CHAPTER 165

242 7 1
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hi, Maraming nag tatanong sakin kung anong nangyari kay nicholas... Malapit na din ang POV nya, Kalma lang 😊😘.sorry fo mywte update.

*******



Nagising nalang ako may berdeng bistida sa gilid at isang puting sandals.
Hindi rin napunta sina loki at zero kaya umabot ang mag hapon ay mag isa ako sa kwarto.





Tatakas ako... Pero papaano?. Lahat ng bintana may harang, ang pinto may apat na bantay, nasa loob lang ako tapos dadalhan lang ako ng pagkain.






Kailangan kong gumawa ng paraan, last chance ko na to, kung ayaw mong mapakasal sa kapatid ng dita na iyun zen, gumawa ka ng paraan para makatakas. Baka ilang oras nalang ay puntahan ako dito ni dita at sunduin.
Pisikalan, pero ayoko ng may armas.








Mabilis na lumapit ako sa pinto, idinikit ko doon ang tenga ko para pakinggan ang ginagawa nila sa labas.




"Pre, Makakauwi tayo mamaya, may pupuntahan sila boss diba?"


"Pag babantayin ata tayo sa babaeng to, Bahala na.."




"Maraming mayayamang opisyal at politiko ang pupunta mamaya, pumunta kaya ang mga Wesley?"




Natigilan ako sa isang tanong nung isa. Kami ba yun?.





"Hindi ata, Hindi inimbitahan ni boss, diba kagalit nila ang wesley? Kaya nga hawak din natin tong anak nila eh" rinig kong sabi nung isa, sobrang lapit lang sa pinto.





"Bakit ba kasi ayaw pa sumama sa atin nina kole at nicholas?, tsk, mga bata pa pero puno na ng gulo ang buhay.." sabay silang nag tawanan bago nag usap ng iba naman.






Napasandal ako sa pinto bago napabuntong hininga. Kung ganoon, hindi ko makikita sina mama at papa, kasi hindi naman sila inimbita para mamaya, At alam kong alam ni kuya na merong gantong okasyon mamaya.




Alam nya kayang nandito ako?.







Umayos ako ng tayo bago pekeng umubo ng malakas, dahilan para tumigil sila sa pag kukwentuhan.
"Ehem!.... Uhm,Mga kuya, M-masakit po tyan ko.." sabi ko bago pekeng dumaing.






"Miss?" rinig kong sabi sa labas. "Pre, masakit daw tyan!"





"Anong gagawin ko?, Tanungin mo kung ano kailangan" sabi naman nung isa, Naramdaman ko silang lumapit sa pinto.





Lumayo ako ng konti para kumuha ng pwersa.





"Mga kuya, Need ko mag restroom, Masakit talaga tyan ko!" sigaw ko pa dahilan para marinig ko ang natatarantang mukha nila. "Pag ito lumabas dito! Mangangamoy kayo!"
Dagdag kopa.




"Miss may restroom dyan sa loo--"






"Wala! Barado na!" sigaw ko. Gumana ka! Lintik naman oh!.






Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now