nineteen

875 47 0
                                    

Archie's POV

I'm currently at the place where the wedding ceremony will be held. matagal-tagal pa naman pero
excited ako e bakit ba

kasama ko rin si Ms.Nam ngayon and guess what
she's excited too
siya nga mismo ang naghanap nitong venue
just to make everything look so perfect

inikot namin yung buong lugar
meron din silang mga Vip rooms kung sakaling magdamagan yung event

meron din karaoke room pag gusto niyong magkantahan
isa lang masasabi ko
this place was lit!

lalo tuloy akong na-ecxite para sa dalawa

"what can you say Chie?" Ms.Nam suddenly asked me

"ok na ok tong place for me"

"good... mas may igaganda pa to pag may decorations na"

but suddenly naisip ko na hindi pa pala namin nakakausap yung dalawa about sa gusto nilang theme "I think we need to ask them first bago natin palagyan ng decorations tong buong lugar"

"probably. baka awayin pa nila tayo pag di nila nagustuhan"

sabay kaming natawa sa naisip niya
tama naman si Ms.Nam knowing my sister? napaka-arte non sa lahat ng bagay, gusto niya lahat mukhang perfect

"sa tingin mo Archie, magkakasundo na kaya sila once na maikasal na sila?"

I deeply sigh kasi kahit ako hindi ko rin alam kung magiging ok pa ba yung dalawa na yon, basta ang gusto lang ni Dad panindigan ni Maxine yung nagawa niya kay Zavy

yun din kasi ang turo sa amin ni Mom

na pag may nagawa kang mali or kung ano doon sa tao you need to take the responsibility about it. buti nga pumayag siya sa gusto namin, akala ko aangal siya isasako ko talaga siya

"I hope so Ms.Nam"

"haaaay ano ba kasing nangyari diyan sa kapatid mo Chie? hindi naman siya ganyan dati"

Ms.Nam was right, hindi naman talaga maldita si Maxine noon. in fact she's a sweet and loving baby for us back then, but when mom died nag-iba na yung ugali niya

naging palasagot, palamura and the worst is
naging trouble maker siya

"maybe because... she misses mom"

biglang nalungkot yung mukha ni Ms.Nam at hinaplos ang braso ko "I miss your mom too"

I need to divert the subject baka kasi maiyak ako "by the way, hindi naman nagtatanong si Zavy kung kelan ba talaga ang kasal nila?"

"hindi naman, bihira na lang din kasi kami magkita sa bahay sa sobrang hectic ng schedules ko.. minsan naman pagka-uwi ko tulog na siya"

"ganun ba"

sana may magkusa naman sakanilang magtanong about sa kasal nila, para naman hindi namin maisip na force wedding to. gosh isipin ko palang parang nakakakonsensya na

"how bout Maxine? nagtatanong ba siya?"

"hindi rin"

"hayaan na lang muna natin, baka until now hindi parin nagsisync in sakanila na ikakasal sila"

"maybe? pero sana naman makitaan man lang natin sila na interesado sila about dito"

"true.. nakakakonsensya kasi kung parang ipinilit lang natin sakanila tong kasal"

see what I mean?

"anyways.. I need to go, may meeting pa akong kailangan na puntahan" she kisses me on the cheeks "babye see you when I see you" tapos umalis na siya

now I'm alone, but then nag ring yung phone ko so I immediately check it

it was Maxine

📱 where are you?

📱somewhere why?

hindi ko pa kasi pwedeng sabihin na nakahanap na kami ng venue, baka sabihin sobra kaming excited
kahit totoo naman

📱where is that somewhere

she's now on her maldita mode

📱basta, bakit ka ba tumawag?

📱Dad is not home

ay wow ang aga niya naman umuwi ngayon? nasanay kasi ako na madaling araw na siya umuwi tapos lasing pa minsan

📱yeah Dad isn't there. bumalik muna siya sa England to fix something, bakit may kailangan ka kay Dad?

wag naman sanang balak niyang umatras sa napagkasunduan namin

📱nothing. masama na bang hanapin si Dad ngayon?

*sigh* ang hirap ng may kapatid na topakin

📱bye nanga, may gagawin na ako

I immediately end up the call bago pa siya magreklamo

lumabas na rin ako sa venue at naglakad papunta sa sasakyan ko

after almost hours of driving dahil sobrang traffic, nakarating rin ako sa bahay

I informed the hardinero na diligan yung mga halaman before mag 6pm

ganun kasi yung gawain ni Mom before, dapat dilig na yung mga halaman niya before mag 6. ganun niya kamahal yung mga halaman niya dito kaya we're doing are best para alagaan din yung mga yon

palapit palang ako sa pinto naririnig ko na yung tawanan nila sa loob, aha kaya pala siya nagtatanong kung nasan ako kasi may balak magpa-tambay dito sa bahay

I decided to silently open the door para silipin sila, they were having movie marathon

I immediately look for my sister and she's at the right side, habang sila Dale naman nasa mahabang sofa

ok na sana
wala na sana akong balak na pansinin sila
but I noticed kung ano yung pinunuod nila
kaya pumasok na ako ng deretso

they're still focus on watching

"what the fuck is that Maxine!"

that's when I caught their attentions. para silang mga nakakita ng multo ngayon, while Roseanne pauses what they're watching

"k-kuya let me explain"

"you have nothing to explain. hindi naman masamang manuod kayo ng ganyan, pero wag naman dito sa sala.. pagpasok ko palang kita ko na, you should watch that inside movie room"

or to her room to be exact

paano nalang kaya kung biglang umuwi si Dad
tapos makikita silang nanunuod ng sexy movies

"sabi ko naman kasi sayo Max doon nalang tayo sa condo mo manuod e"

"ayoko nga don, magkakalat lang kayo"

sabay pa silang nag irapan ni Dale

napailing nalang ako ng ulo at nagmadaling umakyat dito sa taas. gusto ko nang humiga
this day is so tiring for me

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now