CHAPTER 150

218 9 0
                                    

Time past....Charot.

Nakaalis na ako sa hospital kahapon, Nakakalungkot dahil wala nang gwapong doctor ang bibisita sakin araw araw, Isama mo pa itong sina clark at kole na ayaw tumigil kaya pinalayas ni kuya!, Umuwi na din ang mga loko at nag pasalamat ako kay lara at jane sa pag bisita.

At ngayon?...Heto ako!.

"Boyfriend mo ba si Nicholas?"

(--__--) Inayos ko ang bag na hawak ko bago nakangiwing nakatingin sa kanila. Lima o pito ang mga puking inang lalaking humarang sa dinadaanan ko habang nag lalakad papasok!.

Pakshet!,Nag lakad nga ako para makapag exercise naman ang katawan ko! pero ang mga lintik na to ang humarang sa akin.

"Nicholas? Wala akong kilalang nicholas no,Wrong person kayo mga par" painosenteng sabi ko sa kanila bago matamis na ngumiti.

"Hindi!" Sigaw nung lalaking akala mo gwapo!At puta,Nanduro pa!. "Iyan yung kasama lagi nang grupo nina Nicholas!, Sya din yung nakita kong kahalikan ni nicholas!" Pag pupumilit nya.

Pinandilatan ko sya nang mata."Oh bakit parang iiyak kana?....Adi hindi!Laki nang problema mo Ha!"
Sibat ko sa kanya. Haba nang baba nito! Pwede nang pag hiwa sa gulay!..

"Oh bakit nasigaw ka?!" Inis nyang sigaw sakin.

"Oh bakit pangit mo?!, Kingina nyo!Pag ako na late pepektusan ko kayong lahat!" Sigaw ko din sa kanila.

"Sure ba kayong papatulan ni nicholas yan?.... Mukhang masungit" bulong pa nila.


Kingina, naririnig ko kayo.


"Oo nga no, Baka mali nga tayo...Hindi naman sila bagay eh"

Aba't!Kingina fully charged ako ngayon! Talagang mali kayo!.

"Baka naman girlfriend ni clark o kole yan?, Mukhang Hapon eh"

Anong mukha?Hapon talaga to!..

"Huh?,Talaga?,Akala ko asawa na yan ni cloud?,Yung kapatid nang boss natin"

Edi wo---- what?. Natigilan ako nang marinig ang dalawang taong hindi kona nakikita pa ulit. Isa isa kong tumingin sa limang lalaking nasa harap ko...Tauhan ba sila ni dita?.

"Sabi ni Xavier basta daw dalhin natin sa kanya nang buhay e" bulong pa nito sa isa..


Kulang nalang mag mic si kuya!Hindi pa laksan!Rinig na rinig naman hanggang kanto usapan nila.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanila. "Tapos na ba kayo dyan?Pwede na ba ako dumaan?Late na kasi ako eh" bored na sabi ko sa kanila.

Bigla nalang silang humarang sa dadaanan ko. Aba't!. "Hindi pwede!,Alam naming girlfriend ka ni Nicholas!... Kailangan ka namin ngayon!"

"Hindi ko boyfriend nun!Wala na akong kilalang nicholas!" Sigaw ko sa kanila.


Sa nag daang limang linggo ay wala nang nicholas, Hindi sya napasok, Hindi sya nag chachat, Hindi nya ako tinatawagan, Pero umaakto naman ang mga loko na Parang ok lang, Kasi masaya naman sila sa room, Masaya kami!.

Hhump!Bahala sya!, Baka kinuha na yun ni san Pedro!.

"Weh?" Parang Tangang tanong sakin nung isa sa kanila.

"Promise...Mamatay ka man" nag taas pa ako ang isang kamay at ngumiti sa kanya.

"Ano?!"

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now