CHAPTER 166

208 10 3
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello everyone. Sorry sa late update, miss you all! ❤️.





"Please take double care and watch. Be ready when we are at the event later.." rinig kong utos ni oliver sa mga naka itim na lalaki, seryoso ang mga ito na tila importante ang gagawin nila.



"Don't let them get close to that girl, especially nicholas and kole, big trouble will happen if that happens.. Understand?"






Nakita kong mabilis na tumango ang mga lalaki, natigilan naman ako sa dalawang pangalan na binanggit nya.
"Kole?... N-nicholas?" mahinang sabi ko sa sarili.





Mahigpit akong napahawak sa dress ko, napakagat ako ng labi sa kaba at takot. Kanina pa ako dito sa kotse ng mag isa, Tatlong kotse ang naka helera at ang iba doon ay sina dita, Xavier at sky.




Pupunta sila?.. Ibig sabihin makikita nila ako, makikita ko sila!, nandoon sila! Sina milan, kuya!. May tyansa na makita at makuha nila ako, sana alam nila ang kalagayan ko ngayon, ilang araw ko silang hindi pa nakikita.




Napatigil ako sa pag iisip ng pumasok sa kotse si oliver, sa tabi ko. Mabilis akong Napatingin sa kanya. "Let's go"
Utos nya sa driver.




Hindi ko inalis ang titig sa kanya.
"Anong meron sa event na iyun?"
Mahinang tanong ko.





Napalingon agad sya sakin. "You'll see, you might just be shocked when you find out now, you might even want to run away.." Nakangising sabi nya sakin bago kinuha ang ilang hibla ng buhok ko at pinag laruan nya iyun,mabilis naman agad akong lumayo.





"A-ano?" masama kutob ko sa mga sinasabi nito. Alam kong hindi maganda, ngisi palang alam kong masama na eh. "Bakit kasi ayaw nyo pa sabihin!" sigaw ko sa kanya.





Nagulat sya, pero nagawa nya pang tumawa. "Don't shout young lady, sayang ang dress at make up mo"
Sabi nya bago bahagyang lumapit sakin, naging seryoso agad ang mukha nya kaya na tahimik ako."Just shut up, Kung ayaw mong masaktan".
Pag babanta nya.




Natahimik ako at hindi na nag salita.
Umandar ang kotse at nakayuko pa rin ako, gulong gulo sa nangyayari sakin ngayon, naiiyak ako dahil sa kaba at takot... Tang*na, gusto kona umuwi.



"Huwag kang gagawa ng ikagugulo ng event mamaya, Don't leave my side even with Xavier... Understand?" banat pa nya bago tumingin sakin.




Hindi ako sumagot at masama lamang na tingin ang pinukaw sa kanya.






Nakasuot ako ngayon ng berdeng bistida, light cream na sandals at nakalugay ang buhok ko, may pinadala syang mga mag aayos sakin kanina kaya wala akong nagawa kungdi ang makisama sa kanila. Ayoko sana at mag poprotesta pa kaso ang pag babantang mukha ni dita ang nakikita ko, kaya wala akong nagawa kungdi ang sumunod.






"I don't think I need to use you just to win nicholas back to me and bring them back to our group-" paninimula nya bago lumingon sakin.
"Sino ba ang boyfriend mo? Si kole o nicholas?, You know Those two men were reprimanded since they were young, they carried their behavior until they became young men, tsk".





Kunot noo ko syang nilingon at bahagyang umiling. "W-wala akong boyfriend" pag amin ko.




Natawa nalang sya bigla ng malakas.
"Don't fool me young lady, I have many photos of you together, I also have a photo of you kissing nicholas.... Maloloko mo ba ako?". Mapang lokong tanong nya sakin, kinuyom ko agad ang kamay ko dahil sa inis, nalimutan ko atang mafia ang isanb ito, kayang gawin ang lahat.





Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now