fifty six

833 42 2
                                    

sabay-sabay silang anim na pumasok ng councilors office pero sabay-sabay rin silang nagtakip nang mata dahil sa bumungad sakanila. the two are making-out again

"ano ba naman kayong dalawa!"

"nakuha niyo pa talagang magmake-out ha"

"sakit niyo sa bangs mga sis!"

"respeto naman sa singles dito"

sabay na umirap si Maxine at Zavy

"ang o-oa niyo ha, as if naman ngayon niyo lang kami nakitang magmake-out" sarkastikong sabi ni Zavy bago kumandong kay Maxine. umayos narin ng puwesto yung anim

"ano ganyan talaga yung pwesto niyo?" biglang tingin naman nila Dale at Reign kay Christopher "I mean...sabi ko nga, ganyan na puwesto niyo, yakap ka pa kay Maxine Zav hehe" sabay kamot niya ng ulo. alam niya kung ano ang meaning ng tingin ng dalawa sakanya

nang maayos na ang lahat, humugot nang malalim na paghinga si Kiefer "ok, first of all hindi ako yung kalaban niyo dito...second. nito ko lang din nalaman yung plano ni Heidi nung aksidente ko siyang narinig na may kausap sa phone" nagtinginan ang pito "bakit?"

"ganyan na ganyan din namin nalaman yung tungkol sa sabwatan niyo e"

biglang tingin ni Kiefer kay Yvonne "paano?"

"narinig kita na may kausap ka sa phone nung isang gabi, then narinig din ni Zavy si Heidi"

"oh seems like destiny helping us to solve this problem. anyway let's go back to main topic here, pero gusto ko magtatanong kayo sakin"

nagisip na sila ng puwede nilang itanong habang si Maxine naman gulong-gulo parin sa mga naririnig niya. napansin siya ni Zavy at pinunasan ang natitirang kalat ng lipstick sa gilid ng labi niya

"just listen to us ok"

"ano pa nga ba? e wala naman akong maintindihan sa pinauusapan niyo"

nginitian lng ni Zavy si Maxine saka hinalikan ng mabilis bago humarap ulit kay Kiefer. bigla siyang nagkaroon ng pag-asa na maayos pa sila dahil sa mga nalaman niya, pero kailangan na muna nilang maayos kung ano o sino talaga ang problema "anong totoong plano ni Heidi"

"plano ni Heidi na sirain kayo para makasal sila ni Maxine" nagtatakhang tuming sakanya yung pito "oh bakit nanaman?"

"yun lang talaga yung plano niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Zavy "e pano yung iba? wala ba siyang ibang plano na gawin?"

"ewan ko? sabi ko nga sainyo hindi niyo ako kalaban kasi di niya naman talaga ako kasabwat, nagkataon lang na magkababata kami kaya pinuntahan ko siya nun sa condo niya then yun, don ko na narinig na may kausap siya sa phone"

"how do we know that you're telling us the truth?" biglang tanong ni Reign habang nakataas ang kilay

nagisip si Kiefer kung anong puwede niyang maging patunay, hanggang sa maalala niya ang tungkol sa call nila ni Heidi. inilabas niya ang phone saka binaba sa table na pinagigitnaan nila "yan guys. check niyo yung call logs ko diyan, nakaautomatic record kapag may tumatawag sakin"

kinuha naman ni Reign ang phone at nakalagay na ito sa call logs, kaya pinindot nalang niya ang naging record ng calls ni Kiefer at Heidi. nalaman niya kaagad na yun ang number ni Heidi dahil puro prof. lang ang nakakausap palagi ni Kiefer. pagkatapos niya itong pindutin nilapag niya ulit sa table

"nasan ka?"

"bar why?"

"sinong kasama mo?"

"Maxine"

biglang tingin ni Zavy kay Maxine na nakangisi at taas kilay na ngayon "nandon ka sa pub nung isang gabi kung nasan ako?!"

"yeah. I also watch how you devouring that guy"

napakagat nalang ng labi si Zavy saka binalik ang atensyon sa pakikinig sa record. gusto niya pa sana itanong kung bakit nagdahilan si Maxine nung inaya niya, pero napagtanto niyang baka nakita na siya ni Maxine bago pa siya mag-aya

"did you take your pills?"

nagtatakha silang lahat na tumingin kay Kiefer. kinuha ni Kiefer ang phone saka pinause ulit ang record "yung pills na yon para sa mental issues niya"

"sinasabi mo bang baliw si Heidi?" tanong ni Dale

"yes. she's crazy"

nagulat si Maxine sa narinig niya. hindi niya ine-expect na magkaka totoo ang sinabi niya kay Heidi nung nasa resort sila. gusto lang niyang asarin si Heidi non

"why?" biglang tanong ni Zavy nang mapansin ang pagtatakha niya

"nothing" pinili nalang niya na wag magsalita saka binalik ang atensyon kay Kiefer na nakatingin na ngayon sakanya

"nabaliw siya because of Maxine" lahat sila ay nabaling ang tingin kay Maxine "sobra niyang pinagsisihan yung pag-iwan niya sayo para lang sa career niya as a Model. unti-unti siyang nilamon ng regrets niya na yon hanggang sa...nadepress siya, kasi kahit gusto ka niyang kausapin o magsorry sa nagawa niya hindi niya magawa kasi nga feeling niya sobrang laki ng nagawa niya sayo para ireach out ka pa niya" nakramdam ng konsensya si Maxine sa mga panahong halos isumpa niya si Heidi dahil sa galit "nilamon siya nung depression niya na yon at umabot sa point na tinangka niyang magpakamatay" nagulat silang lahat sa nalaman "nalaman ko lang din to sa friend kong doctor, isa sa mga colleague niya kasi ang nagtherapy kay Heidi"

pare-parehas silang nakonsensya na alamin pa yung tungkol sa usapan nila Kifer at Heidi

"w-wag mo nalang ituloy yung record Kief. ok na kami sa mga nalaman namin"

"you guys sure?" tango lang ang naging sagot nila kaya pinasok na ni Kiefer ang phone sa bulsa ng pants niya "pero warning lang Maxine, don't you ever plan on escaping to her hindi natin alam ang puwede niyang magawa. she's now obsess on you"

lahat sila nabahala sa warning ni Kiefer, pero iba ang nasa isip ni Reign na kanina pa niya pinag-iisipan kung dapat niya pa bang itanong kay Kiefer kasi hindi siya sure kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi, ang hindi niya alam ay ganun din si Yvonne at Christopher

"I have one last question" it was Christopher. hindi na niya napigilan ang curiosity niya

"ano yun bro?"

"diba sabi mo narinig mong may kausap si Heidi sa phone?" ngumisi si Yvonne at Reign dahil same sila ng mga iniisip "naring mo ba kung babae o lalaki ang kausap niya? nabosesan mo man lang ba?"

biglang napaisip si Kiefer at inaalala ng maigi kung anong boses nga ba ang narinig niya "lalaki...lalaki ang kausap niya sa phone"

biglang nagtinginan ang pito dahil iisa lang ang pumasok sa isip nila na puwedeng maging mastermind ng lahat, habang si Kiefer nagtatakhang tumingin sakanila

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now