sixteen

917 52 0
                                    

sobrang pressure ngayon si Maxine dahil ilang araw na ang lumipas mula ng ipagkasundo sila ni Zavy ay hindi parin siya nito pinapansin, subukan man niya ng paulit-ulit ay nauuwi lang palagi sa pang-iignore o di kaya lalagpasan lang siya nito na parang isang hangin

"girl maupo ka nga! kanina ka pa palakad-lakad diyan, nahihilo na kami sayo" reklamo ni Dale na nakahawak sa ulo habang napapailing

"kaya nga... relax kanga lang" ginatungan pa ni Irin sabay irap

ginawa naman ni Maxine ang gusto nila at pumirmi, pero hindi parin nawawala ang pressure sakanya "relax? paano ako magrerelax kung sila Daddy na mismo yung nangpepressure sakin na ayusin yung issue namin"

"anong magagawa mo? e ayaw kanga kausapin ni Zavy"

"alam mo Dale, hindi ka nakakatulong"

Dale make face at sumapalampak ng pag-upo then an Idea suddenly pops out in her head "what if magpatulong ka kela Chris?"

"puwede" sabay na sumangayon sila Irin at Roseanne

nag-alangan naman si Maxine sa plano nila dahil alam niyang hindi pa alam ng mga ito kung ano ang nagawa niya kay Zavy "I think that's not a good Idea"

"huh? bakit naman?" tanong ni Dale

"I don't think na tutulongan nila ako once na malaman nila yung ginawa ko sa best friend nila"

napa-isip naman ang tatlo at napagtanto na tama si Maxine, knowing na sobrang protective ng dalawa kay Zavy, pero desidido si Dale na matulungan ang kaibigan

"we wouldn't know if we didn't try"

natahimik nalang si Maxine habang iniisip kung ano ang mga posibleng maging sagot ng dalawa
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
paglabas ng tatlo sa tinatawag nilang hide-out, nasaktuhan nila si Reign na naglalakad papunta sa classroom kaya kaagad nila itong hinarangan

"anong kailangan niyo" tanong ni Reign sa kanila

"ikaw" sagot naman ni Dale na ikinangiti ni Reign pero pinilit niya itong pigilan

"bakit? anong kailang niyo sakin?"

nagtinginan muna sila bago sumagot ng "we need your help"
na ipinagtakha naman ni Reign. never naman kasi silang humingi ng tulong sa kahit na sinong officer para sa isang bagay

"huh? anong klaseng tulong? sa lectures ba? ok sige kita tayo mamayang lunch sa cafeteria" paalis na sana si Reign pero nagsalita na rin si Maxine

"hindi about don"

"oh Maxine, pati ba naman ikaw? akala ko itong tatlo lang. anong klaseng tulong ba kasi yon"

tumingin muna si Maxine sa tatlo niyang kaibigan bago bumuntong ng pag-hinga at sumagot ng "I need your help para makausap si Zavy"

sa puntong ito biglang nagbago ang aura ni Reign at napalitan ng pagkaseryoso na ikinapula naman ng mukha ni Dale. mabuti nalang at walang nakatingin sakanya

"diba sinabi ko na sayo, hindi kita matutulungan diyan"

"Reign please, ngayon lang ako makikiusap sayo"

naka-isip naman si Reign ng paraan kung paano niya matutulungan si Maxine ng hindi nalalaman ni Zavy pero meron siyang kondisyon "sige tutulungan kita"

grabe ang pag-pipigil ngayon ni Maxine na tumalon sa tuwa dahil sa wakas ay napapayag niya rin si Reign na tulungan siya "thank you Re-----------pero sa isang kondisyon" bigla siyang nakaramdam ng kaba sa kung ano ang hihingiing kondisyon ni Reign "a-anong kondisyon?"

sa pagkakataong ito si Reign naman ang kinakabahan sa kung ano ang isasagot sakanya ni Maxine, pero nilalamon talaga siya ng curious niya "ano ba talagang nangyari at ganon nalang yung galit sayo ni Zav"

at doon na nga tuluyan na natameme si Maxine at nakaramdam ulit ng sobrang pressure, napansin naman ito kaagad ni Dale at kaagad na sumabat "away nilang mag-partner yon"

"what do you mean mag-partner?" takhang tanong naman ni Reign habang bakas sa mukha ang pagkaconfuse

"uhm....." biglang namang nablangko si Dale dahil sa mga titig ni Reign

kaya walang choice si Maxine kung hindi sakyan ang sinabi ng kaibigan "tama si Dale, away namin mag-partner yon, so I don't think kailangan mo yon malaman" hindi umiimik si Reign dahil pinaprocess niya parin sa isip niya ang narinig at nakuha naman ito kaagad ni Maxine "what I mean is girlfriend ko si Zavy"

"ano!? girlfriend mo si Zav?!"

"mmm... kaya nga please tulungan mo kong makausap siya"

nagulat ang apat ng biglang tumawa si Reign, yung tawang mapang-asar "ano nanaman tong kalokohan nato Maxine? panibagong issue nanaman para makick-out dito yung best friend ko?"

nakaramdam ng inis si Maxine hindi dahil sa iniisip ni Reign sakanya ngayon, kung hindi dahil pinamukha sakanya nito ang mga pinag-gagawa niya noon kay Zavy, kaya mas lalo siyang naging desidido ngayon na makausap at makabawi dito

"girlfriend daw kaloko-"

hindi na natuloy ni Reign ang balak niyang sabihin ng makarinig siya ng hikbi galing kay Maxine, at doon narin napagtanto ng tatlo na umiiyak na pala ang kaibigan nila, at sa puntong ito nakaramdam sila ng inis kay Reign

napansin naman ni Reign ang masamang tingin ni Dale sakanya "ah... eh... M-Max b-bakit ka umiiyak?" himbis na tumahan ay lalo pang humagugol ng iyak si Maxine at kasabay nito ang pagsunggab ng yakap kay Dale "hala, anong ginawa ko"

"patahanin mo to"

napalunok nalang si Reign dahil sa may pag-babantang tono ni Dale, at dahil nga tiklop siya pag-dating sa dalaga "haaaay... ok sige tutulungan na kita"

kaagad na pinunasan ni Maxine ang mga luha niya sabay tanong ng "talaga?" na parang hindi siya galing sa pag-iyak, habang ang tatlo hindi makapaniwala na pati sila ay naniwala sa pag-iyakiyak niya

'what the fuck ka Maxine, napaniwala mo kami don'

"thank you Reign.. see you later" ngingiti-ngiting sabi ni Maxine bago hilain ang tatlo

napakamot nalang ng ulo si Reign dahil alam niyang hindi niya na kayang bawiin ang sinabi niya kay Maxine, dahil siya yung tipo ng tao na tutuparin kung ano ang sinabi niya 'naisahan niya ako don ah'

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now