eighteen

870 52 1
                                    

Zavy's POV

ito nanga ba sinasabi ko e! kaya ayokong ipaalam sakanila yung ginawa sa akin ni Maxine

gulo talaga

palapit palang ako sa detention room, naririnig ko na yung sermon ni Mrs.Lopez sa dalawa

hindi na muna ako papasok sa loob hihintayin ko nalang na matapos silang sermunan

10 minutes din akong naghintay bago bumukas ang pinto at lumabas si Mrs. Lopez kasunod yung dalawa, nakita ko pang tumingin sakin si Maxine pero hindi ko siya pinansin

"you ok Reign?"

"mmm...girlfriend mo di mo man lang ba kakamustahin"

tinignan ko si Maxine. mukha naman siyang ok actually silang pareho, parang hindi nga sila nag-away "paki ko diyan"

"pfff" kinagat kaagad ni Reign yung labi niya para pigilan yung tawa niya "grabe ka naman kay Max"

ngumuso-nguso naman tong si Maxine na akala mo talagang na huhurt siya sa sinabi ko "oo nga grabe ka sakin baby"

this time ako naman yung nagiba ang mood sa sinabi niya "di kita mommy, kaya wag mo kong ma baby-baby diyan"

"good" mediyo napaatras ako ng konti nung nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko sabay bulong ng "cause I'm your Daddy" sabay layo niya tapos kumindat pa

ano daw? D-Daddy?

nahampas ko siya bigla nung narealize ko kung ano yung tinutukoy niya "sira ulo ka talaga kahit kailan!" pero tinawanan lang nila ako

so ok sila? akala ko ba magkaaway sila?

magtatanong sana ako kaso biglang dumating si Chris kasama niya rin si Kieffer. mga naka jersey pa sila at halatang kakagaling lang sa laro dahil sa sobrang pawis nila

"anong nangyari Rei?" tanong ni Chris kay Reign

"chismoso ka talaga"

minata ko si Reign para itigil niya yung pang-aasar kay Chris. baka kasi sila naman yung madetention, parehas pa naman silang pikon

"ay... kasalanan ko bang may nagsabi sakin na nadetention ka raw"

"ikaw Zavy, ayos ka lang ba?"

bakit ako tinatanong ni Kiefer? e hindi naman ako ang nakipagaway

"ah o-----------yes she's fine" bigla akong napalingon kay Maxine dahil inakbayan niya rin ako "lumayo ka nga sakin" pero di niya ako sinunod, kaya ako nalang nagtanggal sa braso niyang nakaakbay sakin, but I got surprised nung bigla niya akong hinolding hands "ginagawa mo?!"

tinasan niya ako ng kilay sabay tanong ng "bakit? hindi ko ba pwedeng iholding hands yung girlfrie- ay mali" sabay tingin niya kay Kiefer "fiance ko pala"

bigla ko siyang natulak sa sinabi niya. wala pa kasing nakakaalam ng about don

"fiance??!"

napasampal ako ng mukha ng wala sa oras dahil sabay pa talaga silang tatlo na nagtanong. sira ulo naman kasi tong si Maxine e

"totoo ba yung sinabi ni Maxine?"

"Zav ano to? akala ko ba hindi gugustuhin si Maxine, tapos ngayon fiance mo na pala?"

"is she telling the truth Zavy?"

wala na binomba na nila ako ng tanong. buwiset kasi tong Maxine nato e! nilingon ko siya at talagang nakangisi pa ang gaga

"akala mo ako mag-eexplain sakanila?" nginisian niya lang ako habang nakataas yung isa niyang kilay "bahala ka diyan!" sabay lakad ko palayo

naririnig kong tintawag nila ako pero hindi na ako lumingon at dumeretso dito sa parking lot. uuwi na ako bahala siyang magexplain don

papasok na sana ako ng sasakyan ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko

"Kevin?"

"masaya ka na ba?"

"huh?"

bahagya siyang tumawa sabay ngisi "maang-maangan ka ngayon?! sabihin mo nga. paano mo nilandi si Maxine ha!"

"anong pinagsasabi mo?"

himbis na sagutin niya ako inangat niya yung kamay niya at akmang sasampalin sana ako pero may biglang humarang sakin, kaya sakanya tumama yung sampal

Maxine

kita sa mukha ni Kevin yung pagkabigla sa nagawa niya "b-babe? I-I'm sorry"

sinubukan niyang hawakan si Maxine pero sinanggi lang yung kamay niya "don't you dare hurt her! kung galit ka sakin dahil nakipag break ako sayo, ako yung saktan mo!"

napahilamos ng mukha si Kevin "talaga bang ipagpapalit mo ko sakanya? babe ang tagal na natin e, tapos sisirain mo lang dahil.... dahil sa babaeng yan!" sabay turo niya sakin.

babalakin niya sana akong saktan ulit pero tinulak siya ni Maxine, buti nalang at nakabalance siya kaya di siya natumba

"kakasabi ko lang na wag mo siyang kakantiin diba?!"

hinagod ni Kevin yung buhok niya sa inis sabay tinignan ako ng masama "I'm not done to you" sabay lakad niya palayo

humarap naman kaagad sakin si Maxine at chineck kung nasaktan ba ako

what's happening to me?
bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? 

"tell me, did he hit you?"

imbis na sumagot ako umatras ako palayo sakanya "o-ok lang ako"

"you sure?"

tumungo lang ako bilang sagot sabay hawak ko sa dibdib ko. bakit ganito? anong nangyayari sakin?

"want me to take you home?"

nilingon ko siya pero umiwas din ako agad. lalo kasing bumilis yung pintig ng puso ko, what the hell is happening to me? may sakit na ba ako sa puso?

hindi ako sumagot sa tanong niya at naglakad papunta sa sasakyan ko, naririnig ko siyang tinatawag ako pero hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob

maybe I need to see a doctor

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now