eleven

974 52 2
                                    

Dale's POV

"Canny bumaba kana nga diyan punyeta ka talaga!"

buwiset talaga tong kapatid kong to! kanina ko pa siya hinihintay para makaalis na kami. malelate nanaman ako nito sa sobrang bagal niyang kumilos

maya-maya pa naririnig ko na yung footsteps niya na akala mo hinahabol ng kung sino sa pagmamadali

"I'm ready" ngingitingiti niyang sabi

"hindi ka nakakatuwa!" inirapan ko siya bago ako maglakad palabas. minsan talagang nananadiya na siya

nagmadali akong pumasok ng kotse dahil late na talaga ako, habang ang magaling kong kapatid ayun nakatayo pa sa labas at nananalamin. bwiset talaga!

I roll down the window at sinamaan siya ng tingin "papasok ka o iiwanan kita"

"sabi ko nga papasok na"

nakakapangigil bakit ba kasi siya pinatransfer ni mom sa University namin, kailangan ko tuloy maging baby sitter niya

"ate ihatid mo ko sa room ko ha"

hindi ko siya pinansin at bumaba na ng sasakyan. naririnig ko yung pagtawag niya sakin but I ignored her at tuloy lang sa paglalakad, but I suddenly stops when I see Reign kasama nanaman si Irish(Irene) yung volleyball player sa UN University

"selos ka ate?"

I shifted my gaze to the person who suddenly speaks "pinagsasabi mong bata ka"

"bakit hindi ba?"

"tigilan mo ko sa pang aasar mo Canny, baka gusto mong itapon kita"

"sus....indenial ka lang"

I was about to strangle her pero biglang may tumawag sakin, it was Rosanne and she's with Irin isa rin sa friends namin nila Maxine, but we often see each other kasi sa ibang university na siya

"ate Rosè!" sigaw ng kapatid ko habang patakbo sa ate Roseanne niya

"ommo! Canny"

they both hugged each other habang ako napapangiwi, kadiri akala mo mag-inang hindi nagkita ng matagal

"how are you little rat" that's what my cousin calls Canny

"I'm fine... hmmm can I ask you something ate?"

"sure... what is it"

bigla akong nabahala nung tumingin si Canny sa pwesto kung nasan sila Reign and Irish. ano kayang itatanong nitong batang to

then I saw Irin watching them na parang nacucurious din sa itatanong ng kapatid ko

"do you know who's that girl? ano pong name niya?"

Roseanne then averted her gaze to Reign and Irish "that one na naka cap?" tumungo naman yung kapatid ko "uhm... she's Reign Liana, isa sa mga officers dito sa campus"

"ah... does she have a girlfriend?"

mukhang nagulat si Rosanne sa bigla niyang tanong "how did you know na girl yung type niya instead of boys?"

Canny smile at tumingin sakin. oh bakit ako nadamay, pero binalik niya rin yung tingin niya sa ate Roseanne niya "halata lang po sakanya, so ano po? may girlfriend na ba siya?"

"girlfriend?" napaisip naman si Roseanne habang ako hindi ko maintindihan kung bakit parang kinakabahan ako sa isasagot niya. what's wrong with me! "hmm...maybe? hindi naman kasi kami close to know about it"

"oh...ok"

"CANNY!"

napasigaw kaming tatlo nung bigla siyang tumakbo papunta sa pwesto nila Reign. what is she up to!?

"I think she likes Reign"

bigla akong napalingon kay Irin na akala mo nanunuod ng K-drama sa kilig

"stop with that mindset will you? ang bata pa niyang kapatid ko para sa ganyan"

"hmm you're right, pero yung ate niya kailan kaya aamin?"

"what are you talking about?"

"wala"

hindi ko nalang siya pinansin at tumingin ulit kay Canny, ano naman kayang trip nitong batang to?

she approaches Reign na halata ang pagtatakha sa mukha "sorry.... but who are you?"

bigla kong tinago yung mukha ko nung tumingin siya dito samin. ano ba kasing trip nitong batang to!

"I'm ate Carmie's sister po"

"ah... so ikaw yung bagong transfer?"

"yes po" I cringed seeing my sister na akala mo napakabait talaga "can I ask you something po?"

"sure... go ahead"

pangitingiti siyang tumingin ulit sakin at binalik din ang tingin niya sa harap. that's her habit kapag may gusto siyang itanong na alam niyang ikaka oh no! don't tell me she's going to ask if-

"may girlfriend ka na po?"

napasampal nalang ako ng mukha dahil sa hiya. ano bang pumasok sa kokote nitong batang to para itanong yan

"huh? why did you ask?"

"I want you to court someone po kasi"

sabay tingin niya nanaman sakin kaya napatingin rin dito si Reign. punyeta ka talagang bata ka! humanda ka sakin mamaya

"ah.........s-sino ba"

hindi ko na kayang marinig pa yung susunod niyang sasabihin kaya lumapit nako sa kanila para hilain siya palayo. wala na akong pakiealam kung sumunod ba sila cous sakin, basta ang gusto ko makalayo rito

"h-hey hindi pa---------bye ate Reign! later nalang po ulit"

aba't talagang uulit pa talaga siya

"heh! walang later, sabay tayong maglulunch mamaya!"

"huh? ayaw mo nga akong kasabay diba?"

"hindi pwedeng magbago isip?"

"sabi ko nga"

hinatid ko muna siya sa room niya at hinintay siyang makaupo bago ko siya iniwan, then I met Maxine at the hallway kaya tinawag ko siya, but she seems not hearing me kaya nilapitan ko na siya

"hey"

mukha pa siyang nagulat nung nakita niya ako "D-Dale kanina ka pa ba diyan?"

bakit parang lutang to? halata rin sa mukha niya na wala pa siyang tulog

"ok ka lang ba Max?"

"of course"

sakin pa talaga nagsinungaling eh alam na alam ko kung ok siya oh hindi

"I'm not having that answer bicth" inirapan ko siya kasabay ng pagcrossarms ko

bigla naman akong nagalala when she deeply sighs sabay tingin sakin na parang nagaalalangan siya sa sasabihin niya "d-do you really like Zavy?"

"huh?"

bakit naman bigla niyang na-open yung about doon? e isang linggo na nakakalipas magmula ng planuhin niyang magpanggap na makikipagbati kay Zavy, and I also told her na hahayaan ko na siya sa gusto niya at di na makikielam

naisip ko kasi kung ano bang mapapala ko pag pinigilan ko siya? wala naman diba?. sinubukan ko lang rin naman kung titigilan niya si Zavy kapag sinabi kong I like her, pero wala parin hindi pa rin siya napigilan sa gusto niyang gawin

"I'm sorry Dale"

what is she apologizing for? I was about to ask her, pero bigla nalang siyang naglakad ulit habang nakatingin sa lapag. what's happening to her? tsaka para saan yung sorry?

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now