fourty five

906 46 1
                                    


si Maxine ang unang nagising at pinapak ng halik si Zavy para gisingin, pero nagulat siya ng bigla siya nitong sampalin "aray ko, ang aga naman ng topak mo" hindi umimik si Zavy at tinulak siya saka bumangon "luh baby ano nanaman nagawa ko"

"explain"

nagtatakhang tuningin si Maxine kay Zavy "explain ang alin?" pero hindi siya nakakuha ng sagot "baby naman, ang aga talaga ng topak mo" lalapit sana siya kay Zavy

"wag kang lalapit sakin hanggat di ka nag-eexplain" banta ni Zavy kay Maxine habang inaayos ang kama

"huh? ano bang ieexplain ko kasi?" halos mangiyak na si Maxine habang inaalala kung may nagawa ba siya bukod sa panunugod niya kagabi, nang biglang pumasok sa isip niya yung picture nila ni Yvonne "oh shit"

nilingon naman siya kaagad ni Zavy "naalala mo na?" kaagad na tumungo si Maxine biglang sagot "now explain...kung anong ginagawa mo sa bar kasama yung mga yon, at kung bakit kandong-kandong mo siya"

"ok.. uhm... first of all- ah! bakit ka namamato" biglang daing ni Maxine ng batuhin siya ni Zavy ng unan

"tigilan mo ko sa ganyang way ng pag-sagot mo, seryoso ako dito"

napakamot naman ng ulo si Maxine at umayos nang tayo saka huminga ng malalim "si Reign yung nag-aya sakin baby, gusto niya raw kasing mag-unwind kaya sinamahan ko"

"si Reign? e bakit wala siya sa pictures"

"malay ko? baka duleng yung inutusan mong mag-stalk sakin" hindi umimik si Zavy at tinignan lang ng masama si Maxine "b-bakit? totoo naman e, bakit di kasi kasama si Reign don"

"wag kang feeling, di kita pinapasundan" saka umirap si Zavy

doon na nakumpirma ni Maxine na tama ang hinala niya, pero wala siyang balak na ipaalam na muna ito kay Zavy "and about don sa picture namin ni Yvonne uhm....."

"ayusin mo paliwanag mo, may tatama talaga sayo makita mo"

biglang lunok ni Maxine ng makitang hawak ni Zavy ang alarm clock niya na readyng ibato sakanya once na magkamali siya ng sasabihin "uhmm.....h-hindi naman yun sadya baby, nadulas siya nun kaya nga k-kami nakatawa sa pictures e" sabay pikit

"are you telling the truth" nakapakit na tumungo si Maxine "then why you still closing your eyes"

"k-kasi baka ibato mo parin sakin yang hawak mo, masakit yan baby e, baka masira yung mukha ko"

kaagad namang ibinaba ni Zavy ang hawak na alarm clock
"you can open your eyes na" dahan-dahan naman na minulat ni Maxine ang mata niya at nakahinga ng maluwag ng makitang wala nang hawak si Zavy "come here" kaagad naman na lumapit si Maxine kay Zavy "wag mo na uulitin yun ha" nakangusong tumango naman si Maxine "I love you"

"I love you too"

then they kiss, pero saglit lang

"baby I'm hungry na"

hinalikan ni Zavy si Maxine sa noo "brush your teeth na muna bago tayo bumaba" dali-dali naman na tumakbo si Maxine papasok ng banyo "such a baby"

nang makababa sila sa sala, nakita nila ang mga kaibigan nila na busy sa mga cellphone

"ay wow, kailan pa naging meeting place tong bahay namin?" tanong ni Zavy sakanila

"ngayon" sabay-sabay nilang sagot pero busy parin sa mga cellphone

napa-iling naman ang dalawa at dumeretso na sa kusina

"Nanny nasan po si Mommy?" tanong ni Zavy kay Nanny Tes nang makita nila itong naghahanda ng almusal nila

"may insaikaso lang daw saglit, pero maaga din daw siyang uuwi, bakit anak? may nakalimutan ka bang sabihin sa Mommy mo?"

"wala naman po" saka tinignan ni Zavy ang mga almusal na hinanada ni Nanny Tes. kinuha niya ng plato si Maxine at nilagyan ito ng kanin saka inabot sakanya "kumain na po ba yung mga tukmol sa sala?"

"hindi pa, hinihintay namin kayong gumising" biglang sabat ni Dale saka umupo, sumunod rin sakanya sila Reign, Roseanne Christopher at Irin "sarap ng tulog niyo"

"nakailan ba kayo kagabi?" biglang tanong ni Irin, nakatanggap naman siya ng killer eyes sakanila "ay s-sorry"

napa-iling nalang sila at sinimulan na ang pagkain

"anyways Zav" kaagad na nilingon ni Zavy si Reign "tuloy pa ba yung competition nila" sabay nguso ni Reign kay Maxine

nilingon naman ni Zavy si Maxine "malay ko dito sa pinsan mo, ayaw patalo" saka sumubo ng pagkain

"talaga"

napailing naman sila sa kayabangan ni Maxine

"paano pa matutuloy, e pinilyan mo yung tao"

gulat na nilingon ni Maxine si Zavy "really? napilayan ko siya?" tumungo naman si Zavy bilang sagot "deserve niya- aray ko naman!" biglang daing ni Maxine ng batukan siya ni Zavy

"tuwang-tuwa ka pa talaga sa ginawa mo e noh, paano kung hindi na makalakad yun"

"edi masa- hep!" kaagad na sinalag ni Maxine ang kamay ni Zavy nang tangkain nanaman siyang batukan nito

natawa naman ang mga kaibigan nila sa kalokohan nila

"anyways, about don sa nagpadala sayo ng mga pictures, may Idea na ba kayo kung sino?" biglang tanong ni Dale

nagtinginan naman si Zavy at Maxine. wala naman kasi silang sinasabihan ng tungkol don, kaya nagtatakha sila kung paano nalaman ni Dale

"girlfriend ko po si Reign kaya wag na kayong magtakha"

nilingon naman ni Reign ang mga kaibigan niya. hindi pa nila alam na silang dalawa na ni Dale, ang alam lang nila nanliligaw palang siya rito

biglang pula naman ng mukha ni Dale nang ma-realize niya kung ano ang sinabi niya

"MAG GIRLFRIENDS NA KAYO??!" sabay na napasigaw ang lima

si Christopher ang may pinakamalaking bunganga kaya sinalampakan siya ni Zavy at Maxine nang toast bread, dahilan para magtawanan sila at makalimutan nang tuluyan kung ano ang topic nila

wala silang kaalam-alam na may taong nakamasid ngayon sakanila at nang-gagalaiti ngayon sa galit

"mag-saya lang kayo ngayon lalong lalo kana, makukuha ko rin siya sayo"

on the other hand...

"I'm sorry uncle"

"don't say sorry hijo, hayaan mo ako na ang bahala"

nagtatakhang tumingin ito sa tinawag niyang uncle "ano pong ibig niyong sabihin?" pero wala siyang nakuhang sagot dito, tinapik lang ang balikat niya bago siya iwanan

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now