thirty one

889 54 0
                                    

Zavy's POV

10:35pm

pabalik palang ako ngayon sa kwarto namin, kakatapos ko lang kasing maligo sila Maxine at yung tatlong bata muna yung pinauna ko kanina, mediyo nahirapan pa kami kay Jasmine kanina kasi ang hirap niya kasing gisingin, tulog mantika

pagpasok ko ng kwarto naabutan ko pang gising si Maxine at busy sa phone. kachat siguro si Kevin, nagpaiwan kasi yon kasama yung mga kaibigan niya. sila nalang daw magbabantay don

"bakit di ka pa natutulog?" tanong ko sakanya habang sinasampay ko yung basa kong twalya malapit sa bintana

"basa pa buhok ko" tipid niyang sagot

napabuntong hinga ako, galit pa rin siya sakin ngayon...well quits lang dahil hanggang ngayon naman masama parin yung loob ko sa naging desisyon niya, pero hindi naman namin puwedeng pairalin ngayon yung mga pride namin, lalo pa ngayon na kami ang magkasama

"nasan yung towel mo"

wala akong nakuhang sagot sakanya...kaya iginala ko nalang yung mata ko hanggang sa makita ko yung twalya niya na naka sandal lang kung saan. hay nako wala talagang kaalam-alam pagdating sa kaayusan tong babaeng to, palibhasa kasi sanay ng may maid tsk

nilapitan ko yun at kinuha "you should hang this para matuyo" sermon ko sakanya habang palapit ako sa pwesto niya "come here, I'll help you to dry your hair" hindi siya kumibo at tinignan lang ako, so instead ako nalang yung lumapit sakanya

ang galing niya rin noh? siya pa talaga may ganang magtampo, ako tong tinalikuran niya yung responsibilidad sa nagawa niya sakin. diba dapat ako yung may karapatan na magtampo tsss

tahimik lang kaming pareho habang tinutuyo ko yung buhok niya, pero bigla siyang umangat ng tingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin ng wala sa oras

"can we talk"

mabuti naman at naisipan niya tong gawin, kasi hindi talaga magiging madali para samin na magsama...I mean dito sa mission namin ngayon kung parehas kaming walang imikan, baka maapektuhan pa yung mga bata

hindi ako umimik at dahan-dahan na umupo sa harapan niya, hinawakan niya naman ako sa mukha para iharap ako sakanya "when I say talk...that means tumingin ka sakin"

"magsalita ka na nga lang" reklamo ko sakanya saka ako umirap. daming pang pahapyaw e

"ang sungit mo naman...hindi mo ba alam na inipon ko muna yung sama ng--------wow ikaw pa talaga may ganang sumama ang loob sakin ha, kapal mo din talaga" kaagad kong pinutol yung sasabihin niya

"alam mo tigil nalang natin tong usap-usap na to, maging casual nalang tayong pareho" saka ako tumayo at hinanger yung twalya niya, sinampay ko yun sa kabilang side ng binatana "matutulog nako" nawala ako sa mood bigla

nagpunta ako sa kabilang side ng kama para sana pumwesto, pero...nasakop na ni Fatima yung space ko. yung space nalang sa tabi ni Maxine yung available na pwede kong mapuwestuhan, so pano? after kong basagin yung usap namin babalik ako don para makaiusap na tumabi sakanya? hays

buti nalang nakita kong may sofa dito, mediyo maliit nga lang siya for my size pero puwede na yan basta makahiga lang ako, antok na antok na rin kasi ako

"what do you think you're doing?" biglang tanong niya nung palapit na sana ako sa sofa

bigla akong natigil sa paglakad at tumingin sakanya "matutulog" seryosong sagot ko saka ako naglakad ulit palapit sa sofa

pinuwesto ko na yung unan ko at ready na sana mahiga, pero bigla niya akong hinatak "ang laki-laki pa ng space dito sa tabi ko, pero mas gusto mong ipagsiksikan yung sarili mo diyan" marahan niya akong hinila palapit sa kama. hindi ako nakaharap sakanya pero kita ko sa peripheral vision ko na inaayos niya yung unan niya "tabi na tayo"

that's when I turned to look at her, pero napaiwas din ako ng tingin kasi nakatingin na siya sakin, balak ko pa naman sanang tumanggi at sa sofa nalang ako matutulog, pero sa aura ng mukha niya ngayon mukhang wala akong choice, kaya pumwesto nalang ako at nahiga na

patagilid akong pumwesto para di ko siya kaharap, pero bigla akong nanigas nang bigla niya akong niyakap...saka siniksik yung mukha niya sa batok ko. what does she think she's doing?

"Maxine wag-------let me sleep like this, hindi ako sanay ng walang kayakap" mas lalo kong tinanggal yung braso niya na nakapulupot sakin "so are you low key telling na magkayakap kayo ni Kevin kagabi" hindi ko na natiis at nagtanong nako, kasi hindi ako papatahimikin ng utak ko pag hindi ko to nailabas, though alam kong wala ako sa posisyon para magselos cause basically, she ended up what we have at pinili si Kevin

ramdam ko naman na inangat niya yung ulo niya "san mo naman nakuha yan? ni hindi nga ako nakatulog kagabi kasi hindi ko alam kung san ako pupuwesto"

dahan-dahan akong lumingon sakanya "so hindi kayo magkatabi?" it somehow reliefs me

"hindi"

pero bigla naman akong nag-alala kaya umikot ako para harapin siya "e nasan ka kagabi??" wala naman kasi siya sa tabi ko pag-gising ko kanina, wala rin sa labas nung sumilip ako

"sa labas lang, hindi naman ako natulog" kaya pala mapungay yung mata niya kanina pa

"san labas? wala ka sa harap ng tent natin nung sinilip kita. wag ak-" mediyo napalakas yung pagkakasabi ko kaya tinakpan niya yung bibig ko

"so you check on me?"

inalis ko yung kamay niya sa bibig ko saka ko siya hinampas sa braso "malamang! anong akala mo sakin walang pakielam sayo!?" ikaw lang naman tong wala paki sa feelings ko "I know we both make our decisions...pero hanggat wala pang nakakalam sa both side natin nitong mga paladesisyon natin na ginawa, you're still my fiance" bigla akong umiwas ng tingin sakanya, baka maiyak ako ng wala sa oras "kaya obligasyon ko paring alagaan ka"

"I-I'm sorry" nakayuko siya ngayon kaya hindi ko kita yung mukha niya, pero halata sa boses niya yung sincerity

"wag mo nalang uli-" hindi ko natuloy yung balak kong sabihin nung narinig kong suminghot siya "umiiyak ka ba?" anong nagyari sakanya. hindi siya humarap sakin kaya nag-alala ako lalo at ako na mismo ang nagharap ng mukha niya sakin. she's indeed crying "why are you crying?"

pinunasan ko yung mukha niya, pero nanigas ako sa pwesto ko nung bigla niya akong niyakap at binaon talaga niya yung mukha niya sa leeg ko "I'm sorry Zav...ang tanga ko" na-gets ko kung anong ibig niyang sabihin kaya di na ako umimik "I'm sorry" mas lalo pang humigpit yung pagkakayakap niya sakin kaya hinagod ko na yung likod niya para mapakalma siya

alam ko kung anong gusto niyang marinig sakin, pero hindi ako ready para pag-usapan yun. masama parin ang loob ko sakanya oo, but seeing her in this state alam kong parehas kaming nahihirapan ngayon, kaya mabuti nang hindi na muna namin pag-usapan yung tungkol dito baka kung san lang ma-uwi

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now