ten

1.1K 54 0
                                    

Zavy's POV

sabado ngayon kaya wala kaming pasok, but I still need to get up early dahil may trabaho ako

yes I'm still working kahit na binibigyan ako palagi
ni Ms.Nam ng allowance, hindi naman dahil sa nakukulangan ako sa binibigay niya sakin, but because gusto ko parin maging independent at mag-ipon na galing sa sarili kong pagod

kung minsan din naman dito na ako kumukuha ng panggastos ko pag may kailangan akong bayaran sa school, akala niyo ba inaasa ko lahat kay Ms.Nam? hindi noh hindi naman ako abusado

pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at nakasalubong ko pa si Ms.Nam

"Goodmorning ate"

nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge

nakabihis na siya ng business attire, at simple lang din ang make-up sa mukha niya

"aalis kana po?"

"yup
may business trip ako sa Macau at tatlong araw akong mawawala, kaya magbehave ka muna kela nanny dito ah"

maiiwan nanaman akong mag-isa

"ok ate... ingat ka ha"

"sige na at baka malate pa ako
naka ready na yung breakfast mo sa dining
pinahanda ko na kay nanny"

hinalikan niya ako sa noo at tinapik ang balikat ko, bago siya tuluyan na umalis

mag-isa nanaman ako rito sa mansyon

even though sanay na akong palaging naiiwan na mag-isa every time na may business trip na pupuntahan si MS.Nam, mas ginugusto ko parin na umalis ng bahay at makituloy muna kela Chris or kela Reign

"good morning nanny Tes"

siya yung mayordoma dito

"kain na anak
baka malate ka sa trabaho mo"

yes pati siya alam na may work ako

naupo na ako sa pwesto ko at sinumulan ang pagkain, then I noticed na parang may gustong sabihin sakin si nanny Tes

"may gusto po ba kayong sabibin?"

"ah eh....

nakalimutan ko kasing magpaalam kay Ma'am
baka pwede akong umuwi ngayon?
kailangan kasi ako ng anak ko"


"ganun po ba?"

she nods pero halata sa mukha niya na nababahala siya

"no problem nanny
ako nalang bahala magsabi kay Ms.Nam"

"salamat anak ah?
birthday kasi ng anak ko ngayon"

pagkarinig ko non kaagad kong kinuha ko yung wallet ko sa loob ng bag at kumuha ng sapat na pera,

inabot ko yon kay nanny Tess pero tinitigan niya lang

"hindi na anak
ayos na ako sa pinayagan mo akong makauwi"

"tsk...
kunin mo na to nanny
pabirthday ko na sa anak mo"

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now