CHAPTER 133

279 9 1
                                    

"Zen!Sorry na!Mahal naman kita eh!Alam mo ba,Inaway nila ako!Oo Zen inaway nila ako!Sabi nila hindi mo na daw ako mahal!" Parang batang sumbong sakin ni milan nang makapasok ako sa room.

Araw nang lunes at dalawang araw ang lumipas nang makapunta ako kina nicholas, Nakausap kona si kuya kanina, Sabi nya maaga daw ako umuwi dahil may bisita kami mamaya, Hindi naman ako nag tanong dahil maaga ako umalis para bumili nang pagkain para sa mga loko, Hindi ko naman akalain na pag pasok ko sa room bumungad agad ang mukha nila sakin!Ito namang si milan! Niyakap agad ako sa leeg!Sakit tuloy!.

"Hoy bata!Bumitaw ka nga!Nasasakal si zen!" Awat sa kanya ni Tristan at sinusubukan syang hilahin.

"Milan!Bumitaw ka!Pag iyan nalagutan nang hininga!Bibigyan kita nang limang suntok!" Pag babanta pa ni nine kaya lalong hinigpitan ang hawak ni milan sa leeg ko. Putcha! Tinakot pa eh!.

"Yaw ko!" Sigaw ni Milan. "Kita mo zen!Inaaway nila ako!Inaaway nila ako!Ang bad nila zen!Grabe!Ipag laban mo naman ako!Mahal mo ako diba! Zen!!Huhu!"

(-_-) huh?.

"Puta, Kapag ito nahawakan ko!"

"Ilayo nyo nga sakin yan, baka maratrat ko yan!"

"Alam mo milan!Nangdidilim paningin ko sayo!"

"Huh?Kelan mo balak tumahimik?" Hindi makapaniwala tanong sa kanya ni benick, naguguluhan na din.

"Hoy! Alam kong may sakit ka sa utak ha! pero wag mo kaming idamay!" Sigaw pa ni Nicko sa kanya.
Ngumuso naman si milan bago luwagan ang pag kakahawak sa leeg ko.

Nang huminto sila ay napatingin naman sila sakin, Peke akong umubo bago sila ngitian isa isa,Si kole at Nicholas naman ay nasa dulo lamang, pina panood lang kaming nag kakagulo dito, Hinayaan ko naman sila dahil may focus ako sa mga lokong nasa harap ko.

"Oh" umiwas ako nang tingin bago nilahad sa kanila ang apat na malalaking paper bag na may lamang pagkain, "sorry ha, Yan lang nakayanan kong bilhin, Babawi nalang ako next time" mahinang sabi kopa. Hindi ako umimik dahil tumahimik silang lahat, Konti nalang pera ko eh, Hindi na kasi ako nakakahingi nang pera kay mama at papa, Si kuya ace nalang nag bibigay sakin. Ok lang naman sakin dahil alam ko ang dahilan nila.

Nung ilang minutong hindi sila Umimik ay napatingin agad ako sa kanila, Gusto kong matawa nang makitang gulat na gulat sila, Ang OA nila, Grabe. "Hala zen!" Napatakip nang bibig si milan. "Bakit naman? Dapat hindi kana nag abala pa!Hindi naman kami galit eh! Naiintindihan ka namin----Pero sige!Gutom ako eh, akin na yan--"

"Gago! Patay gutom ka talaga!" Binatukan naman sya ni Jacob bago tumingin sakin. "tama si milan, Hindi kami galit, Alam mong mahal ka namin eh!" Proud pa sya.

"We all understand you, Wag kang nag alala samin zen" nakangiting sabi pa ni Tristan bago tapikin ang balikat ko. Ngumiti naman ako.

"Oo zen! Alam mong hindi nagagalit ang gwapong tulad ko! Ewan ko lang kina nine! Iyan laging badmood, pangit naman!" Sigaw pa ni Milan na hawak hawak na ang dala ko. Kinuha na nila eh, alam kong bubuksan na nila yan.

Napangiwi naman si nine sa narinig.
"Wow ha, ang kapal naman nang mukha mong bata ka, ano ka?Anghel ka ba hah?, Eh ikaw nga hindi pa galit pangit na talaga eh!"
Sabat naman nya. Napasapo tuloy ako sa noo ko, Susko, heto na naman tayo.

"Oh?bat ka galit! Sinabi lang sakin ni Tristan yun eh!" Oh, Nag bintang pa ang bata.

"Hoy, ako kanina pa ako nananahimik dito ah," singhal naman sa kanila ni Tristan na binubuksan na yung dala ko, Nawala tuloy silang lahat sakin at nag simula nang kumain, Napangiti nalang ako bago nag lakad papalapit sa dalawang Aliparot na nakatingin lang sakin.

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now