sixty one

868 46 3
                                    

Zavy's POV

garagal kong pinatakbo yung sasakyan ko after kong makausap sa call si Chris. nasa ospital sila ngayon cause Maxine suddenly fainted after kong sabihin yon sakanya

"god damn I'm so stupid!"

"relax ka lang Zav" it was Seng. kasama ko siya kanina pa

actually siya lang naman talaga yung nakakaintindi sakin ngayon not because he's my partner, kasi wala naman talagang kami everything was a lie. the rumors and the dating part. gawa-gawa lang namin ni Seng yon for a reason

"gusto mo ako na magdrive? baka mamaya ma-aksidente pa tayo e"

I abruptly stop the car at hindi na umangal sa suggestion niya. nagpalit kami siya na ngayon ang nagddrive, baka hindi pa kami makaabot sa ospital pag ako parin

"Seng I'm so stupid! I won't forgive myself if something bad happen to Maxine!"

"don't say that Zav, nothing bad happen to her and please calm down"

napahagod nalang ako ng buhok habang nangingilid yung mga luha sa mata ko. gusto ko mang umiyak wala ako karapatan, ako yung may kasalanan kaya siya nasa ospital ngayon

naramdaman kong hinawakan ni Seng yung kamay ko "calm down ok? I help you in this. malapit na Zav malapit na tayong makawala sa magulong sitwasyon na to, just hang on ok?"

tumango nalang ako kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mukha ko, I finally cried sobrang tagal ko narin tong pinigilan mula nung iwan ko siya dito at piniling sumunod sa gusto ng demonyo kong ama

pagkarating namin sa ospital pinalabas na kaagad ako ni Seng sa may entrace para hindi na ako mahirapan. pagpasok ko sa loob agad kong tinanong yung nurse sa information center kung saan ang room #125 and when she gets done instructing the directions patakbo kong tinunton yung papunta don. I don't even care kung may natatamaan bakong tao sa pagmamadali ko

once I reach the room nakita ko sila Chris na mga nakayuko at katulad ko umiiyak rin, dahan-dahan akong lumapit sakanila kahit alam kong hindi nila ako ine-expect ngayon dito dahil galit sila sakin. tatanggapin ko nalang yung mga galit nila pero wag nila akong bawalan na makita siya

"h-how is she?" garagal kong tanong sakanila

kaagad naman nila akong nilingon. bakas din sa mga mata nila na kanina pa sila umiiyak. sorry guys hope you forgive me at hayaan niyo kong makita siya

"what are you doing here?" it was Reign my best friend. nagpadagdag pa lalo sa sakit na naramdaman ko dahil alam kong galit siya sakin ngayon "ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito Zavy. ikaw yung may kasalanan kung bakit siya nandito ngayon!" kaagad siyang inawat ni Dale and Chris nung tangkain niya akong lapitan "umalis ka dito! I won't allow you to see her!"

ito na yung kinatatakutan ko...

"Reign please...gusto ko lang masiguro na ok siya" pagmamakaawa ko

"ok?! gago ka ba?! pano siya magiging ok ha! dalawang taon niyang pinahirapan yung sarili niya Zav, kasi pagkaalis mo wala ka ng paramdam! tapos ilang buwan lang malalaman namin yung rumored about sainyo niyang....niyang putang ina mong fiancé!? you don't know how much she suffer Zav. halos araw-araw hindi siya kumakain alam mo bakit!?...cause she keeps on telling herself na magpaparamdam ka sakanya o tatawag man lang just to scold her pag sinabi niyang hindi pa siya kumain. ganun siya katanga Zavy... ganun siya katanga sayo, na ultimo sermon mo sakanya miss na miss niya! pero ano? ni minsan di mo siya kinontak, kahit man lang sana message diba? masaya na siguro siya don"

hindi ko alam kung ano bang dapat kong mararamdaman sa mga nalaman ko. nanlalambot ako na ewan, wala ring lumalabas na salita sa bibig ko. kasalanan ko lahat! masyado akong nagpakampante na kaya niya

"umalis ka...don't you ever think na ipapakita ko pa siya sayo"
naririnig ko si Reign gusto ko siyang sundin pero ayaw kumilos ng katawan ko "umalis ka sabi!"

"Rei ano ba! sakin ka magalit, ako nagpapunta skanya dito kasi alam kong siya yung kailangan ni Maxine once na magising siya"

"wala akong paki! paalisin niyo yan!"

rinig na rinig ko yung mga sigawan nila. pero hindi ko sila nakikita. hindi ko sila kayang tignan wala na akong mukhang maihaharap sakanila, patuloy lang sila sa pagsisigawan hanggang sa maramdaman ko nalang na may yumakap sakin

"ang kapal sinama mo pa talaga yan dito?!!"

naririnig kong nagsisisigaw parin si Reign pero palayo na nang palayo yung boses niya

"Zavy...Zavy hey" nabalik ako sa ulirat ko nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko

"Seng" kaagad ko siyang niyakap at humagugol ng iyak "I want to see her...I want to make sure na ok siya"

naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko, and it somehow makes me calm a bit. bahagya niya akong tinulak at hinawakan ako sa mukha "stop crying na...makikita mo siya hm...I will help you gaya ng promise ko sayo, but for now iuuwi muna kita"

umiling ako bilang sagot "ayoko...dito lang ako"

"but you also have to rest Zav. alam kong sobrang pagod kana mentally and emotionally, please listen to me" saka niya ako niyakap ulit, naramdaman ko rin na hinalikan niya ako sa ulo "kailangan mong magpalakas, pano ka makakapagpropose sakanya kung pababayaan mo yung sarili mo...ikakasal pa kayo diba? yun yung sabi mo sakin"

napahagulgol ako ulit nang maalala ko yung mga salitang sinasabi ko sakanya sa isang event

it was Saturday night at nasa isang business event kami ni Seng, everyone knows na magpartner kami kaya solo namin yung table. ayaw daw kasi nilang sirain ang moment namin, tsk if they only knew

naguusap lang kami about sa mga business plans namin, kung anong balak namin gawin once na makawala na kaming pareho sa sitwasyong to. masasabi kong business minded talaga siya

"maiba nga tayo Zav...nagkakausap pa ba kayo ni Maxine?" biglang tanong niya sakin

"hindi"

"why? I mean... why don't you try to reach out for her? for sure miss kana non. don't worry di kita susumbong sa demonyo"

pinaglaruan ko yung wine ko habang ngumingiti. kinikilig parin ako pagnaaalala ko yung mukha niya "miss ko rin naman siya e walang araw na hindi ko siya namimiss, pero alam mo naman kung gaano kademoyo si Lucas diba? kaya kahit anong miss ko pa sakanya, titiisin ko nalang kesa mapahamak siya"

"sorry for asking...hayaan mo makakaalis rin tayo rito, gumagawa na ng way si kuya para malaman lahat ng baho ni Lucas...matatagalan nga lang kasi ang galing magtago ng kademonyohan niyang ama mo"

I cringed hearing that "wag mo nga ipamukha sakin na kadugo ko yung hayop na yon"

nagtawanan lang kami habang ineenjoy yung view

"pero anong balak mo once na nakaalis na tayo sa punyetang sitwasyon na to" biglang tanong niya ulit

"hmm...probably I'm going to propose on her. ako na kikilos torpe yon e...but serious, yun yung promise ko sa sarili ko, na ikakasal kami"

napailing nalang siya ng ulo habang natatawa "good luck sana makaalis na tayo dito para matuloy na yang kasal na yan. excited nakong makakita ng little Maxine"

"hoy, anong little Maxine ka diyan? ayaw mo ng little Zavy? sige ka sasakit lang ulo mo pag sa little Maxine, gaya ng Mama niya" natawa ako bigla ng maalala ko kung gaano kapasaway si Maxine. I miss babying her, what if kung magkaroon pa kaya ng little Maxine diba? disaster talaga. but of course I will take care of them with all my heart kahit pa sing tigas ng ulo niya

"edi dalawa nalang sila para happy talaga"

napailing nalang ako sa suggestion niya. akala niya siguro madali lang manganak and the thought na kaugali namin ni Maxine magiging babies ko for sure aso't pusa rin sila like us

hays sobrang miss ko na siya

hindi na ako umangal at nagpaalalay na papunta sa parking lot, basta lang ako lakad habang nakaalalay siya sakin, ni hindi ko na namalayan na nasa harap na kami ng sasakyan ko, pinagbuksan niya lang ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob. babalik ako baby...babalik ako at aayusin ko na lahat

I'm really sorry...

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now