CHAPTER 168

169 11 1
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hellooooo everyone 😍😘.





"Lumabas kayong lahat!". Sigaw ng mga lalaking naka itim. Lahat sila ay may hawak na baril at sobrang dami nila. Pero ang pumukaw ng mata ko ay ang mga lalaking pumasok sa event, halos mapaiyak ako ng makita sila.




"Section A" Halos pabulong kong sabi.



Nandito sila. Nandito ang mga kaibigan ko.





"Zen!" Sigaw ni milan. Halos man laki ang mata ko ng makita sya, naka tuxedo sya kaso may hawak na... Baril?. Kelan pa sya natutong humawak ng baril?. "Ate ko!"





"Hoy! Bitawan mo si zen!" rinig kong sigaw ni nine at tinuro pa si cloud na nasa tabi ko, mahigpit ang hawak nya sa braso ko kaya mahina akong napadaing. "Mamaya ka saking gago ka! Pepektusan kitang lalaki ka!" pag babanta pa nito at kinasa agad yung baril na hawak.






"Bitawan nyo si zen! Mga tarantado!" sigaw pa ni nicko. Hawak na nya ang isa sa guard ni oliver at malakas nya itong sinampal.




"Xavier, Sky!" Sumigaw din si benick at tinutok ang baril sa mag kapatid na nasa ibaba ng stage. "Suntukan nalang oh, Pinapaabot nyo pa sa ganto! Dinamay nyo pa ang reyna namin!"



"Hawak sa leeg!"


"Bitawan nyo si zen!".


"Marami kami, Sasampalin ko kayo"



"Sumuko na agad kayo! Kung ayaw nyo masaktan!"



Sunod sunod silang sumisigaw at halos lahat sila may hawak ng myembro nina oliver, Tinututukan nila ito ng baril kaya hindi ito makakibo. Napangiti ako. Nasa gitna kami ng panganib pero nagawa pa nilang puntahan ako. Para iligtas ako.





"Cloud! Ilabas mona si zen dito!" malakas na utos ni oliver kaya kinabahan agad ako. "Huwag mong hahayan na makuha yan!".




Napatingin ako kay cloud. Seryoso syang tumango kay oliver at mahigpit akong hinawakan sa braso. Ng tingnan nya ako ay lumambot ang ekspresyon nya at maliit na ngumiti sakin.






"I'm sorry zen". Mahinang sabi nya at akmang hihilahin na ako ng pumalag agad ako.






"Ayoko cloud!, Pwede bang hayaan mo nalang ako! Ayoko nito!" sigaw ko sa kanya, Pilit kong inaaagaw ang kamay ko pero hinila nya ako papalapit sa kanya.






Narinig ko ang pag buntong hininga nya. "B-but... Ginawa ko ang lahat ng ito para sayo, kasi mahal kita".
Mahinang sabi nya dahilan para natigilan ako.





Pero wala akong nararamdam kungdi galit at takot sa mga ginagawa mo.




Umiling ako na tila hindi natutuwa.
"Hindi na ikaw ang cloud na kilala ko.."



"I'm really really sorry zen".




Mag sasalita pa sana ako pero napasigaw ako ng buhatin nya ako ng pa bridal style. Nang mabuhat nya ako ay mabilis syang tumakbo paalis sa stage.






Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now