fifty seven

850 37 9
                                    

2 years later....

Reign's POV

"Maxine bumangon kana!" nak nampucha kanina ko pa ginigising tong pinsan ko ayaw talaga magising "hoy! may appointment pa tayo!"

"ang ingay mo!" biglang ilag ko nung binato niya ako ng unan. tarantadong to buti nalang nasalo ko "lumabas ka don!"

"not unless babangon ka diyan"

irita siyang tumingin sakin "ang kulit naman Reign e!" sabay subsob niya ulit sa unan. naiinis nako sakanya konti nalang itutulak ko na siya rito sa kama "cancel mo yang appointment na yan"

"gusto mong parehas tayong bungangaan ni uncle!?" hindi ko naman siya kukulitin kung siya lang babalingan ni uncle e, kaso pati ako damay

"buwiset" irita siyang tumayo at pumasok sa banyo. buti naman kasi malapit ko na talaga siyang itulak kung di pa siya babangon

"sa baba na kita hintayin, at please lang. samahan mo ng bilis yang kilos mo" hindi ko na siya hintay na sumagot. bumaba nako sa sala

"bumangon naba yung gaga?" it was baby Dale. busy siya sa pagtingin ng magazine

lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya "naliligo na" sabay kuha ko nung tinitignan niya. about sa business yung tinitignan niya. nandito lahat ng sikat na mga business tycoon ng mga bansa, syempre kasama yung angkan namin pati kay Zavy

bigla akong napalingon sa fiancé ko kasi tumayo siya "magtitimpla ako ng coffee, you want?"

umiling lang ako kaya naglakad na siya papunta sa kitchen, nagkaslubong pa sila ni Maxine sa may end ng stairs "let's go na"

"hindi ka man lang magbibreakfast?"

"hindi ako gutom" sira ulo ba siya? puro tubig na yung laman ng katawan niya pero for sure mas lamang ang alak

"gago ba you? talaga bang papatayin mo sarili mo sa gutom?!" hindi na ko natutuwa sa naging routine niya na ganito. palaging walang kain, tapos lakas pa mag-aya palagi sa bar kapag gabi na. hindi ko alam sa babaeng to pano niya nakakayanan na ganito

"tagal nga e"

bumuntong hinga na lang ako bago tumayo. baka kung san nanaman mapunta tong usapan pag pinatulan ko pa siya "babe alis na kami!"

napatakbo yung baby ko sa gawi namin. yumakap at kiniss niya ako sa lips "what time kayo makakauwi para makapagluto ako"

"baka gabihin kami. lam mo na" sabay nguso ko don sa pinsan kong nasa labas na at nakasandal sa sasakyan "baka mag-aya nanaman e"

"psh. wala naman bago, hindi nalang ako magluluto kain nalang tayo mamaya sa labas"

"ok"

kumiss ulit ako sa fiancé ko bago ako tumalikod para lumabas. nasa loob na yung pasaway kaya pumasok nako sa shotgun seat. gusto niya siya lagi nagddrive e

"san ba appointment natin today?" biglang tanong niya sakin habang kinakabit ko yung seatbelt ko

"san pa ba, edi sa company mo"

"tss this bitch. seriously? puwede namang ikaw nalang yung pumunta don diba"

"sana ok ka lang Maxine. ilang araw kanang hindi pumapasok...partida galing ka pa ng leave niyan"

"sisihin mo yung best friend mo"

hindi nalang ako umimik. baka mamaya sobrang mabadtrip nanaman siya at pagbuntungan yung mga employers niya

pagpasok namin sa building sinalubong kaagad kami ni Chris. dito siya nagtatrabaho as Deputy director "what brings you here guys" bumeso siya sakin saka kay Max pero nakatanggap siya ng sampal. haha

"aray ko naman bhe bakit nananampal"

hindi siya sinagot ng Max, inirapan lang saka lumakad papasok

"yan kasi beso ka pa ha"

"bakit ba nagmamaldita nanaman yon?"

"tanong mo kay Zav"

"gagi? balak niya nanaman bang sugurin si Zavy. di ba siya napapagod?"

yes nandito kami sa company nila Zavy siya na rin yung CEO dito ngayon same as Max. ewan ko ba dito sa pinsan ko, simula nung nalaman niya na nakabalik na si Zavy galing Thailand di niya na tinantanan, nito lang siya tumigil nung nagfile siya ng leave tapos heto naman siya aish

"ganun talaga pag di ikaw yung pinili"

iiling-iling akong tumalikod sakanya para sundan si Maxine. naghahanap rin talaga siya ng gulo, dito pa siya sa office ni Zavy dumeretso pwede namang sa visitors room tsk

"anong kailangan mo Ms.Del Rosario?" bungad sakanya ng best friend ko. mukhang wala rin sa mood ang isang to

"nothing, just checking my girl---------ex girlfriend Maxine. please don't start marami pa akong kailangan tapusin"

"ano ba kasing meron sa Seng na yan!?"

"Reign pakilabas yang pinsan mo please"

dali dali kong hinawakan yung braso ni Maxine, pero pwersahan niyang hinila yung sarili niya

"hindi ko kasi magets Zavy! we're ok when you left, you even promise me na babalik ka...na babalikan mo ko. tapos babalik kang kayo na ng Seng na yon?!"

hindi siya pinatulan ni Zavy. tumayo lang siya at inayos yung mga gamit niya "I said I have a lot of paper works to finish, anong hindi mo maintindihan don"

"there you go, using your bossy attitude to me para lang iwasan yung tanong ko. ano bang mahirap sagutin don?"

once again hindi siya pinansin ni Zavy. pinagdadampot niya lang yung cellphone niya pati yung bag niya saka may tinawagan sa telepono "amanda just send the files to my email"

nako po uuwi to. and I'm not wrong uuwi nga siya kasi bintbit niya rin yung mga papel na ginagawa niya kanina tsk

palabas na sana si Zavy pero pinigilan siya ng pinsan ko. nako naman talaga gusto talaga niya ng away, kung alam ko lang na ganito yung gagawin niya sana pinabayaan ko nalang siyang matulog. I don't think na makakapunta pa kami sa appointment namin ngayon tsk goodluck nanaman sa sermon

"bitiwan mo ko"

pero himbis na bitiwan ni Maxine si Zavy niyakap pa niya. napaiwas tuloy ako ng tingin, ayokong nakikita na ganito siya e nanghihina ako. sobra niya nang sinasaktan yung sarili niya tsk ito rin kasing si Zavy di niya nalang sabihin kung why all of the sudden sila na ni Seng. pinahihirapan niya lang pinsan ko e, nadadamay pa kami sa pag-iisip kung bakit

"just tell me please mananahimik nako pagsinabi mo"

"gusto mo talagang malaman" bigla akong napalingon sakanila. finally sasabihin niya na rin. bumitiw sakanya si Maxine saka siya tumalikod para harapin yung pinsan ko. hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa isasagot niya "sigurado kang mananahimik ka na?" tumango lang si Maxine bilang sagot

























"kasi may anak na kami"

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now