fifty nine

812 41 2
                                    

pagkapark ni Zavy ng sasakyan niya kaagad siyang lumabas at tumakbo papasok. nakasalubong niya naman si Nanny Tes niya na hindi pa tapos ilagay lahat ng laruan na nasa labas kaya napalingon siya rito at sobrang gulat niya ng makita kung gaano ito karami "san galing yang mga yan?"

"hindi ko rin alam anak, may nagpadeliver lang daw"

napahawak nalang sa sintido si Zavy saka hinagod ang buhok sa inis. may idea na siya kung sino ang nagpadeliver ng mga laruan. kinuha niya ang phone saka dinial ang nagiisang tao na nasa isip niya

📱 did you like my gifts for your child?

napabuntong hinga si Zavy dahil tama ang hinala niya "baliw ka ba o ano? sino may sabing magpadeliver ka ng mga laruan dito ha!"

📱 hindi ko alam kung anong gusto ng anak mo e? kaya binili ko nalang lahat. ayaw mo nun spoiled siya sakin

sunod-sunod ang ginawang paghinga ni Zavy. napagtanto niyang maling sinabi niya kay Maxine na may anak na siya "tanggalin mo lahat to dito"

📱 why? wala ba siyang nagustuhan? or should I buy more expensive toys?

hindi na alam ni Zavy kung ano pang sasabihin niya para lang patigilin si Maxine

📱 wait. babae ba o lalaki yung baby natin?

gustuhin mang kiligin ni Zavy sa sinabi ni Maxine mas nangingibabaw ang inis niya "stop this please!" at mas lalo pa siyang nainis nung marinig niyang may kinakausap na babae si Maxine at tinatanong kung anong damit ang bagay sa mga bata "my god. Maxine tumigil kanga!"

📱 oh baby sorry. I just talk to the sales clerk here, I don't have Idea for babies fashion kasi

napasabunot nalang si Zavy sa sobrang inis "nasan ka"

📱 mall

"are you coming later?"

📱 you mean the dinner?

"mm"

📱if you come ill go

napairap si Zavy "K. I'll go mag-usap tayo mamaya and please. pakitanggal ng mga laruan dito"

📱 not gonna happen. see you later

napahagod nalang si Zavy ng buhok nang patayin na ni Maxine ang tawag. napansin niya naman na hindi parin tumitigil si Nanny Tes sa ginagawa niya "wag niyo na po ipasok yan lahat"

"huh? bakit naman?"

"just don't Nanny"

sumunod naman si Nanny Tes at tumigil sa paghakot ng mga laruan "sige hija magluluto na ako ng dinner"

"wag na rin po. may dinner po kami ngayon, magpahinga nalang po kayo"

"o sige anak. mag-iingat ka ha" papasok na sana si Nanny Tes ng may maalala siya "nga pala ang Mommy mo nasa office niya, gusto ka daw niyang makausap" saka siya tuluyan na pumasok sa loob

sumunod na rin si Zavy at dumeretso sa office kung saan naghihintay ang Mommy niya. pagpasok niya nakita niya ang Mommy niya na nakafocus sa laptop "gusto mo raw po akong makausap Ma?"

napalingon naman ang Mommy ni Zavy sakanya "yes anak. halika maupo ka muna" sumunod naman si Zavy at naupo "I've hear na kayo na daw ni Seng?" tango lang ang naging sagot ni Zavy "how did it happen? umalis kang kayo ni Maxine right?"

napabuntong hinga si Zavy sa tanong ng Mommy niya "Ma can we not talk about my past? and to clarify wala na kami ni Maxine bago pa ako umalis"

"e ano yung mga sweet gestures niyo sa isa't isa na nakikita ko non"

napakagat ng labi si Zavy. nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya "its just....basta Ma hindi kami"

tiningnan naman ni Nam ang anak niya ng seryoso na parang kinikilatis niya kung nagsasabi ba siya ng totoo "so kelan ko makikilala yang Seng na yan?" iniba niya nalang ang topic dahil halata kay Zavy na ayaw talaga niyang pag-usapan ang tungkol sakanila ni Maxine

"I'll ask him kung kelan siya free"

"sigurado kana ba sakanya anak? you know mas bet ko parin si Maxine for you"

"Ma naman"

"ok... ok hindi ko na siya babanggitin, but I want to meet that Seng as soon as possible"

"mm" saka tumayo si Zavy "I have dinner with my friends ha, baka gabihin ako ng uwi"

"sila Reign ba yan?" tumango si Zavy bilang sagot "kasama ba yung Seng? cause I won't allow you to be late kung kasama siya"

napairap nalang si Zavy "hindi close ni Seng sila Reign"

"ok" simpleng sagot ni Nam, pero deep inside natutuwa siya dahil sigurado siya na kasama nila si Maxine kaya may chance silang makapag-usap "safe drive ha"

"yes Ma, gotta go" saka lumabas si Zavy sa office ng Mommy niya "why everyone keep on bugging me about Maxine and I? tsk"

...

"akala ko ba kasama si Zavy?" bungad ni Dale kay Christopher pagkalapit sakanila. sila palang nila Roseanne, Yvonne at Irin ang na-una sa favorite restaurant nila "baka naman ginogood time mo lang kami"

"just trust me, pupunta yun guys" but then napansin niya na wala pa ang mag-pinsan "nasan yung dalawang tukmol?"

"on the way na daw"

sakto naman na tumunog ang message tone ni Christopher "oh on the way narin daw si Zav"

"buti naman"

"order na tayo" suhestyon ni Roseanne

"just say you already starving Roseanne" pang-aasar ni Irin pero sinenyasan parin ang waiter na malapit sa table nila

maya-maya pa ay dumating na si Maxine at Reign...

"sorry we took that long. ito kasing si Maxine ang daming paandar" iirap-irap na umupo si Reign sa tabi ni Dale saka ito hinalikan "you guys order yet?"

"mm"

"di niyo naman ako inorder ng food diba?" biglang tanong ni Maxine sakanila saka nilingon ang waiter na naghihintay parin sa mga orders nila "miss water lang sakin"

"2 veggie salmon salad please" lahat sila napalingon sa kadarating lang na si Zavy "sorry for being late" paghingi niya ng despensa saka na-upo sa vacant seat na katabi ni Maxine. napalingon naman ito sakanya "subukan mong magreklamo"

napangisi nalang ang mga kaibigan nila sa itsura ni Maxine. para siyang takot na pusa ngayon

"spicy po ba ma'am?" biglang tanong ng waiter kay Zavy

"one spicy only. and please less the dressing in other one" casual na sagot ni Zavy at hindi pinansin kung paano siya tignan ng mga kaibigan niya including Maxine. kabisado niya parin kasi ang ayaw at gusto ni Maxine

"orders complete na po?" tumango lang sila bilang sagot "the food preparation will took 20 minutes. I excuse myself po" saka umalis ang waiter para iprepare ang orders nila

nabalik naman ulit ang atensyon kela Maxine at Zavy, pero ang dalawa parehas busy sa mga phone kaya napailing nalang ang anim

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now