thirty

931 50 0
                                    


naglalakad sila ngayon papunta sa next activity location nila, pili lang ang gustong sumama pero nag-volunteer sila Dale at Roseanne kaya nag-volunteer nalang din si Maxine, balak niya rin kasi itong gawing chance para makausap sana si Zavy, pero parang nag-sisi siya bigla sa naging disisyon dahil hindi man lang siya makalapit dito ngayon

"kung nakakamatay lang siguro yung tingin? siguro kanina pa nakabulagta si Kiefer noh" pang-aasar ni Reign kay Maxine na sinang-ayunan naman nila Dale, Roseanne at Christopher. kanina pa kasi nila napapansin yung matatalim na tingin nito kay Kiefer

narinig naman ito ng Maxine at tinignan si Reign nang masama "manahimik ka diyan kung ayaw mong sayo ko ibaling tong inis ko!"

kaagad naman na nagtago si Reign sa likod ni Dale na parang isang takot na pusa. inirapan naman siya nito dahil hanggang ngayon ay naiinis parin ito sakanya

binalik naman ni Maxine ang tingin sa harap at halos mapamura siya nang makitang pasimpleng hinawakan ni Kiefer ang kamay ni Zavy

that's it...

nagmadali siyang maglakad at parang invisible na bingga ang dalawa dahilan para maglayo ang mga ito. nagtatakha naman siyang tinignan ng dalawa dahil hindi man lang siya nag-sorry o lumingon man lang

"anong nangyari don?" takhang tanong Engfa. nakita rin niya ang ginawa ni Maxine

"malay ko?" kibit balikat na sagot ni Zavy kahit ang totoo ay may Idea siya kung bakit sila binagga ni Maxine "Kief, wag kana lang masyadong lumapit muna sakin" pakiusap niya sa binata

"huh? bakit?"

"basta" saka siya nagmadaling maglakad para maabutan si Maxine. nang maabutan niya ito ay kaagad niya itong hinawakan sa braso

"what" malamig na tanong ni Maxine

"what's that for?"

tinignan lang ni Maxine ng seryoso si Zavy "ang alin" maang-maangan na tanong nito

"you know what I mean" tipid na sagot naman ni Zavy,at bakas sa mukha ang inis "hindi ka ba talaga nag-iisip?! paano kung napalakas yung pagbangga mo sakin at natumba ko?!" siya kasi talaga yung binangga ni Maxine kanina

"natumba ka ba? hindi naman diba?"

pikit matang suminghap si Zavy sa mga sagutan ni Maxine ngayon sakanya "uumpisahan mo nanaman ba ako sa attitude mong yan Ms.Del Rosario" saka hinagod ang buhok niya

"ewan ko sayo Fortez" pagtataray ni Maxine saka umirap at ngalakad palayo

sunod-sunod na buntong pag-hinga naman ang pinakawalan ni Zavy para lang mapigilan ang inis niya. hanggang ngayon ay masama parin ang loob niya kay Maxine at hanggat maari ay hindi niya pa ito kayang harapin o kausapin man lang, pero sa ginawa nito kanina ay napilitan siyang harapin at kausapin ito dahil kung hindi niya ito gagawin, mahahalata nang lahat na umiiwas siya rito

"Zavy ok ka lang" alalang tanong ni Kiefer nang makalapit siya kay Zavy at napansin na nagtitimpi ito ng galit, balak pa sana niyang hawakan ang dalaga pero kaagad itong umiwas

"ok lang ako Kiefer, please lumayo ka muna sakin" pakiusap ni Zavy sa binata at sinalubong sila Reign

"ayos ka lang Zav" tanong kaagad ni Riegn, agad siyang yumakap kay Zavy. bigla naman siyang nag-alala nang mapansin na halos manghina ang kaibigan dahil sa pagtitimpi nang galit "gusto mo ba kausapin ko siya para sayo" pagkumbinsi pa niya sa kaibigan habang hinahagod ang likuran nito

"no need" pagtanggi kaagad ni Zavy at dahan-dahan na kumalas sa yakap. bumuntong siya ng malalim na paghinga bago magpatuloy sa paglalakad

sa wakas ay nakarating din sila sa location nila at kaagad na sinabihan ng mga officers ang lahat na magpahinga na muna, habang sila ay dumertso sa loob para kausapin ang sinadya nila rito

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now