CHAPTER 158

254 9 0
                                    


"Iuuwi na kita kapag nagising sila, O kaya huwag muna sila hintayin at baka matagalan tayo dito... Baka kagalitan ka ni gowon at ace nan"

Tumango ako kay nicholas. May point sya, kung iintayin kong magising ang mga lasing kong kaibigan ay baka gabihin pa ako, baka hanapin pa ako ni kuya at baka kagalitan na naman ako ni gowon.

Mas mabuti sigurong umuwi muna ako dahil madami pa kaming gagawin. Mag gagabi na din at hindi pa kami pumasok ngayong araw, Baka maging tocino na grade ko pag nag kataon!.

"Ihatid muna ako,Baka hinahanap na ako ni kuya..". Sabi ko naman sa kanya.

"Five minutes, let's talk more.."
Rinig ko sa boses nya ang pagiging malambing."I want to hear your voice.."

Zen umayos ka! Kwentuhan lang ha!.
Huwag kang malandi!.

"I-ikaw bahala.." mahina kong sagot sa kanya bago tumingin sa dagat.


Nag linis kami nang kubo kanina dahil sa mga kalokohang ginawa doon nang mga loko. Nang mag alas kwatro ay bumalik kami dito sa duyan para mag pahinga. Nakakapagod din dahil nag kahon pa ako nang mga bote nang alak! Si nicholas naman ang nag hila nang karaoke na ginamit kung saan!.


O diba! Tapos sila tulog!, Bukas talaga sila sakin! Lalo na yang sina clark! Pasimuno nang taon!. Lalaki nga naman! Buti nalang hindi ganyan ang kuya ko, Water is life daw kasi eh.

"Zen..." tawag sakin ni Nicholas kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso na syang nakatingin sakin, Hindi ko alam kung anong nararamdam ko dahil sa titig nya.

"Hmm?"


Huminga sya nang malalim. "What I told you when I was in the room... I really meant it. I'm really afraid that if I go out of the mansion and see you, you might walk away from me" dire diretsong sabi nya sakin.



"When you were in the hospital, I couldn't do anything but send Ace the food I wanted to give you because... Because... I was thinking that maybe when I go to you, you will be afraid of me...".



Naalala ko nung sabihin ni kuya sakin na galing kay nicholas ang pagkain na dala nya at mga damit na yun, akala ko na galit sya sakin kasi masyado na akong nangingialam nang buhay nang iba, Hindi ko din ginusto, Ginugulo nga lang talaga ako..


" I'm angry zen, I'm angry because I let you trouble everyone, especially me, I'm angry with myself because it's my fault why you're having such a hard time...". Halos nahihirapan na sya mag salita.



Hindi ako nakaimik at nakinig lang sa kanya.Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya para yakapin sya. Nakaupo sya sa duyan kaya naman nagulat sya sa ginawa ko. Pinatong ko ang chin ko sa ulo nya at niyakap sya.


Sa mga gantong oras, natutunan ko na kahit sino ang nasa harap ko, basta nararamdam mong hindi na nilang kayang magsalita at nahihirapan na sila... Yakap, yakapin mo sila. Dahil kahit sino ka man, kahit hindi mo sila kilala, iparamdam mo lang na nakikinig at naiintindihan mo sila kasama ng pag yakap... Gagaan din ang nararamdam nila.


"Ilang beses ko bang sasabihin sayo nicholas.... Naiintindihan kita, Iintindihin kita.." napuputol ako sinasabi ko dahil pakiramdam ko, maiiyak ako. "Kasi alam kong kailangan mo ako eh.... Ilang beses ko din bang sasabihin sayo na hindi ako natatakot sayo... Dahil kahit anong gawin mo,kahit ako saktan mo... Iintindihin ko kasi..k-kasi kailangan mo din ako.."


Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now