sixty two

883 45 7
                                    

tatlong araw na mula ng maconfine si Maxine at hanggang ngayon ay hindi parin ito nagkakamalay

"Chris phone mo ba yon?" biglang tanong ni Reign kay Christopher nang mapansin ang phone na kanina pa umiilaw. silang dalawa ang nagbabantay kay Maxine ngayon

kaagad naman yun hinanap ni Christopher at napagtanong kanya nga ang phone. nagtatakha siyang dinampot yun dahil di niya kilala ang number na tumatawag pero sinagot niya parin "hello sino to?"

📱 si Seng to Chris

biglang lingon ni Christopher kay Reign kung narinig ba niya ang nasa kabilang linya. nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang busy lang ito sa ginagawa "Rei. kausapin ko lang to ah"

"sino yan?"

"client, may icoconcern lang" tango nalang ang sagot ni Reign kaya lumabas na si Christopher at nagpunta sa puwesto na wala gaanong tao "bakit ka napatawag?"

📱 puwede ko ba kayong makausap, importante lang

"tungkol san?"

📱 just meet me here at the parking lot

kaagad na chineck ni Christopher ang paligid pagkapatay ng tawag, pero bago pa man siya makalagpas sa kwarto ni Maxine ay biglang lumabas si Reign

"san ka pupunta?"

"ah...may aayusin lang saglit"

tumango-tango lang si Reign pero ramdam niyang nagsisinungaling si Christopher "sakto. papunta na rito sila Irin sabay na tayo pababa"

"uhm..."

"may tinatago ka ba sakin?" pabirong tanong ni Reign pero mahahalata sa boses niyang seryoso siya. hindi naman makapagsalita si Christopher "kabisado kita Chris"

napabuntong hinga na lang si Christopher "si Seng nasa labas gusto daw- Reign!" kaagad na hinabol ni Christopher si Reign nang bigla itong tumakbo. para silang naglalaro ng habulan kaya lahat ay napapatingin sakanila "Reign!"

samantalang matyagang naghihintay si Seng sa parking lot. nakasandal lang siya sa kotse niya habang hinhintay si Christopher, nang may biglang tumulak sakanya at pinagsusuntok siya

"kapal ng mukha mong bumalik pa rito!" kaagad naman na inawat ni Christopher si Reign at hinila palayo kay Seng "gago ka! kung hindi dahil sayo sana ok pa silang dalawa! wala sana rito yung pinsan ko!"

pinilit naman tumayo ni Seng habang pinupunasan ang duguan niyang labi "I'm sorry, gusto ko lang sabihin na naka-confine din si Zavy ngayon kaya hindi pa siya nakakabalik para dalawin si Maxine"

biglang nakaramdam ng pag-aalala si Christopher "ano? kailan pa?"

"nung gabing pinagtabuyan niyo siya. hindi niya kinaya yung pressure sabayan pa ng over fatigue kaya hinamatay siya"

nilingon ni Christopher si Reign pero sa baba lang ito nakatingin habang nakayukom parin ang mga kamay

"hindi ako aasa pero gusto ko lang sabihin sainyo na sana....sana pakinggan niyo muna yung paliwanag ni Zavy" pagkatapos yun sabihin ni Seng ay sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis

sakto naman na dumating sila Dale at naabutan sila Reign at Christopher na parehas mga nakatulala at parang nag-iisip "babe?"

biglang balik ni Reign sa ulirat "babe..nandito na pala kayo"

"anong ginagawa niyo dito sa labas?"

"uh..wal-------------galing si Seng dito. naka confine din daw si Zavy" kaagad na pinutol ni Christopher ang balak na sabihin ni Reign. nagulat naman ang apat

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now