CHAPTER 147

279 17 3
                                    

"Take zen Away!, Now!"

Sa utos ni nicholas, Mabilis akong kinuha ko kole at hinawakan sa kamay. Walang pasabing nilabas nya ako sa resto habang ako ay tulala pa din sa nangyayari.

Shit!, Para akong hindi kumain nang isang buwan sa lagay ko, Kung walang nakakakilala sakin baka isipin nila akong nasinghot nang droga o katol sa labas dahil sa sobrang pag ka tulala ko...baka ipa rehab pa ako nang mga lintik.

"Zen"Tawag sakin ni kole. Huminto kami sa parking lot at mabilis nyang hinarap ang katawan ko sa kanya.
"Ok ka lang?, May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nya.

Umiling ako at hindi nag salita, Wala akong lakas mag salita,Parang bumalik ako sa dati kong trauma. Pero walastik, Mukha na tuloy talaga akong tanga ngayon. Ramdam ko ang tingin sakin nang mga kasamahan ko, Alam kong gusto nilang lumapit sakin pero hindi nila magawa. Same, Feel ko din.


"Bakit naman kasi ganto Zen, Gumagawa ka nang sarili mong plano....Sabi namin sayo, Mag Papaliwanag kami balang araw, Pero bakit ang kulit mo?" Tanong ni Benick sakin.

Napayuko ako. "Balang araw...puro nalang balang araw" inis kong sagot sa kanya, sa kanila. "Maiintindihan ko naman kayo kung sasabihin nyo sakin eh, Ang tagal na nating mag kakasama pero puro kayo balang araw!...Bakit iniisip nyo ba na magagalit ako kapag nalaman ko?Hah!"

"Oo"  sagot ni milan. "A-ayaw naming lumayo ka samin kapag nalaman mo ang mga ginagawa namin....Ayaw naming umalis ka nang dahil sa nalaman mo tungkol  samin.... Ayoko Mawalan nang A-ate" Halos maiyak iyak nyang sabi. Halos humikbi na sya nang todo, pero nag pipigil.

Naluluha akong tumingin sa kanilang lahat, Lumayo ako kay kole kaya nakita ko ang sakit sa mata nya.
"Mas nagagalit ako kung sa ibang tao ko pa malalaman" mahinang sabi ko.


Hindi sila nag salita kaya natahimik ako. Sa ibang tao kopa malalaman, Sa ibang boses pa nang tao ko mapapakinggan, sa paniniwala pa nang tao ako makikinig, sa sobrang dami kong iintindihin, Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula.

"Zen" Napatingin ako kay Nicko nang marinig ko ang nag pipigil nyang boses. "A-ayaw mo na ba samin?, Lalayuan mo na ba kami tulad nang iba?" Tanong nya sakin.

Hindi. Hindi ko kayang layuan ang nga Inaalagaan ko.



"Iiwan mo na ba kami dahil sa nalaman mo?....Kaya naman naming mag bago para sayo Zen"
Sabi naman ni Tristan kaya napatingin din ako sa kanya.

Hindi, hindi ko kayo iiwan.


"Namatayan ako nang ate dahil nag kasakit sya Zen...Ayoko naman pati ikaw mawala sakin....Tinuring kitang Ate ko eh" Nag iiyak na sabi na ni milan sakin kaya lalo akong naiyak.

Ate mo ako milan, Ate mo lang.


"Galit ka na ba samin?,Sakin?, Kay nicholas?....Ginagawa namin ang lahat Zen, Kasama ka na doon " mahinang sabi ni kole.

"Mahal ka naman namin"

"Kaya namin mag bago wag ka lang umalis"

"Hindi na ako makikipag away"

"Ayaw sakin nang mama ko, Ayoko pati ikaw zen"

"Hindi naman namin ginusto yun, Ayaw din namin"


Tuluyan nang bumuhos ang luha ko at nag simulang mag iyak. Mabilis akong niyakap ni kole at hinagod naman nang iba ang likod ko.


"H-hindi"  nahihirapang sabi ko.
"Walang aalis, Walang lalayo...H-hindi ko kayo iiwan... Naiintindihan ko kayong lahat" umiiyak na sagot ko sa lahat nang tanong nila kanina. "Mahal ko kayo eh, Hindi ko kayang iwan ang mga inalagaan ko" sabi ko pa sa kanilang lahat.


Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now