fifty eight

783 37 6
                                    

halos mapako sa kinatatayuan si Maxine dahil sa sinabi ni Zavy "n-no you're just pulling that trick para makaiwas ka sa tanong ko, come on stop fooling around"

"this is the reason kung bakit iniiwasan kita palagi kapag pupunta ka rito para lang kulitin ako. kasi alam kong masasaktan ka kapag sinabi ko sayo yung totoo" hindi alam ni Maxine kung anong sasabihin niya kaya yumuko nalang siya "I'm sorry. hindi ko rin naman ginusto pero nangyari na, may anak na kami so please stop chasing me"

napahagod nang buhok si Maxine kasabay ng pag-angat niya ng tingin kay Zavy "you think you can stop me from chasing you just because you have child with him? bakit Zavy mahal mo ba siya?"

biglang iwas ng tingin ni Zavy "hindi kami magkaanak kung hindi"

"don't answer me indirect answers. just say you love him then I will stop chasing you!"

"...."

"say it on my face Zavy!"

"...."

dahan-dahan na tumingin ulit si Zavy kay Maxine "I-I love uhmm"

biglang iwas ng tingin ni Reign nang sunggaban ni Maxine si Zavy ng halik. may part sakanya na natuwa kasi hindi parin suko si Maxine kahit nalaman niya na ang dahilan, pero may part din sakanya na hindi siya naniniwala sa sinabi ni Zavy

kaagad na sinabayan ni Zavy ang mapupusok na halik ni Maxine, pero tinulak niya rin ito nang mapagtanto niya ang ginagawa niya "ano ba!"

"yeah you love him nga" sarkastikong banat ni Maxine saka ngumisi "you love him my ass Zav"

"stop"

"you love him that's why you kiss me back hm...nice try baby"

"umalis kana nasabi ko na yung totoo" saka bumalik si Zavy sa table niya

"yeah. but I will be back" saka lumabas si Maxine sa opisina ni Zavy

"you're just kidding right?" biglang tanong ni Reign

"of course"

"e bakit yun yung sinabi mo kay Maxine?"

"I thought she'll going to stop chasing me pag yun yung sinabi ko"

napakamot nalang ng ulo si Reign "hay nako Zav you just gave her reason para lalo kang habulin" napagakat nalang ng labi si Zavy "you even try to make her believe na mahal mo talaga si Seng well in fact, halata naman sayo na napipilitan ka lang"

"....."

"ano ba kasi talagang dahilan? bakit biglang kayo na pagbalik mo?"

biglang iwas ng tingin ni Zavy "that's enough. masyado nang humahaba tong usapan natin, I still need to finish these paperworks"

napabuntong hinga nalang si Reign. halata kay Zavy na iniiwasan talaga niyang pag-usapan kung anong nangyari "fine I'll go ahead" saka siya lumabas ng opisina

nakahinga naman ng maluwag si Zavy saka may tinawagan sa telepono "enlist Ms.Del Rosario to ban list"

📞 sino pong Ms.Del Rosario Lady Claire

napabuntong hinga si Zavy "stop being dumb Chris, alam mo kung sino yung tinutukoy ko" saka niya binaba yung tawag

ilang saglit pa pumasok si Christopher sa office "what's with that Zav? bakit mo pinapaban si Maxine rito"

"stop asking and just do what I said"

"chill. naka ban na siya rito" nakataas ang kamay ni Christopher si ere na parang susuko "kinulit ka nanaman ba niya?"

"hindi"

"then why?"

napabuntong hinga si Zavy dahil sa inis "puwede ba wag kang marami pang tanong Chris? nagawa mo na ba yung pinagagawa ko sayong report?"

iiling-iling na lumapit si Christopher sa table ni Zavy saka nilapag ang hawak na folder "anyways nagaaya sila Dale. dinner daw mamaya sa favorite resto natin"

"can't come"

"sige sabihin kong G ka" saka dali-daling lumabas si Christopher office bago pa makatanggi si Zavy

napailing nalang si Zavy saka pinagpatuloy ang ginagawa

....

"seriously Max? anong ginagawa natin dito?" nagtatakhang tanong si Reign ng mapagtanto kung san siya dinala ni Maxine. alam niya may pupuntahan sila ni Maxine and knowing her cousin expect niya sa bar nanaman ang punta nila "kelan ka pa nahilig sa laruan?"

hindi siya pinansin ni Maxine at pumasok na sa loob "do you think magugustuhan to ng anak ni Zav?" tanong ni Maxine habang tumitingin ng mga barbie doll house "oh kaya ito?" sabay pakita nang laruan na panglalaki

pinipigilan naman ni Reign ang tumawa dahil alam niya ang totoo, pero naisipan niyang sakyan ang trip ni Maxine "alam mo ba kung babae o lalaki anak niya?"

"hindi"

"oh edi wag mo ko tanungin kasi di ko rin alam"

saglit naman na nagisip si Maxine kung tatawagan ba niya si Zavy o hindi para itanong kung babae o lalaki ba ang anak niya "hmmm..alam ko na" saka siya lumapit sa isa sa mga sales clerk na kanina pa nakatingin sakanila

"yes hottie?"

hindi na nagulat si Maxine sa tinawag sakanya ng sales clerk. she used to others calling her different names kaya sanay na siya "ahm..how much if I buy all of these?"

nanlaki ang mata ni Reign sa narinig. kaagad niyang nilapitan si Maxine "hoy! anong pinagsasabi mo diyan Max?! b-balak mo talagang bilhin lahat ng nandito?" hindi niya alam kung matatawa ba siya sa ginagawa ng pinsan niya

"di natin alam kung anong gusto ng anak niya diba? why not buy everything. bahala na siya kung anong lalaruin niya" sabay labas ni Maxine ng black card niya saka inabot sa sales clerk na gulat na gulat sa desisyon niya

"gaga ka"

"gaga na kung gaga. I'm willing to spoiled that child kahit hindi sakin"

nasapo nalang nalang ni Reign noo niya 'she really believes in Zavy'  saka sumunod kay Maxine at sa sales clerk

pagpunta nila sa may cashier sinwipe na ng sales clerk ang black card niya saka ibinalik "thanks for purchasing our products hottie"

"no worries. thanks for assisting us too" sabay kindat ni Maxine sa sales clerk "just deliver it to that address"

"noted hottie"

napailing naman si Reign "nakuha pa talagang humarot" pabulong lang ang pagkakasabi niya pero narinig parin ni Maxine

"nah. I'm just being nice"

"ok sabi mo e"

...

busy si Zavy sa mga paperworks niya halos nakalimutan niya nang kumain para lang matapos kaagad yung mga gawain niya, pero natigilan siya nang biglang tumunog ang phone niya "hello Ma"

📱 since when did you get interested into toys anak?

nagtakha si Zavy sa bungad na tanong ng Mommy niya "huh? anong toys?"

📱 just go home already, hindi ko alam kung san ko ilalagay tong mga to

naguguluhan man si Zavy ay dali-dali siyang tumayo at inayos ang mga gamit niya "be there" saka niya pinatay ang tawag at nagmadaling lumabas ng opisina "amanda cancel my meetings for tonight" hindi na niya hinintay ang sagot ng secretary niya at derederetsong sumakay ng elevator

"anong nangyari kay ma'am?" natanong nalang sa sarili ni amanda bago gawin ang pinagagawa ng boss niya

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now