sixty

848 46 6
                                    

"buti naman nakasama ka na ngayon Zav" panimula ni Dale sa usapan "palagi ka kasing busy paginaaya ka namin"

"sorry guys masyado lang akong busy"

"halata nga girl, kahit nga pagbalik mo ginulat mo nalang kami e" sarkastikong sabi ni Irin

napabuntong hinga nalang si Zavy at hindi na umimik. ayaw niyang sabayan ang trip ng mga kaibigan nila dahil alam niyang mapipikon lang siya

"anyways totoo pala yung rumor about you and Seng? kailan pa naging kayo?" biglang tanong ni Roseanne

natigilan naman si Zavy sa pagkain saka uminom ng tubig "bago lang din"

nagtatakhang lumingon si Maxine kay Zavy "bago? akala ko ba may anak na kayo?"

bigla silang napalingon kay Maxine. si Zavy naman napapikit nalang

"anak?!" sabay-sabay nilang tanong

napalingon naman si Zavy sa buong restaurant at napasinghap ng makita na nasa table nila ang atensyon ng lahat "can you guys not shout? you all getting attentions from everyone here. nakakahiya"

napalingon naman ang anim sa paligid and Zavy was right, nasa kanila ang atensyon ng lahat

"sorry" si Christopher ang unang nagsalita "pero seryoso? anong anak pinagsasabi mo diyan Maxine" wala naman kasi siyang nakikita na sinama ni Zavy o sa bahay nila kapag sinusundo niya ito minsan

"why don't you ask Zavy?"

nalipat naman ang atensyon nila kay Zavy na sunod-sunod ngayon ang paghinga. hindi niya alam kung paano magpapaliwag sakanila dahil hindi naman niya ine-expect na ioopen ni Maxine ang tungkol sa sinabi niya

"totoo ba yung sinabi ni Maxine?" si Dale na ang unang nagtanong dahil sa curious niya "m-may baby na kayo ni Seng?"

'naman kasi e! bakit ba kasi yun pa yung sinabi ko sakanya?! kainis!' sabi sa isip ni Zavy bago humugot ng malalim na paghinga "actually....its not true, biniro ko lang si Maxine"

biglang lingon ni Maxine kay Zavy "ano?! you really just pulling a trick on me?!"

"ang kulit mo kasi! hindi ko na alam kung ano pang puwede kong sabihin sayo para lang tantanan mo na ko"

biglang nakaramdam ng kirot si Maxine sa dibdib at napayuko nalang. nasaktan naman sila para kay Maxine

"ano ba talagang problema Zavy? diba ok naman kayo ni Maxine bago ka umalis?" hindi na napigilan ni Dale ang bibig niya "bakit biglang ganun, lumabas nalang bigla yung rumors sainyo ni Seng, then here you are pinatutunayan mong totoo yung about don"

"kasi totoo naman, we've been together for years now so please...accept and respect what we have"

hindi na kinakaya ni Maxine ang naririnig niya. biglang balikwas niya ng tayo na ikinagaw ng atensyon nila "I'll go ahead. may kaylangan pa pala akong ayusin" paalis na sana siya pero pinigilan siya ni Zavy "let go of my hand Zavy" madiin at halata ang sakit sa tono ng mga sinabi niya

"akala ko ba gusto mong malaman yung totoo. ito na oh sinasampal ko na sayo kung ano yung totoo"

nagulat silang lahat sa sinabi ni Zavy. parang wala siyang pakielam kung masasaktan si Maxine sa mga sinasabi niya ngayon

puwersahan naman na hinila ni Maxine ang braso niya "tama na yung nalaman ko, hindi mo kailangan ipamukha sakin masyado. don't worry di parin magbabago isip ko, I'll still chase you...bigyan mo lang muna ako ng break from all of this. nakakabigla e"

"...."

habang nasa kalagitnaan pa sila ng komosyon ay may biglang lumapit sa table nila na ikina-bigla ni Maxine maliban kela Dale, Reign, Yvonne, Roseanne at Irin. lahat sila ay nagtatakha

"sabi ko na ikaw yan anak" bungad ng lumapit sakanila

"anak?!" sabay-sabay nilang tanong maliban kay Maxine at Zavy

bago pa man makasagot ang nasa harapan nila ay tumayo na si Zavy "excuse me guys" balak na sana niya itong hatakin pero hindi ito nagpahatak sakanya

"yes mga hija at hijo, I am Zavy's father Mr. Lucas Shawn Lee" pagpapakilala nito sakanila

hindi na sila nagulat sa pangalan nito dahil isa rin siya sa mga business tycoons sa Thailand, ang kinagulat lang nila ay ang relasyon nito kay Zavy na ngayon lang nila nalaman maliban kay Maxine

"Dad let's go"

pero himbis na makinig si Lucas sa anak "anyway since nandito na rin lang ako" huminto siya saka may kinuha sa loob ng coat niyang suot, nang mapagtanto ni Zavy kung ano ang balak niyang kunin sinubukan niyang pigilan ito pero too late "here's the invitation of my daughter and son in law Seng Wichai" sabay abot niya ng invitation card kay Maxine

pikit mata naman yung inabot ni Maxine. doble-doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon, sinubukan niyang tignan si Zavy pero iniiwasan nitong tumingin sakanya ngayon

"hope you'll come. Zavy will be glad kapag nandoon rin kayo" saka umalis si Lucas na parang wala siyang ginawa

"so ikakasal kana pala? ano pang kailangan kong malaman Zav, sabihin mo na para isahan nalang"

napabuntong hinga nalang si Zavy "I'm going guys" paalam niya sa mga kasama saka tumalikod at paalis na sana nang bigla siyang yakapin ni Maxine

"just say you don't love me anymore, para alam kong wala na talagang chance. kasi kahit anong ipamukha mo sakin o ano pang mga malaman ko, hindi ako titigil hanggat di ko naririnig sayo yung salitang yon"

humugot ng malalim ng paghinga si Zavy. inalis niya ang kamay ni Maxine na nakapulupot sa bewang niya saka umikot para harapin siya ulit. pinilit niyang pigilan ang emosyon ng makita niya kung gaano ka grabe ang iyak ni Maxine "tama na Maxine. this is the end for us tanggapin mo na lang na..." biglang hinto ni Zavy nang maramdaman niyang humigpit ang kapit ni Maxine sakanya "na...hindi na kita mahal"

pagtapos yun sabihin ni Zavy dali-dali siyang tumakbo palabas habang si Maxine napaupo nalang sa sobrang bigat nang nararamdaman, kaagad naman siyang nilapitan ni Dale para pakalmahin sila Christopher at Reign naman ay sinundan si Zavy pero paalis na ito nang makita nila kaya bumalik na lang sila sa loob

...

samanatalang huminto naman si Zavy sa pagddrive sa isang madilim na lugar saka ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya "argh!! arrgh!!" paulit-ulit niyang hinampas ang manibela sa sobrang galit habang inaalala kung gaano niya pinipigilan ang sarili na sabihin ang totoo kanina at kung ano ang dahilan ng pagbabago ng desisyon niya na sabihin ang totoo

pagkarating palang ni Zavy sa restaurant kung nasan ang mga kaibigan niya, naramdaman niyang nagvibrate ang phone niya pero hindi niya ito pinansin at dumeretso na sa table nila, sakto naman na umoorder na sila kaya sinabi niya na rin ang kanya at kay Maxine

habang hinihintay nila ang order nila ay nakatanggap siya ng message galing kay Lucas

Demon: I'm watching you anak. wag mo kong susubukan

napahigpit ang hawak ni Zavy sa phone nang bigla siya ulit makatanggap ng message

Demon: just finish what you have with them kung ayaw mong madamay sila rito

at doon nanga pumasok sa isip ni Zavy na tapusin na ang lahat, saktan sila sa mga sasabihin niya na parang wala lang skanya. just for their safety na matagal niya nang pinanindigan 2 years ago....

"argh!! napakasama mo talagang ama!!" walang magawa si Zavy ngayon kung hindi ang humagulgol nalang ng pag-iyak "I'm sorry baby...."

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now