fifty one

865 41 9
                                    

isang nakakagulat na balita ang kumakalat ngayon sa mundo nang media, at halos lahat ng nakabasa at nakakita nito ay nagulat, ang iba naman nadismaya at nainis, kagaya nalang ni Mr.Del Rosario kaya napauwi siya ng wala sa oras para linawin ang kumakalat na balita tungkol sa anak niyang si Maxine

"what did you do again this time Maxine!?" buwelta ni Mr.Del Rosario kay Maxine na halatang walang kaalam-alam sa nangyayari dahil kakagising niya lang

"huh? what are you talking about Dad?" kakamot-kamot pa ng ulo si Maxine "wala naman akong ginagawa ah"

"wala?! then what's this!" saka hinagis ni Mr.Del Rosario ang dyaryo na hawak. kinuha naman kaagad ito ni Maxine at laking gulat niya "yan ba ang wala ha!?"

hindi alam ni Maxine kung paano siya magpapaliwanag, dahil kitang-kita sa mga kumalat na pictures kung gaano sila ka sweet ng kasama niya

"my god Maxine! after kay Zavy, kay Heidi ka naman nangati?! sa anak pa talaga ng best friend ko?!"

napayuko nalang si Maxine dahil wala talagang lumalabas sa bibig niya ngayon, at mas natatakot siya na malaman ni Zavy ang tungkol dito

magsasalita pa sana si Mr.Del Rosario nang biglang magring ang phone niya. sinagot niya naman ito kaagad

📱 Jordan, didn't expect na magiging mag-kumpadre tayo hahaha

"anong ibig mong sabihin Kris?"

📱 suporta lang ako sa anak ko at masaya ako dahil sa wakas nag-out na siya in public, pero di ko inaasahan na si Maxine pala ang matagal niya ng tinatagong girlfriend sa akin, siguro naman panahon na rin para pag-usapan yung tungkol sa future nilang dalawa

biglang napalingon si Mr.Del Rosario kay Maxine. mi-nute niya ang tawag para hindi marinig ang sasabihin niya "ngayon palang mag-sosorry na ako sayo anak" saka ulit inun-mute ang tawag "ah...pare k-kausapin ko muna yung anak ko tungkol diyan noh? mediyo hindi parin kasi ako nakakapag-adjust sa balita, alam mo na"

📱 no problem pare, just inform us kung may na set kanang appointment para don

"no problem" at kaagad na pinatay ang tawag

nagtatakhang tinignan naman ni Maxine ang Daddy niya "what do you mean Dad?"

"ewan ko sayo anak, hindi ko na kasalanan to ha" kinuha ulit ni Mr.Del Rosario ang phone niya at dinial ang number ni Archie

📱 yes Dad? I'm on my way there

"hindi na kailangan, icancel mo na lahat ng preperation para sa wedding"

📱 what?! bakit? may nangyari nanaman ba?

"just cancel it" saka pinatay ni Mr.Del Rosario ang tawag

"Dad anong cancel? bakit mo ipapacancel yung wedding namin ni Zavy!?"

hindi sumagot si Mr.Del Rosario at napabuntong nalang ng paghinga

samantalang kakagising lang ni Zavy at nag-unat ng katawan, bago bumangon at nagpunta sa banyo para maligo. sanay siyang naliligo nang maaga kahit wala silang pasok or off niya sa trabaho

pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na muna siya saka nagpatuyo ng buhok, habang nagpapatuyo naman siya narinig niyang tunog ng tunog yung notification tone ng phone niya, kaya chineck niya ito kaagad

halos mabitawan niya yung phone niya sa tumambad sakanyang mga sweet pictures nila Maxine at Heidi, nakatawa at sobrang saya nilang tignan sa mga pictures na kumakalat, pero may isang picture na nakaramdam na ng panlulumo si Zavy, yun ay ang picture nila Maxine at Heidi na magkahalikan

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now