sixty three

990 48 15
                                    

nang malaman nila Maxine galing kay Nam kung saan naka-confine ang anak nito ay hindi siya nagdalawang isip magpalabas na sa ospital para dalawin si Zavy. gusto niya na bago magising si Zavy siya ang unang makikita nito

nasa byahe sila ngayon at may mga sariling mundo, pero nalingat si Dale sa phone at napansin ang nakangiting si Maxine habang nakadungaw lang sa bintana "I guess someone's excited"

lahat tuloy sila nag lingunan kay Maxine. tinignan naman sila ni Maxine na nakataas ang kilay "para kayong mga aso. sabay-sabay pa talagang lumingon" saka siya tumawa "of course I'm very excited, ilang araw na kaming hindi nagkikita ng baby ko e"

"what are you going to do first when you see her?" tanong ni Irin bago ngumiti ng nakakaloko. alam niya ang ugali ng kaibigan and she was expecting daring answer from her

"lalaplapin ko siya syempre"

nabuga ni Christopher bigla yung iniinom niyang softdrinks. buti nalang nasa likuran siya, ang iba naman sakanila natawa at nagulat

"words Maxine!" saway ni Dale pero tumatawa

"bakit? kesa naman kiss lang. pabebe naman ako pag ganun, syempre pasahan na agad ng laway"

lalo silang natawa

nakatanggap naman ng batok si Maxine kay Christopher "bagra mo pre!"

"miss mo nga" sabi ni Yvonne

"of course! dalawang taon kaya akong natigang sakan- aray ko naman!" sabay batok pabalik ni Maxine kay Christopher "kanina ka pa batok ng batok ha!" paulit ulit niyang binatukan si Christopher saka umayos nang upo "sumbong kita sa baby ko" sabay nguso

"punyeta naman kasi yang bunganga mo girl. di halatang tigang ka sakanya noh" sabat ni Roseanne

"kulang nalang sabihin mo saming susundutin mo kaagad siya once na magkita kayo e"

biglang lingon ni Maxine kay Irin "grabe naman sa sundot girl? pero...pwede din"

napailing nalang sila sa kalokohan ni Maxine

"dapat pala dito di kino-confine. nagiging bagra yung bibig e" hirit ulit ni Christopher na ikinatawa nila. inirapan lang sila ni Maxine

samantalang napansin naman ni Dale si Reign na nananahimik lang habang naka-focus sa pagddrive "ok ka lang babe?"

"hm, ok lang"

"why you being silent?"

"wala" sagot ni Reign, pero deep inside ay nahihiya siyang harapin ngayon si Zavy dahil sa mga pinagsasabi niya, not knowing her side story first

kaagad na hinawak ni Dale ang kamay ni Riegn na nakahawak sa clutch "just apologize to her hm"

"mm"

pagkarating nila ng ospital, si Maxine kaagad ang unang bumaba. bakas sa mukha niya ang sobrang pagkaexcited na makita si Zavy

"hoy gaga ospital to di resort. maka ngiti ka diyan kala mo magbebeach tayo e noh" pang-aasar ni Reign

"bakit ba, e sa excited akong makita baby ko e"

umiling nalang si Reign bago sumunod sa mga nauna sakanila

nang makarating sila sa room ni Zavy ay naabutan nilang si Seng ang nagbabantay dito, kaagad naman na lumapit si Maxine kay Zavy na parang bata na binabawi yung laruan niya na ikinatawa nila including Seng

"ay shalla sayong-sayo bhe, di ko aagawin"

"dapat lang kung ayaw mong dagdagan ko yang bangas mo sa mukha" pagbabanta ni Maxine. ang hindi niya alam ay gising na si Zavy

"words Maxine" napunta ang atensyon nila kay Zavy

"gising kana baby?" sabay yakap ni Maxine kay Zavy

"just by now. tapos ganun agad maririnig ko sayo"

"sorry po"

"yan na Max, diba miss mo sermon ni Zav?" sabay tawa ni Christopher "sermunan mo panga yan"

"nye nye epal"

"baby" saway ni Zavy kay Maxine saka umusog ng konti "lay here" kaagad naman na sumunod si Maxine at nahiga. tinadtad naman siya ni Zavy ng halik

"hoy hindi hotel to bhe" pang-aasar ni Seng

"wag kang ano diyan namiss ko baby ko"

"e kung magpaliwanag ka muna kaya sakanila noh? for sure isa rin yon sa pinunta nila"

biglang tigil ni Zavy sa narinig saka ginala ang tingin sa kwarto "where's Mommy?"

"pinuntahan yung Daddy mo" sagot ni Seng. kumakain sila ngayon "dumating na yung hihintay natin Zavy. we're finally free"

nagtatakhang tumingin si Maxine kay Zavy "baby what is he talking about?"

"I will explain it later ok? for now I want to savor this moment muna. I miss you so much" sabay higpit ng yakap ni Zavy kay Maxine

nakaisip naman si Maxine ng kalokohan at lumapit sa tenga ni Zavy, napansin naman siya ng mga kaibigan

"oi...oi...oi ano yan Maxine, kakagising lang niyan oi" pangaasar ni Christopher

"wag mo nga silang pakielaman, selos ka lang e" buwelta na ni Yvonne

"hindi ah"

"sus"

habang nagaasaran sila hindi nila namalayan na nagkakaininan na nang labi yung dalawa, napansin lang nila ang mga ito nung pumaibabaw na si Maxine, pero pinanuod lang nila, si Roseanne naman nilabas agad yung phone para irecord ang hot scene na nasa harap nila ngayon nang biglang

"my gosh!"

nagulat silang lahat sa sumigaw at lumingon dito. huminto naman ang makeout session ng dalawa

"Ma?!" biglang tulak ni Zavy kay Maxine dahilan para mahulog ito sa kama

"aray ko naman baby, why did you push me!"

biglang lingon ni Zavy kay Maxine na nakahawak sa pwetan niya at hinihimas ito "oh my gosh baby sorry"

"ok lang"

"ang galing nakalimutan kaagad nilang nandito na ako" bulong ni Nam habang pinanunuod ang dalawa "kailangan ko bang sumigaw ulit?"

biglang ayos ng tayo ni Maxine, si Zavy naman pinigilan ang tawa "ang cute mo talaga Del Rosario"

"ay humirit ka pa talaga anak" nanahimik naman si Zavy na parang isang bata "anyways, nakakulong na ang magaling mong Daddy"

"really tita?"

"mm"

nagtatakhang tumingin naman sakanila ang anim

"bakit po kailangan makulong ni tito?" hindi na napigilan ni Christopher ang magtanong

hindi sumagot si Nam at tumingin kay Zavy kaya na kay Zavy na lahat ng atensyon ngayon

"later na Ma, I'm savoring this moment oh see?" sabay kiss kay Maxine ng paulit-ulit

"someone's proving that she is botomesa!" pang-aasar ni Dale kay Zavy

"bottom naman talaga ako, sadyang pabebe lang kumilos tong top ko"

"e baby mo ko diba" sabay nguso ni Maxine

"of course baby kita" sabay halik ulit ni Zavy sa lips ni Maxine "but act matured naman kasi in public na, sa kama ka lang magaling mag-----------words Zavy!" sabay-sabay nilang pinutol ang sasabihin sana ni Zavy

"jusko po, hindi dapat kinoconfine tong mga to" kamot ulong bulong ni Christopher

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now