ko na parang bata.
"At ikaw?! Bakit mo kinakausap ate ko! Oo Ate ko. Ate ko lang!!" Sigaw nya pa bago ako inalog alog. Aray ko.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now