fourty one

907 49 2
                                    


its been 5months mula ng mag-transfer si Seng sa AS University, at sa loob din ng 5 buwan na yon ay naging mas close pa si Zavy kay Seng, palagi niya itong tinutulungan kapag walang naiintindihan sa ibang lectures nila, at kung minsan naman si Seng mismo ang lalapit sakanya para magpaturo sa isang bagay

walang kaso kay Zavy ang pagtulong niya kay Seng, in fact natutuwa panga siya dahil nakikitaan niya ito ng sipag sa pag-aaral, wala rin malisya basta ang gusto niya lang nakakatulong siya lalo na pag-tungkol sa inaaral nila

pero may hindi natutuwa sa pagiging close nilang dalawa, si Maxine. walang araw na hindi nila pag-aawayan ni Zavy ang pagsama-sama nito kay Seng, may araw din na kapag nag-away sila halos ignorin nila ang isa't-isa kahit magkasalubong pa sila sa campus

until now hindi parin sila nag-papansinan because of the same issue. nag-paalam kasi si Zavy kay Maxine na kung ok lang bang tanggapin niya ang offer ni Seng na maging tutor nito, dahil nahihiya na siya mag-patulong ng wala man lang siyang naibibigay na kapalit, sinabi naman ni Zavy na ayos lang at bukal sa loob niya ang ginagawa niyang pag-tulong, pero mapilit si Seng at nag-offer nalang na maging tutor siya

naisip naman ni Zavy na puwedeng pandagdag ng income yun bukod sa kinikita niya sa shop na pinagtatrabahuhan niya, besides sa campus lang naman ang magiging sessions nila kaya walang problema sakanya, kaya pumayag siya na maging tutor ni Seng, pero umalma si Maxine at binalak na sugurin si Seng nang marinig niya ang usapan nila at doon nag-simula ang matindi nilang away

as for Maxine, hindi naman siya magagalit kung kinonsider man lang muna ni Zavy yung feelings niya or nagtanong man lang kung payag ba ito na maging tutor siya ni Seng, pero hindi, basta nalang itong pumayag na hindi man lang siya kinukunsulta muna

dahil nga sa away nila, na-istress na rin sakanila ang mga kaibigan nila, sinubukan na nilang pag-ayusin ang dalawa pero parehas parin nilang pinaglalaban yung mga side nila, may araw pang napikon si Maxine at bigla nalang tinaob yung table dahil pinagtatanggol pa ni Zavy si Seng kasi wala naman itong ginagawang masama

"ano babe? pupunta raw ba si Zavy?" tanong ni Dale kay Reign

nasa isang restaurant sila ngayon at hinihintay ang dalawa, kasama rin nila sila Christopher at Roseanne, binabalak nilang subukan ulit na pag-ayusin ang dalawa

"hindi ko alam babe, di sumasagot si Zavy e"

"tawagan mo na kaya?" suhestiyon ni Christopher. isa siya sa sobrang na-iistress sa away ng dalawa, ilang beses rin niyang pinagalitan si Zavy pero ganun din, ikakatwiran lang nito na wala namang ginagawang masama yung tao para layuan niya

sinubukan ngang tawagan ni Reign si Zavy, pero hindi ito sumasagot "ayaw din sumagot" saka binaba ang phone "papunta na ba si Maxine?"

"yup, sabay sila ni Yvonne" sagot ni Roseanne habang naka-focus sa phone

nagtinginan naman ang tatlo, hindi nabanggit sakanila ni Roseanne na in-invite niya si Yvonne

napansin naman ni Roseanne na may nakatingin sakanya, kaya nilingon niya ang tatlo "what?"

sabay naman silang umiling at binalik na ulit ang focus sa phone

"oh ayan guys" biglang lingon ng tatlo kay Reign "sumagot na si Zavy, papunta na daw siya"

nakahinga sila ng maluwag dahil ang akala nila ay masasayang nanaman ang effort na ginagawa nila para lang pag-ayusin ang dalawa

"go na Chris, tawagin mo na yung waiter"

tinaas naman ni Christopher ang kamay niya at sinenyasan ang waiter na lumapit, pagkalapit nito sinabi na kaagad nila ang mga orders nila, alam nila ang gusto ng dalawa kaya inorderan narin nila ang mga ito

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Donde viven las historias. Descúbrelo ahora