CHAPTER 125

318 14 1
                                    

"Ay poke!..... Ano ba?Wag mokong itulak!Alam kong gwapo ako!Gusto mo ata nang away eh!" Sigaw ni milan habang nakapila kami para kumuha nang tickets sa ferris wheel, napatingin kaming lahat sa kanya at mabilis na lumapit ako nang makitang hinawakan nya yung lalaki sa likod nya na mas malaki pa sa kanya.

"Milan, ano bang nangyayari?Nasigaw ka dyan?" Awat ko agad at mabilis na inalis ang kamay nya sa damit nung lalaki, Inilayu ko sya nang konti dahil Hindi din alam nung lalaki ang gagawin nya. "Nako sorry, Pasensya na sa kapatid ko, Medyo gutom pa kasi to kaya ganto" pag dadahilan ko agad.

"Tinutulak ako eh!hindi ko naman inaano!Ano ka nang ano!" Sigaw ulit ni milan at akmang lalapit nang hawakan ko sya agad. "Pag ikaw inano ko!Baka maano kapa dyang ano ka!" Dagdag pa nya. Susko, Nakikipag away na naman eh.

"Sorry, I didn't mean to do that, I'm just fixing something because it's still crowded. I can't move properly" paliwanag ni kuya. Mukha syang torista dahil sa mukha nya. Para syang Amerikano.

"Sorry, sorry, just ignored him--"

"Ako wag moko ma English-english dyan!! Nag aral ako nang English sa bahay namin!Pati sigh language!" Sigaw na naman ni milan dahilan para hindi matapos ang sasabihin ko.


"Hey" napatingin ako kay kole nang dumating agad sya sa pwesto namin. "What's happening?May problema ba?" Tanong nya agad sakin. Napatingin sya sa kamay kong nakahawak kay milan na kanina pa nag wawala!! Pag ako nainis sasakalin ko tong batang to!.


"Kole!! Inaaway ako oh! Tinulak nya ako! panagutan moko kole!! Ipaglaban moko!, Wag ka patalo sa lalaking to!, kole, Panagutan moko-----Aray!"

"Tanginamo, Kelan mo ba balak tumigil sumigaw na hayup ka" mahinang buong ko sa kanya pero naiinis na matapos syang kagatin sa balikat. Napag titinginan na kami sa ginagawa nya. Mukha tuloy akong nanay na umaawat sa anak na nakikipag away dito.

"Dapat kaso Englishin mo din milan, Hindi ka naiintindihan eh" banat ni nine sa amin nang lumapit sya saamin, Nasa tabi na din namin ang iba. Kumakain pa nang popcorn ang lalaki.

"Oo nga, Sabihin mo 'Its because of the gravity of the earth' yun, Baka mag nosebleed pa yun dahil sa galing mo" sabat naman ni Tristan at tinuruan pa ang batang loko na gumawa nang katarantaduhang gawain.

Napasapo nalang ako. Puta, Sakanila lang sumasakit ulo ko.


"Sabihin mo,'My mother is not a pig! It's a miracle!' ganun dapat! Para maintindihan ka, Ang Bobo mo naman kasi!parang hindi nag aral nang English sa Elementary!" Sumabat pa si blaze na kanina pa kumakain nang chocolate. Buti pato!! Ayaw mamigay!.

"Ganun ba?" Paniniwalang tanong ni milan bago lumayo sakin. "Esp kasi ang favorite subject ko eh, Sunod recess" paliwanag nya. Hindi na nya napansin yung kaaway nyang turistang lalaki.


Nang tingnan ko yung lalaki ay kausap na sya ni kole, alam kong humihingi na yun nang sorry. Lintik kasi naman nito ni milan! Pipila nalang makikipag away pa!. Halos lahat ata nang Pinuntahan namin, Walang papalagpasin ba kaaway!. Kahit yung isda kanina inaaway at ayaw daw mag pahuli!.


"Bumalik na kayo sa pila, Baka maubusan tayo" paliwanag ko sa kanila bago masamang tumingin kay milan. "At ikaw, Doon ka sa unahan, sumama ka sa kanila pumila doon, Pipila ka nalang makikipag away kapa!" Angal ko agad sa kanya.


Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now