thirty four

939 52 0
                                    

pabalik na sila ngayon sa camp site, pero hanggang ngayon hindi parin pinapansin ni Zavy si Maxine kahit na anong suyo ang gawin niya dito, sinubukan naman siyang tulungan ng mga kaibigan nila pero useless din kasi hindi talaga sila pinapansin ni Zavy

"guys ano nang gagawin ko?" nakangusong tanong ni Maxine sa mga kaibigan "hindi talaga niya akong kinakausap" saka bumuntong ng pag-hinga

"gago ka kasi Reign e" lahat sila napalingon kay Christopher "kung hindi mo kasi sinabing crush ni Maxine si Yvonne, di sana hindi sila warla ngayon" biglang tingin ng masama ni Maxine sa pinsan niyang iniiwasan ang tingin niya

bigla naman may na-realize si Christopher at humarap ulit kay Maxine "oi Maxine" tiniginan naman siya ng dalaga "sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ka ba namin tinutulungan ngayon...e diba mas pinili mo naman si Kevin kesa kay Zavy" hindi na napigilan ni Christopher ang bunganga niya

"Chris!" saway ni Reign. balak niya sanang pigilan si Christopher pero inawat siya ni Dale

"let him"

wala naman na-gawa si Reign kung hindi ang sumunod at pabayaan nalang si Christopher. Dale yan e malamang tiklop siya

napahagod ng buhok si Maxine dahil hindi niya alam ang isasagot niya, ito yung topic na iniiwasan niyang pag-usapan. yung tungkol sa personal na issue nila ngayon ni Zavy

napansin naman ni Christopher na parang na-tense si Maxine sa sinabi niya at bigla niya naisipan na komprontahin ito. umayos siya ng tayo at huminga ng malalim "ito nalang man...ano ba talagang plano mo? nung nakaraan lang nakipag-ayos kana kay Kevin, tapos ngayon namomroblema ka kasi nagtatampo si Zavy sayo...hindi ba dapat maging pabor panga sayo yon para di mo na iintindihin yung kaibigan namin? I mean magpakasaya na lang kayo ni Kevin, kami ng bahala ni Reign sa best friend namin, tutal si Kevin naman yung pinili mo"

doon na umangat ng tingin si Maxine sakanila "sorry kung magulo akong tao...kasalanan ko bang ma-confuse?" seryoso pero halata sa mukha niyang gulong-gulo talaga siya sa naging disiyon niya. walang may alam sa napag-usapan nila ni Zavy, kaya gustuhin man niyang i-explain yung side niya, hindi niya alam kung papaano at saan niya sisimulan

"confuse? san ka na-coconfuse?" tanong ulit ni Christopher pero halata ang pagkasarkastiko sa tono niya. natahimik naman si Maxine "una sa lahat Maxine, fiance mo yung kaibigan namin, hindi mo jowa lang. even though hindi namin alam kung paano yun nangyari pero....sana inisip mo parin yung mararamdman ni Zavy bago ka nagdesisyon"

napabuntong hininga si Maxine "so yung samin ni Kevin exemption yon?" biglang iwas ni Christopher nang ma-realize ang punto ni Maxine "alam kong mali ako sa part na yon, kaya nga inaayos ko diba?!" hindi na napigilan ni Maxine ang magtaas ng boses

humarap ulit si Christopher kay Maxine, pero bakas na sa mukha nito ang inis "inaayos? paanong inaayos? e kay Kevin ka lang naman nakipag-ayos, pano naman yung feelings ng kaibigan namin" hindi nanga napigil ni Christopher na sabihin ang gusto niyang ipunto. kahit hindi mag-sabi si Zavy ramdam niyang may gusto ito kay Maxine. ganon niya ka-kabisado ang kaibigan

hindi nanga umimik pa ulit si Maxine. alam niya kung anong pinupunto ni Christopher, umamin na din si Zavy sakanya, pero hanggang ngayon naguguluhan parin siya at sobrang sinisisi niya ang sarili sa nagawa sa dalaga, dahil kung hindi niya sana yon ginawa, wala sana sila sa magulong sitwasyon nila ngayon

napansin naman ni Reign ang namumuong tensyon sa dalawa at any time puwedeng isa sakanila ang tulyan na mapikon kung magpapatuloy pa ang pag-uusap nila, kaya tumayo na siya at pumagitna sa dalawa "tama na yan guys...masyado ng mainit yung panahon, wag na kayong sumabay please lang" pakiusap niya sa dalawa

samantalang habang nag-uusap sila ay hindi nila napansin na marami na palang nakatingin sakanila, including Zavy na kanina pa sila pinanunuod "tapos na kayong magdrama?" walang ganang tanong niya sa dalawa "can we all leave now" padabog niyang binitbit ang bag saka naglakad palayo. wala siya sa mood dahil sa mga narinig niya

"tang ina ka kasi Chris, hindi mo mapigil yang bibig mo e" paninisi ni Reign. nanahimik naman si Christopher "alam mong ayaw ni Zav nang may nakikielam sa problema niya" sabay hagod niya sa buhok bago sundan si Zavy

"look what you two did? pinalaki niyo lang lalo yung issue" sermon naman ni Dale sakanila saka sumunod sa dalawa

balak rin sanang magsalita ni Roseanne pero hindi na niya tinuloy, dahil nakayuko na ang dalawa sa sobrang guilty sa ginawa nilang eksena, sinenyasan naman ni Engfa ang lahat na sumunod na sa kanila at pabayaan na mag-usap ang dalawa, pero dahil sa masama talaga ang loob ni Christopher kay Maxine, mas pinili nalang din niya ang sumunod at iwan ito, habang napabuntong hinga naman si Maxine sa nangyari. sobrang gulong-gulo ang isip niya ngayon at hindi narin niya alam ang gagawin

"kasalanan ko to e! lahat kasalanan ko!'" paninisi niya sa sarili sabay hagod ng buhok. na-upo siya sa lapag habang sunod-sunod ang pagbuntong hinga

"kung may mali ka itama mo"

biglang lingon ni Maxine sa nagsalita "Mother Sophie, kanina pa po ba kayo diyan?"

nginitian siya ni Mother Sophie at nilapitan "actually kanina pa ako nakikinig sa usapan niyo" biglang iwas ng tingin ni Maxine dahil sa hiya. tinabihan naman siya ni Mother Sophie "puwede ko bang malaman kung...saan ka na-coconfuse hija?"

alanganin na tumingin si Maxine kay Mother Sophie ulit "s-sa nangyayari po" halata sa boses niya na nag-aalangan siyang magsabi, hindi rin niya ine-expect na pakikinggan siya ni Mother Sophie. sobrang nabibigla siya ngayon

"sige lang hija ikwento mo"

ikinuwento nga ni Maxine ang lahat, simula sa pagiging mortal na magkaaway nila ni Zavy, tungkol sa napagkasunduan ng Daddy niya at ni Ms.Nam na ipakasal sila dahil sa nagawa niya, pati narin ang biglaan nilang naging desisyon ni Zavy, and lastly tungkol sa pag-amin ni Zavy sakanya

"e ikaw ba hija? wala ka bang feelings para kay Zavy?"

tinitigan lang ni Maxine si Mother Sophie. hindi siya makapaniwala na madre pa ang mag-papayo sakanya ngayon. humugot siya ng malalim ng paghinga bago sumagot ng "s-siguro po? ewan hindi ko po talaga alam...naguguluhan po ako"

naintindihan ni Mother Sophie ang kalagayan ni Maxine ngayon, kaya naisipan niya itong tulungan "pagba magkasama kayo ni Zavy anong na-feel mo?"

dahan-dahan na inangat ni Maxine ang tingin kay Mother Sophie. bigla siyang napa-isip sa tanong nito at bigla nalang napangiti "masaya po...yung saya na may mafi-feel ka sa loob ng tummy mo, tapos....parang ayaw mong matapos yung araw na kasama mo siya"

tumungotungo si Mother Sophie habang nakikinig "e..pag si Kevin? anong nararamdman mo?"

"uhm......" biglang yuko ni Maxine at buntong ng malalim pag-hinga "actually...hindi ko na rin po alam? I don't even get jealous kapag may lumalapit o lumalandi sakanya...since then"

"mmm...how bout kay Zavy? nakakaramdam ka ba ng selos pag may nakakusap o may lumalapit sakanya?" halata sa tono ni Mother Sophie na nang-aasar siya. minsan niya na kasing nakita kung paano patayin sa tingin ni Maxine si Keifer habang magkausap sila ni Zavy

biglang bago naman ng aura ni Maxine ng maalala kung gaano kasaya si Zavy at Kiefer tuwing magkausap. seryoso siyang umangat ng tingin kay Mother Sophie "ayoko ng may nakakausap siyang iba mother, ayokong nakikita siyang nakikipagtawanan sa iba...lalong-lalo na sa Keifer na yon" pinigilan ni Mother Sophie ang ngumiti "gusto ko nasa akin lang palagi ang atensyon niya"

"yun naman pala hija...alam mo na kung anong sagot sa pagka-confuse mo"

kunot noong tinignan ni Maxine si Mother Sophie habang tumatayo "ano pong-----------sige na hija, sumunod ka na sakanila. baka maiwanan ka pa"

kaagad na tumayo si Maxine at nagmano kay Mother Sophie, kahit hindi parin nag sink in sa utak niya ang sinabi nito "babye Mother Sophie, thank you for the short time chatting with you po" saka siya nag-bow at tumakbo palayo

"ang mga kabataan nga naman"

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now