twenty one

884 51 0
                                    

nakapila na sila ngayon at hinihintay ang Bus na sasakyan nila papunta sa camping location, pero itong si Zavy tahimik lang at hindi parin makapaniwala na hindi natuloy ang binalak niya na makipagpalitan kay Bam

she knows na si Reign ang may gawa non, pero hindi na siya nag-abala na komprontahin pa ito, nonsense lang kasi, lalo pa ngayon na alam niya nang magpinsan sila ni Maxine, kaya iniisip niya nalang na tinulungan lang nito ang pinsan

ang kinasasama niya lang ng loob ay, hindi niya pa kayang sabihin sakanila ang totoong dahilan kung bakit niya iniiwasan si Maxine. hindi niya pa kayang aminin sa sarili niya kung ano ba talaga ang nararadaman niya para sa dalaga

maya-maya pa dumating na yung shuttle na sasakyan nila, isa-isa na silang nagpasukan, pero napansin ni Christopher na parang wala sa sarili si Zavy

"ano nangyari diyan kay Zavy? bakit ang tahimik niya yata ngayon?" tanong niya kay Reign

nilingon ni Reign si Zavy at napabuntong hinga nalang, narakamdam rin naman kasi siya ng konsensya sa ginawa niya, pero hindi naman pwedeng puro nalang iwas si Zavy sa pinsan niya. nilingon niya ulit Christopher "malay ko diyan?" sabay tingin kay Maxine at sumenyas na lapitan si Zavy

Maxine immediately get it. lumapit siya kay Zavy at inakbayan "you ok baby?"

nagulat si Zavy sa ginawang move ni Maxine. ramdam niya rin ang pagbilis ng kabog sa dibdib niya kaya napahawak siya sa dibdib "a-ayos lang ako" then she remembers na iniiwasan niya nga pala si Maxine. dali-dali niyang tinanggal ang pag-kakaakbay nito sakanya "lumayo ka nga sakin" she acts na parang nandidiri siya sa dalaga

Maxine took at deep breath at napahagod ng buhok, nagtitimpi lang siya, but she also has her limit "ano ba Zavy?! I'm doing my best just to reach out for you, pero ikaw naman tong layo ng layo!" wala siyang pakielam kung may makuha siyang atensyon, basta puno na siya sa avoiding game ni Zavy

wala naman magawa yung ibang nakakaalam ng tungkol sa kasunduan nila, kung hindi ang panuorin sila habang napapailing nalang ng ulo

"alam mo naman palang lumalayo ako sayo, pero lapit ka parin ng lapit!" Zavy fired back

Maxine had enough, hindi niya rin naman kasi gustong sinisigawan si Zavy. hindi na siya nagsalita pa, kinuha nalang niya yung gamit ni Zavy at binuhat papasok ng Bus

"hoy yung bag ko!" sinubukan pang pigilan ni Zavy si Maxine, pero wala siyang nagawa

"haaay good luck nalang talaga pag-kasal na sila" Dale mumured at sinenyasan si Roseanne na pumasok na ng Bus, habang sila Reign at Christopher naman napailing nalang ng ulo

pagpasok ni Zavy sa loob nakita niyang nakapwesto na si Maxine sa two seats side na upuan, habang nasa bakanteng upuan sa bandang likod naman nila yung mga bag nila

she stomps her feet towards the vacant seat sa may likuran, doon na sana siya uupo, pero may humila sakanya pabalik and she landed on its lap. naramdaman niya nanaman ang sobrang pag-bilis ng pintig ng puso niya, kaya sa puntong yon kilala niya na kung sino ang humila sakanya. no need to look at the person

"uupo ka ng maayos dito sa tabi ko, o gusto mong kandungin kita buong byahe. you choose"

dali-daling pumwesto si Zavy sa tabi ni Maxine nang hindi man lang ito nililingon. para siyang maamong pusa ngayon na sumunod sa amo

"susunod ka rin naman pala e" Maxine mumured at nagsalampak ng earphones sa magkabilang tenga, but she suddenly turn to Zavy dahil bigla siyang hinawakan nito, kasabay ng pag-andar ng Bus "why?" hindi sumagot si Zavy, pero ramdam niya ang panginginig nito "what happen?"

"m-masyadong malamig"

Maxine look up at nakitang nakatutok yung dalawang aircon kay Zavy, she stood up at tinutok ang aircon sa may bintana "ok na?" tungo lang ang naisagot ni Zavy sakanya

tahimik lang ang naging biyahe nila, since busy ang ilan sa pag-gamit ng phones, yung iba nakikinig ng music, yung iba naman nag-tatake ng pictures, pero karamihan sa kanila mga tulog kagaya nalang ni Maxine, habang sila Dale, Roseanne, Reign and Christopher piniling maglaro ng online games

as for Zavy hindi siya tulog o gumagamit ng cellphone, nakatitig lang siya ngayon kay Maxine, habang nakahawak sa dib-dib niya 'bakit ganito? why my heart beats rapidly pag katabi kita? ano bang ginawa mo sakin Maxine' katanungan na palaging bumabagabag sa isip niya

"mmmm"

Zavy got stiffen nang biglang lumingon si Maxine sa side niya, magkalapit ngayon ang mukha nila at isang maling galaw niya, pwede silang mag-kiss 'punyeta naman Maxine oh, balak mo ba talaga akong patayin?!' she's now doing her best to hold her breath habang dahan-dahan na umaatras

little did she knows, na gising si Maxine at nagpipigil ngayon ng tawa. alam niya rin na kanina pa siya pinagmamasdan ni Zavy, and she finds it cute

Zavy released her breath pagkalayo niya kay Maxine, but she still can feel her thumping heart 'ano ba! tumigil kana please!' pero ayaw magpa-awat ng puso niya at tuloy parin sa pagkabog, she tries to pat her chest pero walang epekto

nakita naman ni Maxine ang ginagawa niya, but she didn't dare to ask what's the problem at bumalik na lang sa pagtulog since malayo pa ang byahe nila, habang si Zavy pinilit nalang din matulog nang nakasandal ang ulo sa bintana

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now