CHAPTER 163

335 12 2
                                    



"Sa tingin mo ba magagawa ng pagtalon mo sa bintana ang makatakas dito?".





Malakas na tinulak ako ng isa sa mga kasamahan ni Xavier pabalik sa kwarto. Dahil doon, tumama ang likod ko sa pader kaya napa aray ako sa sakit.





"Huwag mo ng subukan,masasaktan ka lang" nakangising sabi nya bago nag lakad papalapit sakin, nakaupo ako sa gilid at masamang nakatingin sa kanya, sa kanila,  pumantay sya sakin bago hinawakan ang baba ko. "Napaka ganda mo, tapos mag aasawa ka ng mamamatay din? Tsk, sayang ka, Zen Wesley"  tuwang tuwang sabi nya sakin.






Malakas ko syang tinulak gamit ang paa ko dahilan para tumalsik sya, Umatras ako ng umatras ng masama nya akong tiningnan habang nakahawak sa tyan nya. Karma mo yan.





"P-paalisin nyo ako! Ano bang kailangan nyo sakin?!" galit na galit kong sigaw sa kanya. Ina! Ako na naman!, Anong alam ko sa problema nila?.




"Ah!" malakas na sumigaw ako ng hablutin ni Xavier ang buhok ko na parang galit na galit, naiiyak na ako hindi lang sa kaba, pati na din sa sakit.






"Nang dahil dyan sa boyfriend mo, nag kakagulo na ang lahat! Isama mo pa yang mga tarantado mong mga kaibigan! Ang titigas ng bungo, akala mo kung sino!" sa bawat sigaw nya syang pasakit ng pasakit ng ulo ko.





Masama ko syang tiningnan habang namumuo ang luha sa mga mata ko.
"W-wala akong a-alam.... W-walang kasalanan s-si nicholas.." pag mamatigas ko, lalo syang nagalit sa sinabi ko.






"Huwag mong pahirapan, baka matuluyan yan" rinig kong sabi ni sky pero ayaw mag pa awat ni Xavier.




"Hindi naman nya ginusto to, kayo ang may kasalanan!, hindi sya--"





"Wala kang alam!" tumagilid ang mukha ko ng sampalin nya ako, naramdaman ko agad ang hapdi at pamumula, lalo lang akong umiyak at humikbi ng hawakan nya ang magkabilang braso ko at iharap sa kanya.






"Mamamatay tao yang boyfriend mo! Hindi mo ba alam na gumagamit sya ng baril para---"









"Kasi p-pinipilit n-nyo sya!" putol ko sa kanya, natigilan sya sa sinabi ko, Kahit nanghihina ay nagawa ko pang sumigaw at labanan sya. Kasi totoo naman, hindi kasalanan to ni nicholas, sila ang may kasalanan nito.







"A-alam ko, Pero hindi naman nila ginusto yun! Hindi nya ginusto yon!..." patuloy ko. "B-bakit ba kasi pinipilit nyo silang bumalik sa grupo nyong wala namang kwenta kung ayaw nila! Ano bang mapapala nila dyan? Nakakain ba yan? Hindi naman diba!" sigaw ko sa kanya.







Mas lalong hinigpitan ni Xavier ang pag kaka hawak sa balikat ko kaya napadaing ako, Masama ding nakatingin sakin si sky na may hawak na baril, napatingin naman ako kay loki at zero na nag aalalang nakatingin sakin, Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil sa nangyayari.











"Hindi mo alam ang sinasabi mo"
Mahinang sabi ni Xavier.
"Nang dahil kay nicholas, nag hihirap ngayon si dita, pinatay nya ang angkan nina dita at kalahati nalang ang natira,... Sa tingin mo ba, gawain ng tinong tao yun?" seryoso ang boses nya, Nakatingin din sya sakin na parang nag iintay ng sagot.







Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now