one

2.6K 60 1
                                    

Zavy's POV

nakakuha ng first place ang team namin sa ginanap na tournament sa UN University kamakailan lang,
kaya pinagbigyan kami ng principal na magopen ng panibagong activities at kaming mga officers ang nakatoka para ayusin yon

but us officers decided na ibigay nalang ang pagdedesisyon sa mga students para di naman unfair sakanila

sinulat namin lahat ng mga activities na pwede para sa lahat, then pinaprint namin para mabigyan lahat ng students...

akala namin mapapadali yung naisip naming way, pero mukhang mas lalo kaming nahirapan
dahil iba-iba sila ng napili

at ngayon pinatawag namin sila rito sa gym para mapag usapan ng maayos kung anong activity ba talaga ang dapat buksan

"so guys aware naman kayo kung bakit namin kayo pinatawag hindi ba?" tanong ko sakanila

"bakit nga ba?"

here goes the pilosopo girl

"Ms. Del Rosario... can you please shut up for a while?"

"you're the one who should be shut up Fortez"

pigilan niyo ko please mapapatulan ko na talaga tong babae nato

hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ang tingin ko sa mga istudyanteng willing na makinig

"so as you can see guys, nahihirapan kaming mamili kung ano ba talagang activities ang dapat iopen dahil magkakaiba naman kayo ng gusto... may iba sainyo na pabor sa club activities yung iba naman tournament activities then yung iba exploring activities naman ang gusto"

they all started to murmur at yung iba naman puro reklamo ang naririnig ko

"you know what? why don't you just let us decide on our own?" sabat bigla ni Maxine
"give us the full budget of this activity, then hayaan mo nalang kaming mag decide ng mga sarili naming activities as a group.. panira ka e"

is she really crazy? paano naman siya nakakasigurong ipagkakatiwala ko sakanya yung full budget ng activities

"that won't going to happen Ms. Del Rosario... at ano nga ulit yung sinabi mo? ako panira lang dito?"

"bakit hindi ba?"

napaka talaga

"let me tell you this.... aayusin mo yang attitude mo towards me, o gusto mong hindi mapagbigyan kung ano man yang gusto mong activity"

inirapan niya ako at nagcross arms pa

"see? edi lumabas din na gusto mong papabor sayo yung ioopen na activity"

narinig kong naghiyawan yung ibang students, ang iba naman nag palakpakan

I didn't accept this position as a councilors president
para bastusin niya lang ako

tinignan ko ng masama yung mga students na naghihiyawan just to shut them off, bago ako lumapit sa pwesto kung nasan si Maxine

she's raising her brows na parang hindi man lang nasisindak o natatakot sa pwede kong gawin

"Ms. Del Rosario... do you have problem with me?"

napansin ko kasi na palagi niyang kinokontra lahat ng gusto ko, even if it's about the school reputations

"oh....you just know it by now?"

hindi ako sumagot at tinitigan lang siya sa mata

"what if I say yes... ang laki mo kasing epal sa lahat ng gusto ko... masyado kang intrimitida porket ikaw yung councilors president"

at doon namintig ang tenga ko, akala niya siguro madali tong position ko

"bakit Ms. Del Rosario? sa tingin mo ba ginusto kong mapunta sa position nato?"

"why not? you love controlling every situation right?"

thats it! hindi ko na mapapalampas to!

"you really think that I'm loving this position huh? para sabihin ko sayo Ms. Del Rosario or Ms. Maxine na anak ng may ari nitong University... hindi ko kasalanan na kapatid mo mismo ang naglagay sakin dito sa posisyon na to... sa tingin mo madali? kung sa pag control lang naman sa mga students dito sa campus? sige aaminin ko... I'm loving it! kasi nakikita ko na may disiplina yung mga sumusunod at nakikinig sa mga rules na pinapatupad ko"

natahimik siya sa sinabi ko. serves you right

"unlike you....na ikaw na mismong anak ng may ari ang gumagawa at nagbibigay ng bad reputation dito sa University, want me to remind you kung sino ang umaayos ng gulong pinapasok niyo ng grupo mo... hindi ba't kaming mga officers lang naman?! so don't think na gustong gusto ko talaga tong position ko, kasi kung puro gulo mo lang naman ang aayusin ko? I voluntarily quit being councilors president"

this time mukhang natauhan siya sa mga sinabi ko, dahil umiwas na siya ng tingin

"now tell me Ms. Del Rosario... you want this position? kasi kung oo? sige ibibigay ko sayo tutal kaya mo naman sigurong imanage lahat diba?"

she scoffs at umangat ulit ng tingin sakin sabay ngisi. talagang walang kinatatakutan tong babaeng to

"fuck you Fortez! hindi ko malilimutan tong pamamahiya mo sakin!"

pagtapos niyang sabihin yun naglakad siya palabas ng gym kasunod yung mga kagrupo niya

so kasalanan kong napahiya siya ngayon?
kung maayos lang sana siyang kausap kanina at kung hindi niya lang ako pinipilosopo

edi sana hindi ko siya napagsabihan ng kung ano-ano

"you ok Zav?" tanong ni Reign pagkalapit niya sakin

"yeah I'm fine" sagot ko sakanya bago humarap sa lahat

mukhang nagulat din sila sa mga narinig nila kanina

"you may go guys... meeting dismissed"

mukhang kailangan ko talagang pag-isipan ang tungkol dito
aish! bakit ba kasi ako ang nilagay sa posisyon nato e!

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now