fourty eight

845 50 4
                                    

palapit na sana si Maxine sa meeting place nila ni Heidi, nang bigla siyang makatanggap ng tawag kay Dale

"yes Dale what's-

📱 dumeretso ka lang

"huh? what do you mean?"

📱 just follow what I say!

"bakit nga! hindi kit- oh shit!" napamura nalang si Maxine nang makita sa rear view mirror kung kaninong sasakyan ang nakasunod sakanya ngayon

📱 you get it now?

"mmm...pero nasan ka?"

📱 nakasunod ako kay Zavy. now turn to the left may nearest Ice-cream parlor diyan

"ano namang gagawin ko don?"

📱 just pretend na bibili ka talaga don aish

kaagad naman na sinunod ni Maxine si Dale at kumaliwa, natanaw niya kaagad ang Ice-cream parlor na sinasabi ni Dale at kaagad na nagpark malapit doon

"I'm already here"

📱 idiot. edi bumaba ka na diyan, susunod ako dali

binaba na ni Maxine ang tawag saka huminga ng malalim, bago bumaba ng sasakyan, nakita niya naman kaagad ang sasakyan ni Zavy na nakapark sa di kalayuan ng sasakyan niya, pero hindi niya ito pinansin at dumeretso na sa loob

dali-dali naman na bumaba si Zavy ng sasakyan at sinundan si Maxine, pagkapasok niya sa loob hinanap niya kaagad ito

nakita na rin nila Maxine si Zavy pero nagpanggap silang hindi nila ito nakita, at nagpatuloy lang sa pagpipretend na kunwari may pinag-uusapan sila

"palapit na siya Dale" tumungo naman si Dale bilang sagot

as for Zavy dahan-dahan siyang lumapit sa table nila Maxine at kaagad na hinawi ang hoodie ng nakatalikod na babae, at laking gulat niya nang makita kung sino ito "D-Dale?!"

"of course its me, the one and only Carmie Dale Hermoza!...why? are you expecting someone with Maxine?"

biglang yuko ni Zavy dahil sa hiya "h-hindi naman, akala ko kasi kung sino yung kikitain niya"

"gosh Zav, wala ka bang tiwala kay Maxine?"

biglang angat ng tining ni Zavy kay Dale "o-of course meron"

"yun naman pala e, pero bakit kailangan mo pa siyang sundan dito?"

"uhm....."

napansin ni Maxine na marami nang nakatingin kay Zavy, kaya hinila niya ito at inalalayan na ma-upo sa tabi niya "you don't need to answer her question"

"s-sorry"

"you don't need to say sorry" saka hinawi ni Maxine ang buhok ni Zavy na nakaharang sa mganda nitong mukha

"a-akala ko kasi-

" may kikitain akong iba kaya hindi ako pumayag na sainyo matulog?" tumango naman kaagad si Zavy bilang sagot "sabi ko naman kasi sayo kailangan kong umuwi, kasi may kailangan kaming pag-usapan ni Dale" nakayuko lang si Zavy kasi hindi niya alam kung anong sasabihin niya. sobrang hiyang-hiya siya ngayon "pero ok na, nakapag-usap na kami"

"s-sa bahay ka na matutulog?"

hinawakan ni Maxine ang mukha ni Zavy at hinarap sakanya, at nakaramdam siya ng kirot sa dib-dib nang makita niyang nangingilid ang mga luha nito sa mata "yes baby, we gonna sleep together" saka hinalikan si Zavy sa noo

"ergh, I feel like third wheeling here" saka tumayo si Dale at tiniganan si Zavy nang may kahulugan "I'm going now"

"thanks Dale" double meaning ang pagkakasabi ni Maxine

"no problem, sana naman last mo nang magaaya rito" double meaning din ang pagkakasabi ni Dale

"mmm...thank you ulit"

tumungo nalang si Dale bago tuluyan na umalis

binaling naman ni Maxine ang tingin kay Zavy at napansin na namumungay na ang mga mata nito "antok na baby ko?" tango nalang ang naisagot ni Zavy "ayaw mo Ice-cream? actually I'm planning to buy one tub for you"

"ano yun pampalubag ng loob ko?"

napabuntong hinga nalang si Maxine. hindi niya man aminin, ganun naman talaga ang magiging kalabasan kung tumuloy parin siya sa usapan nila ni Heidi "masama bang maglambing sa baby ko?"

napangiting bahagya si Zavy at pinisil ang ilong ni Maxine "ang cute mo talaga...sige na bili mo na ako" kaagad naman na tumayo si Maxine "yung matcha flavor ha"

"here comes the tea lover" iiling-iling na nagpunta si Maxine sa counter at bumili ng Ice-cream tub, kaagad naman niyang binalikan si Zavy pagkatapos "let's go na baby" saka niya inlalayan na tumayo si Zavy "wawa naman ang baby ko, antok na antok na"

bigla naman silang napahinto sa harap ng Ice-cream parlor nang may mapagtanto si Maxine. sobra pa sa sobra ang guilty na nararamdaman niya ngayon

"bakit?"

"wala lang...sinundan mo pa kasi ako kahit antok na antok kana" halata ang guilty sa tono ng boses ni Maxine

"tsk...kaya umayos ka, wag mo nakong bigyan ng sakit ng ulo, o ikakaparanoid ng utak ko, kasi wala akong pakielam kung anong puwedeng mangyari sakin basta mapatay ko lang kayo ng magiging kabit mo"

biglang iwas ng tingin ni Maxine kay Zavy, hindi dahil sa natakot siya sa puwedeng gawin nito sakanya once na mahuli siya, kung hindi dahil sa sinabi nito na wala siyang pakielam kung anong puwedeng mangyari sakanya. na-realize niya bigla kung gaano siya nito kamahal

"uwi na tayo baby, inaantok na talaga ako"

pinilit na pigilan ni Maxine ang luha niya bago lingunin ulit si Zavy "p-pano yung car mo?"

himbis na sagutin inabot ni Zavy ang phone niya kay Maxine "message mo si Mom, pakuha niya nalang kamo sa driver niya" saka lumakad papunta sa sasakyan

hindi naman na napigilan ni Maxine ang umiyak, dahil sa pinapakitang faithfulness ni Zavy, na maging ang cellphone nito inabot niya lang ng parang normal at walang tinatago, samantalang siya ilang beses pang kinuha ni Zavy ang phone niya ng sapilitan para lang icheck

"I don't know what did I do to deserve you" nasabi nalang niya sa sarili bago minessage si Ms.Nam saka sumunod kay Zavy sa sasakyan

pagkapasok niya sa loob ay nakatulog na si Zavy nang hindi pa nakakabit ang seat belt nito. napailing nalang si Maxine bago ikabit ang seat belt ni Zavy saka ito hinalikan sa noo "sleep well love" nilagay niya muna sa backseat ang Ice cream na binili bago niya pinaadar ang sasakyan

on the other hand....

naghihintay parin si Heidi sa meeting place nila, nang may ma-receive siyang message galing kay Maxine na hindi na siya makakapunta, galit na galit niyang binalik ang phone sa bag niya at padabog na naglakad palabas

sakto naman na paglabas niya dumaan ang sasakyan ni Maxine at nakita niya itong may angkas sa passengerseat, dali-dali siyang pumasok ng sasakyan at doon sinigaw ang galit at inis, saka niya kinuha ang phone sa bag at minessage si Maxine

....

pagkarating naman nila Maxine sa mansyon, dahan-dahan niyang inalis ang seatbelt ni Zavy, saka inipon ang buong lakas para buhatin ito papunta sa kwarto, mediyo nahirapan nga lang siya dahil matangkad ng konti si Zavy sakanya

kaagad niya namang hiniga si Zavy sa kama at pinalitan ng damit, nang matapos na siya sa lahat ay siya naman ang sunod na naligo, at tumabi na rin kay Zavy pagkatapos, saka niya kinuha ang phone niya para icheck. laking gulat niya nang makita ang sunod-sunod na message ni Heidi

pinag-mukha mo kong tanga kakaintay sayo kanina!

I saw you with someone

you like this game?, then prepare yourself for the consequences

let me show you who's the pro!

napabuntong hinga nalang siya bago binaba ang phone saka yumakap kay Zavy na sobrang himbing nang tulog "I'm sorry for always hurting you"

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now