twenty five

884 53 0
                                    


Reign's POV

finally

nakarating rin kami sa camp location site namin
malayo rin ah? tsaka mataas

pero wala nang tataas pa sa pride ng pinsan at best friend ko

hanggang ngayon kasi
hindi pa sila nag-papansinan

kung mag-papansinan man sila, mas gugustuhin nalang namin na wag na, nag-aaway lang naman kasi sila

"Reign"

napalingon ako kay Ms. Eng, siya yung tumawag sakin "bakit?" siguro magtatanong to tungkol sa nangyari kanina

chineck niya yung paligid kung may nakatingin ba samin,
sabay hila niya sakin palayo. sa hindi kami kita

"ano ba talagang meron sa dalawang yon?" sabi ko na e? may pagkachismosa rin tong si Ms. Eng "totoo ba yung naririnig kong, may relasyon silang dalawa?"

"wala ako sa posisyon para magsabi tungkol diyan Ms.Eng" I know na pinsan ko si Maxine, pero hindi ko naman siya aagawan ng spotlight about dito, tsaka wala naman akong alam gaano

"p-pero pinsan mo si Maxine hindi ba?"

nagulat ako sa sinabi niya "pano mo nalaman yung tungkol diyan?" wala naman kasing ibang nakakaalam sa mga officers

si Zavy nga, hindi ko alam kung paano niya nalaman, buti na lang hindi niya ako tinatanong about don

"matagal ko na kayong nahuhuli sa parking lot, nag-uusap kayo palagi pag may family dinner.. nung una nga akala ko magjowa kayo e? or secret married, kasi same kayo ng lastname"

hindi ko mapigilang matawa sa mga conclusions niya "langya ka Ms.Eng! may taste naman ako sa babae noh"

"bakit? maganda naman yung cousin mo ah?"

kung sabagay may point naman siya

"maganda nga, nuknukan naman ng maldita"

"oi! grabe ka naman kay Maxine" nagtawanan kaming pareho "pero ano nga? may relasyon ba sila?"

akala niya siguro madadaan niya ako sa paganito niya "ewan? hindi ko rin alam e"

"kakainis ka kamo"

I just shrugged my shoulder "wala nga akong alam, sila nalang tanungin mo"

naglakad na ako pabalik sa kung saan ang pwesto ko kanina, at parang may gusto akong isako ngayon

"anong gagawin natin sa dalawang yan Rei" nilapitan ako ni Chris at pinatong ang braso niya sa balikat ko, I mean yung siko niya

"baka gusto mong alisin yang siko mo, nanunusok"

"ay, sorry" kaagad niya yon inalis at pumamewang

pareho kaming nakatingin sa iisang direksyon

"may plano ka bang naiisip Rei, rinding-rindi nako sakanila e"

"edi wag mong pakinggan" ganun lang yun kasimple

I mean hindi pala, ou nga nakakarindi silang pareho, lalo pa ngayon nagsisigawan na sila

umaalis kasi tong si Zavy pero pinipigilan ng pinsan ko, paano ba naman, kinakausap na niya yung pinsan ko, pero itong pinsan ko parang walang naririnig, tapos magagalit pag-lalayasan siya. parang gago lang

napapailing nalang ako sa ginagawa nila

"tang ina Zavy, wag kangang makulit!"

hay nako

hindi na kami nakatiis ni Chris, nilapitan na namin sila

"kayo bang dalawa hindi talaga titigil" nakuha ko yung atensyon nilang pareho

"Reign!" sabay lapit sakin ni Zav "pagsabihan niyo nga yang si Maxine, nababaliw na yata"

she's using her baby talk, alam ko na pag ganito siya. ibig sabihin natatakot na siya

"ano nanaman ba kasing tinotopak mo Max"

tinignan ako ng masama ng pinsan ko "wala, labas kayo rito" sabay tingin niya kay Zavy "come back here!"

napaka-bossy talaga kahit kailan

"Reign"

ramdam ko yung panginginig ng katawan ni Zavy ngayon. takot na talaga siya

kaya wala akong choice kung hindi lapitan yung magaling kong pinsan, si Zavy naman iniwan ko muna kay Chris

"layo mo muna yan dito" utos ko kay Chris, sabay harap ko ulit sa pinsan ko "umayos ka nga Maxine, natatakot na yung isa sayo"

"dapat lang siyang matakot, she's not aware to what I'm capable to do"

hay nako, matigas din kasi tong isang to e

"we know na may isang salita ka, pero baka nakakalimutan mo.. may trauma pa si Zavy sa ginawa mo, kaya konting pagpapakumbaba naman, tsaka tigilan mo nga yang pagbabanta mo"

iniwasan niya ako ng tingin at halata sa mukha niya yung galit "you don't understand me, Reign"

she's serious

"edi ipaintindi mo"

tumingin siya sakin, tapos sa pwesto kung nasan sila Zavy and Chris, pero umiwas din siya ng tingin "basta! ibalik niyo nalang siya rito. ayokong mawawala siya paningin ko, baka kung ano pang magawa ko"

this is new

ngayon ko lang siya narinig na magbanta ng ganito

nakakapanibago

"Maxine, umamin kanga.. may gust.... "

"siguro!" hindi pa man ako tapos na magtanong may sagot na siya "hindi ko rin alam! basta ayokong lalayo siya sakin" kita ko yung nangingilid na luha sa mata niya ngayon

I'm speechless

hindi ko alam ang sasabihin ko

ngayon ko lang siya nakitang matakot ng ganito

"so please? wag nlang kayong makielam? let me fix this on my own, labas kayo rito"

magsasalita pa sana ako, kaso lumakad na siya papunta kela Chris at hinatak si Zavy, pipigilan pa sana siya ni Chris, pero sinenyasan ko siya na pabayaan na nalang

baka si Chris naman ang masapak niya ngayon, mag-aaway na talaga kami

may tiwala naman ako sa pinsan kong hindi niya sasaktan yung best friend ko, tsaka sa tono ng boses niya kanina, this the first time na nakiusap siya sakin ng ganun kalumanay

though hindi ko nakuha yung gusto kong sagot, enough na yon para pabayaan siya sa gusto niya

"oi Rei! baka anong gawin ni Maxine kay Zav"

"hindi, nangako siya sakin" kahit wala naman talaga, basta magtitiwala ako sa pinsan ko "pabayaan nalang natin, away nilang mag-fiance yan. tara na don, para makapag-ayos na ng tent"

naglakad na ako palayo sa pwesto nila, silang dalawa ang magkasama sa iisang tent, kaya gaya ng paki-usap niya sakin, pababayaan ko sila

sana lang talaga maayos na nila yung gulo nila

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now